Kabanata 31

546 20 0
                                    


Kabanata 31

Ripped

Mabilis kaming nagkalayo ni Chester nang makarinig kami ng katok sa pinto sa aking kuwarto. Sa paraan pa lang ng pagkatok ay alam ko na kung sino iyon.

Akmang si Chester ang magbubukas no'n nang unahan ko siya sa paghakbang patungo roon.

Mahirap na at baka mag-isip pa ng iba si Lola Dominga. Ngunit sa isip-isip ko, alam kong imbis na magalit siya, ay matutuwa pa 'yon. Malamang. Baka nga isipin pa no'n ay nag-sex kami nito ni Chester! At sa sobrang advanced niya mag-isip, baka ipakasal kami agad dahil buntis kuno. Mukha pa naman siyang pera.

Pagpindot ko pa lang sa lock ng doorknob upang pagbuksan sana si Lola Dominga, ay siya na ang tumulak no'n.

"Maligayang Pasko, apo ko! Chester! Halina kayo!" bati niya, talagang mababakas mo ang sinseridad at tuwa roon. Napangiti na lang ako nang hindi ko napapansin. Ngunit kaagad ko ring itinago 'yon dahil ayaw kong makita niya 'yon. 

Niyakap niya ako. At ang nakagugulat sa naging reaksiyon ko ay yumakap ako pabalik sa kaniya, walang alinlangan. Hindi ako nakaangal, o ginusto ko rin naman. Hindi ako sigurado.

Sa huli, ako rin ang nagputol ng aming yakapan. Umatras ako papalayo mula sa kaniya, at nilingon si Chester na nakatingin lang sa aming gawi. Nakaukit ang kaunting ngiti sa kaniyang mga labi, tila natuwa sa nasaksihan.

"Ako? Wala?" tanong niya, dahilan para matawa si Lola Dominga na nasa gilid ko.

Pinanlakihan ko lang siya ng mga mata dahil sa harap pa talaga ni Lola!

"Susunod na kami," sabi ko.

Hindi naman na siya umangal at lumabas na. 

Nanatiling tahimik ang bawat sulok sa kuwarto. Nagkatinginan kaming dalawa ni Chester. Kita ko kung paano umangat ang kaniyang dibdib nang bumuntong-hininga siya.

"Naniniwala pa rin akong may mabuti kang puso," biglaan niyang sinabi at umupo sa kama ko. 

Naglakad ako patungo sa kaniyang tabi at nakiupo. "Grabe, ha. All this time, masama pala ang tingin mo sa 'kin?" Pinagtaasan ko siya ng kilay. "'Di naman ako aangal."

Pasinghal siyang natawa. "No... Pero base sa mga nakikita ko, alam kong may matindi kang pinagdaanan na kailanman ay hindi mo maibabahagi sa akin. Naiintindihan kita; 'yang galit na matagal nang namuo sa puso mo." Nginitian niya ako nang kaunti.

Napatitig lang ako sa kaniyang mga mata na puno ng pagkahumaling at awa. Magaan ang kaniyang palad nang ipinatong niya iyon sa ibabaw ng aking balikat.

At nang dahil sa sinabi niya, may kaagad akong napagtanto. 

Malaki ang galit ko kay Lola Dominga. Sobra. Ngunit nang dahil sa pagyakap niya sa 'kin kanina at ang pagtawag niya ng 'apo', pati na rin ang sinseridad sa kaniya, hindi ko maiwasang mamangha sa aking sarili dahil sa kabila ng mga nagawa at ginagawa niya, nakikita ko pa rin ang kabaitan niya.

Napakurap ako nang magsalita si Chester, dahilan para mapaayos ako ng upo.

"Iyang nararamdaman mo, kahit ano pa 'yan, basta naapektuhan ka, valid 'yan. Palagi," sabi niya, halos naging pabulong iyon. Mukhang nag-aalinlangan siyang magsabi ng gusto niyang iparating sa akin ngunit nagtagumpay naman siya dahil sobra-sobra akong natunaw nang dahil doon.

"May alam ka ba tungkol sa akin?" Hindi ko na naiwasang tanungin pa iyon, dala na rin ng kuryosidad.

Nagkibit-balikat lamang siya. "Maaaring mayroon, pero alam ko, wala pa 'yon sa kalahati ng pagkatao mo."

Playing Cards of Heart (Saudade Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon