CHLOE Perez POV
"Pwedi bang pigilan mo naman yang bunganga mo kadada kong nonsense din naman.Pinapahamak mo lang ang sarili mo."galit na sigaw ni Dark kay Kaira nong nakabalik kami dito sa hideout.
"Eh bakit ba nakakatimpi nadin ang isang yun.Akala mo kong sino Dean lang naman siya dito"mukhang naiinis na sabi naman ni Kaira sakanya.
"Dean lang Dean na pweding pumatay sayo"gigil na sabi ni Dark. Napatakip naman ako ng tainga sa lakas ng bunganga ng dalawa.Umupo ako sa supa katabi nila Darriel at Ryan.
"Ang ingay ingay"inis na sabi ko.Tinawanan naman ako ng dalawa.
"Mukhang kailangan nating masanay.Napapansin niyo namang laging nagbabangayan ang dalawang yan diba HAHAHA"tumatawang sabi ni Darriel.
Tss
Napapansin ko din na parating nagbabangayaan ang dalawa.Na hindi ko nakikita dati kay Dark.Nagiba siya.Hindi ko alam kong bakit parang bigla kong napansing nagiba ito.Hindi kasi ganito kong umakto ang isang Dark Deevon Curpoz.Kaya niyang magpigil sa inis pag galit.Pero sa nakikita ko ngayon mukhang naubus na ang pasinsya niya sa isang to.
Hindi naman ako magkakaila na nakakainis nga talaga ang babaeng ito lalo na yong kaninang mukhang inaasar ako.
Tsk.
"Pero okay din naman siya diba"nakangiting usal ni Darriel.
"Sino"nakakunot ang noong tanong ni Ryan.
"Si Kaira kako.Okay din naman siya"si Darrel.
"Yup.Lalo na sa mga galaw niya kanina." si Ryan.
"Tsk.Pero mukhang mayabang"napapairap na sabi ko naman.
"HAHAHA parihas kayo mayabang lalo na sa pagdating sa labanan"tumatawang sabi ni Darriel.Inirapan ko naman ito.
Oo mukhang mayabang kong umasta sa pakikipaglaban si Kaira.Pero kahit ganon may ibubuga naman.Nung una hindi ko inaakala na may kakayahan ito sa ganong bagay.Na ikakahanga ko din dito.
"Bakit ba kasi nagagalit ka huh"inis na sigaw ni Kaira kay Dark na unti nalang sasabog na talaga.
"Dahil dito napakaingay"sigaw ni Dark at hinila ang nguso ni Kaira na ikahabol nito sa pagkakahila ni Dark.
Bahagyang napatawa naman ako ganon din ang dalawa na katabi ko na nakatingin din sa dalawa na magbabangayan.
"Bwiset ka talagang bakulaw ka"inis na sigaw ni Kaira matapos na bitawan ni Dark ang pagkakahila sa nguso nito.
Tinawanan lang naman siya ni Dark.Para kasi itong bata na ngumunguso habang hinahawakan ang nguso niya na mas lalong ikatawa ng malakas ni Dark.
Bigla naman akong napatitig sa tumatawang Dark.Matagal ng huli ko itong nakitang tumawa at nakakahanga at ang babeng ito lang ang makakagawa non.Magkakaibigan na kaming dalawa simula bata bago dumating sila Darriel at Ryan.Bata pa kami ng huli kong nasilayan ang ganyang ngiti na ngayon ko lang uli nakita.
Nakakatuwa at sana magtuloy tuloy na.
"Pwedi bang tumigil ka sa kakatawa.Nakakairita ang pagtawa mo"napapairap na sabi ni Kaira.Napalingon naman kaming lahat nong biglang bumukas ang pinto at iniluwa don si Russel na kinabibilangan ng Devil Dragon Gang.
"Uy what's up"si Darriel.
"Hey?"si Ryan.
"What"Dark.
"Uy The mask man"nakangiting sabi ni Kaira.Seryusong nilingon naman siya ni Dark.
Tsk.
"Whats probs?"si Darriel at naglakad palapit kay Russel.
"Pinapasundo kayo ni Jonathan"seryusong sagot nito.
"Bakit daw"nakakunot ang noong tanong ni Dark.
"About lunch.Sabay nanaman daw"Russel.
Kaira Althea Martinez POV
"Hey Darriel"pabulong na tawag ko kay Darriel na nasa tabi ko.
"Yes miss sungit"sabi niya at ngumiti sakin ng malaki.
"Lagi ba talagang naka mask yang si The mask man"nagtatakang tanong ko.Gusto ko talaga kasing malaman nakakapagtakalang kasi talaga. Andito nga pala kami sa cafeteria katulad kahapon pinagdikit ang dalawang mesa.Marami estudyante ang nandidito.Andito din ang dalawang kaibigan ko na hindi sa malayo samin nakapwesto.
