CHAPTER THIRTY-ONE

1.1K 116 33
                                    

Keri Tabitha Priscilla Ruiz

Naging blurry sa akin ang lahat. Ang sama-sama kasi ng pakiramdam ko. Mayroon akong pagsisisi na hindi ko inestima nang mabuti si Seth nang bumisita ito sa akin kanina. Ni hindi ako nakapag-paalam nang maayos.

"Are you okay, hija?"

Without looking at my father, I nodded. Pinikit ko ang aking mga mata para hindi na ako kausapin pa. Kahit na hindi kami magkatabi sa loob ng helicopter, from time to time ay tinatanong ako ng kung-anu-ano. Ayaw ko muna siyang kausapin. Baka may masabi pa akong masama ngayong nagmamarakulyo ang aking kalooban.

"Want to have some?"

Napadilat ako sa baritonong boses ni Jayce. Binuksan nito ang palad at nakita ko ang ilang pirasong kisses chocolates. Pinangunutan ko siya ng noo. Tingin niya makukuha ako sa iilang piraso ng tsokolate? Hindi ko alam kung bakit, pero nairita ako. Hindi ko lang pinahalata. I simply shook my head and looked away. Pumikit uli ako. Ang plano kong pagtulug-tulugan ay nauwi sa totoong tulog. Nagising na lang ako nang niyuyugyog ni Papa ang balikat ko dahil bababa na raw kami ng chopper.

Dahil medyo groggy ang pakiramdam gawa ng naudlot na masarap na tulog, ni hindi ako fully aware sa mga pinagsusuutan namin.After a while, I just found myself getting inside an international flight. Ni hindi ko na inintindi kung saan ang lapag namin. Basta pagkaupo sa loob ng eroplano, pumikit agad ako. Itinulog ko na lamang ang pangungulila kay Seth. Nang ma-realize ko iyon, natigilan ako saglit. No. Siguro ay na-guilty lang ako dahil hindi naging maganda ang paghihiwalay namin kanina. Iyon lamang ang dahilan nito.

Makaraan ang ilang sandali, may tumapik sa aking balikat. Medyo na-disorient ako nang makitang marami nang tumatayo sa aisle. Nag-wonder ako kung nasaan ako no'n. Pero nang mag-iyakan na ang mga bata at kanya-kanya ng kuha ng bagahe sa baggage compartment, saka ko naalala na nasa loob pala ako ng eroplano at kalalapag lamang nito. Nakita kong nakatayo na rin si Jayce sa bandang unahan ng upuan ko. Papa was with me helping me to get up. Parang ayaw ko pa. Pagod ako na hindi maintindihan.

"Did you have a good sleep, sweetie?"

Kinusut-kusot ko ang mga mata. "Yes, Pa."

Painut-inot akong tumayo at dahan-dahang naglakad with him papunta sa exit. Nang tingnan ko ang labas ng eroplano, may nakita akong mga Chinese characters na nakaukit sa mga buildings. Nasa China ba kami? Nasagot ang katanungang iyon nang papalapit na kami sa immigration. Wala kami sa China kundi sa Hong Kong!

"Why are we here?" tanong ko kay Papa sa inaantok na tinig.

"This is not our final destination yet. Dito lang tayo magta-transfer to another flight."|

"Another flight? You mean to the US?" I was excited. At last, makikita ko na rin ang mama ko! I missed her so much! Hindi nga maitago ang excitement sa boses ko nang tinatanong ko si Papa.

He smiled at me, pero may kaunting lungkot sa kanyang mga mata. Nag-alala tuloy ako. Bago ko pa siya matanong kung bakit, sumabat na si Jayce.

"I just called them, sir. They're ready to welcome us."

**********

Seth Meschach Berlusconi

Ilang gabi nang hindi ako pinatulog ng a**hole na Jayce Robles na iyon. Kada pikit ng aking mga mata, nakikita ko siyang titig na titig kay Keri at bumababa pa ang mukha na parang gusto itong halikan. I should be sleeping at this time. Hindi ako pwedeng magpuyat dahil may mahalaga akong kakaharapin kinabukasan. Iyon ay ang mga senior members ng aming organisasyon o tinatawag naming capo. Bilang CEO ng mga legal businesses ng aming samahan, tungkulin ko rin silang i-update tungkol sa performance ng hinahawakan naming negosyo.

QUEEN SERIES #2:  THE HERMES QUEEN (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon