28

0 0 0
                                    

XXVIII. Ako Muna

Ang mga mapapayapang ulap sa makulimlim na kalangitan ay unti-unting kumukupas, ang mga mumunting dahon sa puno ay mabilis na nalalagas, ang mga tao'y parang oras na matuling tumatakbo upang sa ambon ay makaiwas, samantalang ako'y nagdadalamhati dahil sa tanawing nasilayan at tila inukitan ng malapad na gasgas; mga mapanglaw na luha'y dumadausdos kasama ang ulang napapanghal kung saa'y saksi ang kapaligirang sobrang maaliwalas sa aking pighating dinaranas.

Ako'y ngumiti nang may halong kapaitan habang kayo'y aking pinagmamasdan na may pakiramdam na pusong parang inaapak-apakan. Kayo ay nasa kabilang eskinita—pinapagaan mo ang kanyang kalooban at pinapatawa nang walang katapusan sa kadahilanang nagkaroon sila ng alitan ng kanyang mga kaibigan. Nakakatawa nga kasi para kang buntot niya na hindi siya maiwan-iwan, subalit nang mga araw na ako'y iniwan ng aking mga magulang at bumagsak sa pagsusulit ng ating paaralan ay hindi mo ako tinulungan kahit ako'y lumuhod sa'yong harapan.

Barko-barkong mga katanungan ay biglaang naglayag sa'king isipan subalit ang isa ay lumubog sa pinakailaliman ng aking kaluluhang nahihirapan. Mahal, bakit na naman siya ang iyong kasama at bakit ako na naman ulit ang iyong hinayaan, iniwan at pinabayaan? Kaparusahan ko ba ito o isang masaklap na kapalaran na kahit maging iyong kasintahan na hindi iniingatan dahil ang katotohanan ay buong atensiyon at oras mo'y nasa iyong kaibigan.

Tumalikod ako at humakbang palayo kasabay nang pag-ipit ko ng aking labi nang may napagtanto—panibagong anibersayo na namang nating iyong nakalimutan, ngunit huwag kang mag-alala mahal sapagkat patuloy kitang iibigin at pahahalagahan ko parin ang ating maliit na ala-ala. Mamahalin parin kita kahit ako'y nakahimlay na sa'king hantungan, ngunit sana'y pakinggan at tuparin mo ang natatangi kong kahilingan na sana ay ako muna bago siya, sana ako muna.

-Skieslany

Lullabies of the Tranquil SkyWhere stories live. Discover now