#10 POSITIBO

131 3 2
                                    

POSITIBO

Isang araw nagbago ang ikot ng mundo.
Hindi ko inaasahan ang ganitong pagbabago.
'Di ko alam kung ano ang aking gagawin
Sa sakit na sa isang iglap ay kaya akong patayin.

Sa loob ng halos dalawang taon
'Di pa rin tayo tuluyang nakakabangon.
Kapansin pansin na ang lahat ng pagbabago
Unti unti ng nuubos ang mga tao.

Para sa isang kabataang tulad ko
Na unti unting namumulat sa magulong mundo.
Unti unti ring sumasabay sa pagbabago
Natatakot ako.

Ngunit sa kabila ng takot na aking nararamdaman.
May isang tao na gusto kong pasalamatan.
Hindi ko man siya makita ng personalan.
Salamat dahil hindi niya ko pinapabayaan.

Sa araw araw na pakikipaglaban
Ika'y laging nandyan, hindi ako iniiwan.
Alam kong marami akong pagkukulang
Pero bakit lagi mo pa rin akong tinutulungan?

Salamat dahil ikaw ang aking taga pagligtas.
Salita mo ang aking naging lakas.
Alam kong ikaw ang simula at wakas
Kaya sayo ko na ipapa ubaya ang araw ng bukas.

Spoken poetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon