Rules ni Mr. President (part 2)

222 6 6
                                    

"Halika na. Uwi na tayo." Walang emosyong sabi ni Reiken. Tss. Ano pa bang bago? Palagi naman talaga siyang ganyan. Nasanay na ako. Sa two months ba namang naging kami dahil dyan sa putapete niyang "rules", di pa ba ako masasanay? -.-

Nandito pala ako ngayon sa student council president's office--- which is office ni Reiken, para hintayin siyang matapos sa ginagawa niya. Hindi kasi siya pumapayag na hindi kami sabay umuuwi. Last time I remembered, nung di kami sabay umuwi dahil iniwan ko siya, pinatawan niya ako ng sanction! Aba matinde! Bakit, kasalanan ko ba kung najejebs ako nung time na yon?! Kaya today, tomorrow, and for the days to come, I'm waiting for him. Charot!

"Jeanina... " 

"Hmm?" sabi ko. Busy kasi ako eh. Busy maglaro ng clash of clans. He-he. Nakakaadik kaya!

"Let's go home. Ihahatid na kita"

"Tapusin mo muna yang trabaho mo" sabi ko nang hindi siya nililingon. Busy nga diba?

"Tapos na, so let's go" parang naiiritang saad niya.

Hindi na ako nagsalita pero di rin ako tumayo o kumilos. Patuloy lang ako sa paglalaro nang biglang hablutin ni Reiken ang iphone ko mula sakin at pinasok yon sa bulsa ng slacks niya. "Arrrgggghhh!! Reikeeeeeennn!! Naglalaro pa ako eh! Give me back my phone!" nagmamaktol na wika ko.

"No. kanina pa ako sabi ng sabi na umuwina tayo but you just disobeyed me. Alam mo naman ang parusa diba?"

OMGH-halik?  "Oy hindi ako disobedient. Ito na nga oh. Tatayo na." nagmadali naman akong tumayo mula sa swivel chair at sinuot ang packbag ko.

"Akin na ang packbag mo" prisinta niya

"Ha?"

"I said, give me your bag. Ako na magdadala."

Aawwe. Eng shwet nemen! Keneleg eke. Pero hindi ko naman siya gagawing yayo ko noh. May sapat na lakas pa naman ako para magbuhat ng bag na singbigat ng baul ni dagul. "Hindi na, kaya ko na"

"Tsk. Akin na nga" Akmang kukunin na sana niya ito pero nauna na akong naglakad palabas ng opisina niya.

"Ako na nga eh" pagmamatigas ko pa.

Bago pa man ako makalabas, kinalabit na niya ako at agad sinalubong ng halik sa labi ko. Shet! 'Bat di ko siya kayang itulak o pigilan???

Umm.. Dahil gusto mo naman? sabi ng kabilang parte ng utak ko.

Heh! Kaya pumikit na lang ako at tumugon sa halik niya. Heaven! Heaven dre! Ito na ba ang literal na ibig sabihin ng "lips of an angel"? Pagkatapos ng halik, hinawakan niya ang baba ko. "Tsk. Pasaway ka kasi eh. Yan tuloy" aniya.

Inirapan ko lang siya. "Ikaw ha. Pang ilan mo na to!Nagte-take advantage ka lang eh"

"Baka ikaw ang nagte-take advantage. Siguro sinasadya mong suwayin ako para halikan kita noh?"  at nag smirk pa ang loko! shyeeett! Nakakainlab! Wag ka nga!

"Ha! Excuse me! Hindi ko nga gusto ang mga halik mo eh!" Liiiaaaaarrr..

"Pfft. Lokohin mo goldfish mo. Kung di mo gusto, di mo sana tinutugunan ang mga halik ko." nakangising sabi niya.

Deym! Natigilan ako dun ah! May point naman kasi siya eh. Mehehe. Di ko napansing kinuha na pala niya ang pakcbag mula sa likod ko at nauna nang lumabas. Yan kasi, tulala pa more!

"Hoy ang yabang mo! 'Tas 'wag mo nga akong iwan! At hoy! WALA AKONG GOLDFISH!" pahabol ko pa bago sumunod.

++++

Rules ni Mr. PresidentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon