Maria POV
Happy Birthay to you, happy birthday to you, happy birthday dear Maria happy birthday to you🎵 🎶 ♬🎵 🎶 ♬🎵 ♬ 🎶 ♬🎵 🎶 ♬.
Minulat ko ang aking mga nagkikinangang mata ng marinig ko ang pagtunog ng aking telepono. Ito'y hudyat na kailangan ko ng maghanda sa aking pagpasok sa bagong paaralan.
Dali-dali akong naligo at nagbihis ng fitted jeans at t-shirt , at dahil pang anim na alarm na yun, sa cafeteria na ako kakain.
Bakit ba kasi nag set pa ako ng anim na alarm kung sana isa lang baka nagising pa ako sa unang alarm kasi alam ko na wala ng kasunod, baka . . . . .
"baka di ka na nagising" sabi ng isip ko . sabay iling.
. . . . . . . . . . . . . . . . . .
Sinigurado ko muna naka-kandado lahat ng pintuan bago umalis ng bahay. Naalala ko na naman na minsan na akong nalooban ang malala pa ang nag iisang tsinelas ko pa ang ninakaw at eto pa tinangay pa ang mga canned goods ko. Kaya para makaganti ako nilagyan ko ng maraming pin yung tsinelas sa ilalim at sinadya kong iwan sa labas. At tama nga naman ako bumalik yung aswang este kawatan para magnakaw. Ngipin niyo lang ang walang latay Hhihihihihi(evil laugh)
"Bago ang lahat, ooops! di na pala bago dahil matagal na palang may bago - sabi ng DJ" radio ng mga kapitbahay ko. Oo, tama ang narinig niyo "mga" dahil halos ata buong barangay ay nakaradio at ang nakakabaliw isang istasyon lang ang pinakikinggan. Napakaingay dito sa bago kong nilipatan mapa araw, gabi o madaling araw man at buti sanay na ako sa ganitong buhay.
Muntik ko ng makalimutan, ako nga pala si Maria Xenon Vasquez, dalawampu't tatlong taong gulang. Hobbies ko? Matulog, kumain at lage kong kinakausap ang sarili ko dahil trip ko lang, joke! good daw yung kinakausap yung sarili ayun sa mga nababasa ko sa internet. Huwag kayo friends kami ni Manong google, tanong niyo pa sa asawa niya! Tsss..
"Ano EHA sasakay ka ba o sasakay kaba ?"
- Sasakay ho manong ! "IHA po manong, hindi EHA!" bulong ko ... . . . .
Tinaasan ako ng kilay ni Manong, OOOPS!! sabay takip ng bibig, narinig ata ako. . Dali-dali akong sumakay sa jeep.
At ngayon mag sisimula aking bagong kabanata "Yuhoooooooooooo! " sabay suntok sa hangin.
. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .
Thank You!
BINABASA MO ANG
Happily Insane
Romance!!!!! This is a work of fiction. Unless otherwise specified, all names, persons, businesses, locations, events, and happenings in this book are made up by the author or used in a fictitious manner. Any resemblance to real individuals, alive or decea...