Starr's Pov
After that beach day, inaaya ko na lagi si Renee mag bonding, but that doesn't mean that we're officially dating, pero gustong gusto ko na lagi siyang kasama, I feel safe and secured.
I like her.
Hindi mahirap gustuhin ang isang tulad niya, napakabuti niya at laging maganda ang intensyon niya para sa ibang tao, although she's selfless, but I'm going to make sure that she'll learn how to love herself first before loving someone or maybe be? Haha. Hindi naman masama magilusyon diba? I mean, she said na she never confessed to me before, it means that she liked me before, no... she loved me before and I loved her before.
Argh! Sumakit nanaman ang ulo ko, napapadalas na yata ito. Sabi naman ng doctor sakin ay normal daw dahil anytime babalik na ang memorya ko. Saang lupalop ba kasi nagpunta yung memories ko?
This day, napagdesisyunan kong magpaalam sa mama ni Renee at sa Step dad niya, pati na sa mga kaibigan niya, I know na old style na yung panliligaw pero gusto ko pa rin yung ganito, sa ganitong paraan kasi mas maipaparamdam ko sa kanya na I like her, so much.
Nagbihis na ako at nagpasyang puntahan ang bahay nila Renee, kaya lang sana wala siya sa kanila, mas okay yung surprise.
I texted her kung nasaan siya, she said nasa grocery store, sabi ko update niya ako kung saan siya pupunta next para maantabayanan ko yung pagdating niya.
Mabilis naman akong nakarating kela Renee, hindi naman kalayuan ito sa condo na tinitirhan ko.
"Hey Starr! I received your text, sure kabang liligawan mo si Renee?" si jiro, siya kasi ang unang pumasok sa isip ko na pwedeng tumulong sakin, kahit medyo kabado ako.
"I like her, so much. Even if she doesn't like me back, I'm still going to court her" hindi ko alam kung may feelings pa siya kay Blue, ipinagsa diyos ko nalang ang mangyayari, ayoko na din magsayang ng panahon, baka maunahan pa ako.
Pagpasok ko ay naghihintay na ang mama ni Renee at yung step dad niya, hindi ko alam ang mga pangalan nila dahil hindi naman binabanggit sakin ni Renee iyon, mga kaibigan niya lang kilala ko, at ayon kay Renee, si Blue lang daw ang naipakilala niya sa mga ito.
"Starr, maupo ka iho"
Inabutan ako ng mama ni Renee ng spaghetti and coffee, anong meron? Or baka ganito lang talaga ang ginagawa nila pag oras ng meryenda?
"I'm sure naman na nakwento na ako ni Renee sayo, you can call me Tita Romela" nakipagshake hands naman ako sa kanya. "At ito ang asawa ko, si Zac"
"Good afternoon po Tita Romela and Tito Zac" pagbati ko sa kanila "Gusto ko po sanang ipagpaalam si Renee, gusto ko po si—." Nilakasan ko na ang loob ko pero pinutol ni Tita Romela ang sasabihin ko.
"Payag kami sayo" Wait what? That fast?!
"P-po? Pero hindi niyo pa naman po ako nakikilala ng lubos, paan—." She cut me again
"Matagal na kitang kilala Starr, magkababata kayo ni Renee. Kilala ko ang parents at mga kapatid mo, you have a great family, mabubuti silang tao, I won't doubt na mabuting tao ka din. Saka palagi kang kinukwento ni Renee sa amin, mukhang masaya naman ang anak ko sayo"
Gulantang pa din ako hanggang ngayon, hindi na ako nagulat sa sinabi niyang kilala niya ang pamilya ko, nagulat ako sa sinabi niyang kinukwento pala ako ni Renee.
After kong makipagusap at kwentuhan saglit kela Tita Romela at Tito Zac ay nagpasya na akong umalis dahil sabi ni Renee nasa starbucks daw siya at pauwi na din.
BINABASA MO ANG
Who Am I? (On Going)
Teen FictionA girl who lives in lies, how will she know the truth? Would anyone will tell her? Or she could figured it out herself? How can she escape? Or will she? What if she doesn't?