"Ahmn hindi naman dati laging nagmamask yan.Simula nong dumating sila madalang lang yan magsuot ng mask simula nong naging member siya ng grupo ni Jonathan"pabulong na sagot nito napalingon naman ako kay The mask man na nasa harap ko na sumubo ng pagkain.Ang mask na suot pala nito ay natatakpan lang ang mata at ilong nito.Ang bibig lang ang malayang makikita sa kanyang mukha.
"Ganon ba"sabi ko habang nakay The mask man parin ang paningin.
"Oo siguro nong dumating kayo saka ko ulit nakitang sinuot niya yan ng walang hubad hubad"napakunot ang noo ko nonh sabihin yon ni Darriel.Bahagyang nilingon ko pa ito pero seryuso ito at tumango tango pa sakin.
Bigla naman akong nagtaka sa sinabi niya. Sinuot niya uli yon simula nong dumating kami ng walang hubad hubad.Pero bakit ano namang dahilan niya. ANO ANG TINATAGO NIYA?. Nakakunot ang noong tanong ko sa aking isipan.
"Kaira san ka natotong ng makipag laban"napalingon ako kay Ryan ng tanongin yon.Sabay sabay na nilingon naman ako ng lahat kasama na don si The mask man.
"Huh?"
"San ka kako natotong makipag laban.Mukhang sa etchura mo hindi ko makikitang may ganong kang kakayahan"
"Tsk.Masyado mo naman akong minamaliit kong ganon"seryuso kong sabi.
"Hindi naman sa ganon.Pero pano nga?"
Napabuntong hininga naman ako ng malalim bago magsalita.
"Ahmm tinuruan kami ng secretary ng daddy namin"maikling sabi ko at bumuntong hininga.Si secretary Jacob ang tinutukoy ko.
"Yun na yun.Tinuruan lang tapos ganon na kagaling"nakakunot ang noong tanong uli ni Ryan."Napanood namin yong laban mo sa Hunted house.Don palang nakikita ng mahusay ka sa pag gamit ng baril"napairap ako sa sinabi niya.Nilingon ko naman ang lahat ng gang na nasa akin parin ang paningin.
Bumuntong hininga ako"Bata palang kami tinuturuan na kami ni secretary Jacob.Just in case na may makalaban kami pwedi naming magamit yun para protektahan sarili namin sabi niya"sabi ko at tinignan si The mask man.Hindi ko alam kong bakit sakanya ako napalingon habang naalala ko si Kuya."Tinuturuan din ako ni kuya gumamit ng patalim bago ito mamatay"hindi ko alam kong bakit bigla nalang akong napaluha.
"My kuya die two years ago.Hindi ko alam kong anong dapat maramdaman nong oras na yon.Parang yung sakit ang nagbigay ng diterminasyong saking matotoo.Nagpursige ako kasi yon ang gusto ng kuya.Lagi niya akong pinapaalahan na araw araw na dapat mas mahigitan ko siya sa anong lakas niya.Kaya nag insayo ako araw araw ginawa ko lahat "pinunasan ko ang luha ko.Nagulat naman ako nong bigla nalang hawakan ni The mask man ang isang kamay ko na nasa ibabaw ng mesa.
"Isipin mo nalang na nasa tabi mo siya"mas lalong lumuha ako nong sabihin niya yon.Kahit na hindi niya sabihing nakikiramay siya.Pero dahil sa ganong sinabi niya nararamdaman ko yun mismo.
"Pwedi mokong ituring bilang kuya kong gugustohin mo"mas lalo akong nagulat ng sabihin niya iyun."Pwedi mo kaming ituring Kuya"sabi niya sabay lingon sa mga ibang gang na lalaki na nasa lamesa namin.
"Talaga..So pwedi na kitang maging Kuya ngayon"naiiyak kong tanong nakangiting tumango naman ito.Kaya napangiti ako sa sagot niya.
"You can also call me Kuya if you like"si Gray at ngumiti sakin.Nilingon naman niya ang dalawa pang leader.
"Ayaw kong maging kuya niya"sabay na sabi ni Dark at Jonathan.
"Ed wag.Atleast may dalawa na akong Kuyang mapopogi Hehehe.Kuya Gray,Kuya The mask man"sabi ko napatawa naman silang lahat.
Kakaiba ang saya ko ngayon.Alam niyo yon wala na si Kuya pero kahit ganon atleast may dalawa akong bagong kuya.
Saka hindi ko pweding sabihin sakanila na may sinalihan ako na gang sa labas.Okay na siguro yong alam nila na nag insayo lang ako hanggang matotoo.
BINABASA MO ANG
Inferno University(School of Monster and Gangster)
Mystery / ThrillerKilling is free