Chapter 19

63 2 0
                                    

Kagat

Naisipan kong mamasyal ngayong araw, makapag isip isip dahil hindi ako mapakali sa ikinikilos ni kiyo, parang may mali eh...

Narito ako sa parke pero sinigurado ko na nasa parte ako na maraming tao

Nang nakakita ako nang nagtitinda ng tubig ay nilapitan ko ito

"Kuya, pabili nga po niyan, magkano po?"

"Libre nalang po para sa inyo ma'am..."

"Ay hindi na kuya, babayaran ko po, sayang to benta niyo narin po ito,"hindi ko siya nilingon dahil busy ako sa paghanap ng pera sa bag ko

Nang iabot ko ang bayad sa kaniya ay nagtaka ako kung bakit balot na balot ang mukha niya,,may allergy ba to?

"Ma'am libre na po yan para sa inyo"

"Hindi na kuya, sige na tanggapin mo na," nilagay ko sa kaniyang kamay ang aking bayad at agad na kinuha ang tubig dahil uhaw na uhaw na talaga ako

Agad ko rin itong naubos pagkatapos ay naramdaman ko nalang na parang nahihilo ako,,

"Ma'am okay ka lang ba?"

"Oo kuya,,s-salama---"ang huli ko na lamang nakita bago ko nawalan ng malay ay ang pagtanggal ng balot sa mukha ng lalaking nagbenta sa akin ng tubig ngunit masyado na siyang malabo sa paningin ko kaya di ko na maaninag ang kaniyang hitsura

Nagising ako na parang may mabigat na bagay na nakadagan sa akin

Unti unti kong iminulat ang mga mata ko at nagulat sa aking nakita!

"Hyann?!anong ginagawa mo? N-nasan ako?"

"Shhh,,,"inilagay niya ang kaniyang darili sa aking labi at tinitigan ako sa aking mga mata

"Huwag kang matakot,,di kita sasaktan okay..."

"Pakawalan mo ko!" nagtangka akong pumiglas pero nakadagan siya sakin! Agad niyang inilagay ang aking mga kamay sa aking uluhan

"Ano ba?! Bitawan mo ko,,nasan ba ko?!"

"Calm down Vannie, please,,pag di ka tumigil, kakagatin kita," biglang nagdilim ang kaniyang paningin

Napasinghap ako, mas lalo akong nagpumiglas! "Ayoko rito, pakawalan mo ko!"

Nagulat na lamang ako ng may malamig na bagay siyang isinuot sa aking mga kamay

"Ano to! Hyann pakawalan mo ko!tanggalin mo itong tali na to"

"Nope,,hanggat di ka kumakalma diyan lang yan"

"Hyann!tanggalin mo sabi to eh di ako natutuwa!"

"Sa tingin mo Vannie sa mga oras na to ay natutuwa ako sa mga nangyari! Ayokong magalit sayo Vannie , saka na kita kakausapin kapag kumalma ka na"

"Nasan ba kasi ako? Sinong nagdala sakin rito?! Nasan ang cellphone ko, may kailangan akong tawagan"

"Sino?! Si kiyo nanaman Vannie! Sa ginagawa mo ngayon lalong hindi kita pakakawalan,,,"napakadilim ng kaniyang mukha,,

Nanahimik na lamang ako at hinayaan siyang makaalis,,ayokong makasama siya, kahit na gustuhin ko, hindi pwede dahil alam ko ang magiging kahihinatnan nito

Nakatulog na lamang ako sa sobrang pag iisip kung pano makaiwas sa kaniya eh,,alam ko namang hindi ako basta bastang makakaalis sa lugar na ito!wala na rin ang tali sa aking mga kamay kaya nakakagalaw narin ako ng maayos

Oo nga pala,, narito muli ako sa dolce hyvn Paraiso,,ayaw ko man, wala akong magawa

Simula nang nagkasagutan kami ni hyann, di na siya muling kumibo,, mas okay nga yon kasi mas madali akong makaiwas

Nakaupo ako ngayon sa tapat ng ilog,,si hyann, ewan ko dun ayaw ko siyang makita!

