Chapter 9
Dustin's POV.
"SIR, You have a visitor waiting here outside." saad ng secretary ko.
Busy ako sa pagsearch ng tungkol kay Hailey. No'ng tinanggap ko siya bilang ka-partner ng company, at bagong endorser ay hindi ko masyadong natingnan ang kanyang background. Masyado akong nadala sa mga pangyayari.
Napahilot ako sa sintido. "I already told you, Bernadette. Kung walang naka-schedule na meeting---"
"Even if I'm your visitor?" kaagad akong napamulat ng mata. It's been a while since I heard her voice. Kunot noong tumingin ako kay Hannah. Nanatiling nakangiti pa rin siya. "How are you, Dustin? Your already successful now, and I think, you're already healed."
"Kailan ka pa dumating?" tanong ko sa kanya.
Inilibot niya ang kanyang paningin sa loob ng aking office. "Kanina lang. Dito kaagad ako dumeretso sa office mo. I badly want to see you, Dustin." naglakad siya patungo sa mga painting na nakasabit sa gilid. "I like this paintings! Where did you buy this?" aniya at marahang hinaplos iyon.
"Bakit hindi mo sinabing ngayon ang dating mo?" tanong ko pa rin.
"I want to surprise you! Remember what I said before? I just gave you time to think, pero kapag babalik ako dito, sisiguraduhin kong sa akin na ang bagsak mo." lumapit siya sa'kin. Yumuko sa may harapan ko, at may binulong. "And now, I'm back. I want you to marry me, Dustin. Gusto kong samahan kang tuparin pa lalo ang mga pangarap mo," mahina nitong bulong.
Lumakbay ang kanyang kamay sa aking leeg at marahang inangat paharap sa kanyang mukha. "I love you, Dustin. Noon pa man, pero pilit mo akong binalewala. Ngayong wala na si Christine, pwedeng ako naman? I promise, I will give you---"
"Hannah--"
"Im your fiance now, Dustin. At lahat ng excuse mo ay hindi na gagana." umayos siya ng tayo at umupo sa may harapan ko. "Five years nang wala si Christine, aren't you still over with her?" pangungutya pa nito.
"Yeah," sagot ko sa kanya. "At tungkol sa pagiging fiance mo sa'kin, hindi na 'yon matuloy. Five years have passed, and I will never allow you to control me again. Pati na si Daddy." I said directly into her eyes. "You can leave now, Hannah." asik ko at tumayo.
Pinanlisikan niya ako ng mata. Bakas rin dito kung gaano siya kagalit. "Dustin, pinagbigyan na kita noon. Nagparaya na ako sa inyo ni Christine, and now, ayaw mo pa rin? Tell me, may iba ka na bang nagustuhan, ha?!"
"Ah-oh, I'm sorry. Akala ko walang tao, babalik nalang ako mamaya, Mr. Sandoval." sabay kaming napatingin sa kakapasok pa lang na si Hailey.
Pulang-pula ang buong mukha nito, at taranta pa nang malaman na may ibang kausap ako.
"C-christine?" utal na tanong ni Hannah. Kita ko ang panginginig ng kanyang kamay at marahang tumayo. "Y-your a-alive? P-paano 'to nangyari?"
Imbes na lalabas na si Hailey, lumingon siya samin na nakakunot ang noo. Palipat-lipat ang tingin sa amin ni Hannah.
"Christine, who?" taas kilay na tanong naman ni Hailey.
Napailing na umupo ako sa mesa. Katulad no'ng sa'kin ang naging reaksyon ni Hannah. Well, sino ba namang hindi? Kung hindi dahil sa pangalan at ugali, mapagkamalan na talaga siyang si Christine.
"K-kailan ka pa dumating? B-bakit buhay ka? I-ikaw ba talaga si Christine?" sunod-sunod na tanong ni Hannah. Ngunit nang magsalita na sana si Hailey ay bigla itong umiling. "No need to answer my questions. I-i have to go," asik niya at walang paalam na lumabas. "I-imposible," rinig ko pa nitong bulong.
BINABASA MO ANG
Impregnated By My Ex (COMPLETED)
RomanceChristine Paller was impregnate by her ex, Dustin Sandoval. Pero hindi sa ganoong paraan nagtatapos ang kanilang relasyon. Their parents wants them to get married. Then, they make a plan, their marriage is only in paper and for the baby. Pero paano...