Lumipas ang ilang minuto ay nagulat na lamang ako nang may biglang sumulpot sa harapan ko

"Ikaw! Anong ginagawa mo rito?!"

"Why? Namiss mo ko?"*smirk

"Ha-ha manang mana ka talaga sa kuya mo no,,ang dami kong gustong itanong sayo at kailangan mong sagutin lahat ng iyon!"

"Bakit sinabi nang kuya ko na hinahanap mo raw ako dun sa mundo naming mga tao?"

"Napakadali naman----"

"Sagutin mo nalang harrion pwede?!"

"Okay okay,,naroon ako kasi may kailangan akong sabihin sayo pero I think hindi mo na kailangang malaman kasi nagkita namn na ulit kayo eh"

Medyo naguluhan ako dun sa sagot niya pero sa sobrang dami kong kailangang itanong, di ko na pinagtuunan ng pansin iyon

"Sinong nagdala sakin rito? Ang huli kong natatandaan ay nagpunta ko sa parke at namili ng tubig sa isang lalaki na may balot ang mukha"

"Pano ko naman malalaman yon Vannie---hayy oo na ako yon"

Tinitigan ko siya ng masama kaya dapat lang na sabihin niya sakin ang totoo!

"Sa dinami dami ng pwede mong pagdalhan sakin ay dito pa talaga sa lugar ni hyann!"

Nakangisi lamang siya," bakit ayaw mo ba?"

"E-ewan ko sayo,, baka nakakalimutan mo harrion na,,,"luminga muna ako sa paligid kasi baka marinig ni hyann ang sasabihin ko

"Ang mga sinabi mo ang dahilan kung bakit pinili kong lumisan sa lugar na ito"

"Alam ko yon Vannie,, and still, kahit dinala kita rito, hindi ko babawiin ang mga sinabi ko noon dahil totoo yon"

"Eh bakit parang wala namang dinaramdam si hyann?"

"Hindi ugali ni kuya ang ipakita ang sakit na nararamdaman niya sa iba...ngunit ano nga bang magagawa ng isang tulad ko laban kay kuya, kapag gusto nun, gusto non at walang dapat pumigil"

"Anong pinag uusapan niyo diyan?! Pwede namang mag usap ng magkalayo diba harrion?Vannie?!"

"Tsk kala mo aagawan eh ha-ha"

"Ano yon harrion may sinasabi ka ba?!"

"Wala kuya, si Vannie kasi eh lapit ng lapit, namiss niya daw ako kaya gustong mangyakap"

"A-anong----"

"Umalis ka na harrion!"

"Tapos kuya sabi niya ikiss niya daw ako sa pisngi"

"Aba't!"

"Alis na!"

"Ha-ha oo na,paalam kuya, Vannie kiss ka na bilis"

Hinampas ko siya,,kakainis, ang galing mang asar!!

Tumawa lang ang bwiset! "Bye bye Vannie"

"Vannie umakyat ka na sa bahay!"

"Pero gusto ko pa dito---"

"Akyat sabi! Huwag mo nang hintayin na uulitin ko iyon dahil kakagatin na talaga kita!"

Bakit ba lagi niyang panakot sakin ang kakagatin,,,gusto ko nalang tuloy tumakbo eh sa tuwing sasabihin niya yan!

Agad siyang sumunod sakin nang may mabibigat na yabag

Hindi ko nga namalayang nakalapit na pala siya sakin at pininid ako sa may malapit na dingding!

"A-anong ginagawa mo?!"

"Tuturuan kita ng leksiyon,,mula ng makita ko kayo, kumulo na ang dugong bampira ko!"

"A-anong ibig mong sabihin?"

Bigla na lamang siyang ngumisi,,tipong may binabalak!

"Anong balak mo?!"

"Ipaparanas ko sayo kung pano magalit ang Isang bampirang tulad ko, nangangagat"...ibinulong niya sa aking tenga ang huling katagang iyan na siya namang nagbigay ng kakaibang pakiramdam sa akin

Nanlaki na lamang ang mata ko,,parang gusto ko na lamang lamunin ng lupa!

n/a:

Next chapter is not suitable for young readers 🙅

XansetEam

Vampire's TearsWhere stories live. Discover now