CHAPTER 8

164 1 2
                                    

CHAPTER 8

Nung sabihin ni Jazer yun parang nababawan ako sa kanya, hindi pa ba sya masaya at naka siyam sya samantalang ako zero, tapos kinausap ko sya

"okey na yan, buti nga nakasiyam ka pa," sabi ko

"ay hinde, hindi ko palalampasin ito," sabi nya at aktong pupunta sa kabilang row

"haha, magrereklamo ka talaga?"

"Oo,"

Jazer

POV

Palibhasa di ako naiintindihan ni Dark, importante para sa akin yung isang score na yun, pinaghirapan ko pa naman tapos minalian lang

Bago ako makarating sa kabilang row binasa ko muna kung sino nagcheck ng papel ko, nakalagay corrected by Jannela with matching smileys pa sa huli yung nakadila na ganito >> ;P

Di ko alam kung pang-asar yun oh design lang pero naasar ako promise, pero dahil babae yung nagcheck, mahinahon pa rin akong pumunta dun sa kabilang row, puro sila babae sa row na yun eh

"sino yung Jannela?" tanong ko

Napansin ko yung isang babae na tinapik nya yung katabi nya, meaning na yung tinapik nya ay yung nagngangalang Jannela tama? So tumingin sya sa kasama nya at itinuro ako para makapagusap kami

"ikaw si Jannela?" paniniguro ko

"baket?," sabi nya

"so ikaw nga si Jannela," pag-uulit ko

"bakit nga?"

Kulit no, Oo at hindi lang isasagot nya ayaw pang sabihin, kaya diniretso ko na

"sorry pero dapat tama itong number eight ko," tinuro ko yung minalian nyang number

"bakit tumama yan," napatayo sya at inagaw yung papel ko

Dinobol check nya ngayon yung papel ko at hindi na sya nakaimik kasi nga tama naman talaga yung sagot ko, pagkatapos nagsorry sya sa akin

"okey, naduling lang ako sa sulat mo, sorry," sabi nya

"edi tara na," sabi ko at balak ko syang ireklamo kay ma'm

"saan?" pagtataka nya

"dun kay ma'm, sabihin mo naka perfect ako,"

"hah,"

"ayaw mong sumama?"

"wag na,"

"gusto mo si ma'm pa magpahiya sayo," sabi ko

Pagkatapos ay naglakad na ako para puntahan si ma'm para na rin masindak sya at sumunod din naman sya, ayaw nya rin naman palang tawagin pa sya ni ma'm eh

"ano yon?" tanong ni ma'm Grace sa'min nung nakapunta kami sa harap

"ma'm may correction lang po about dito sa quiz," sabi ko

Kinuha ni ma'm yung papel ko at tiningnan yung sinasabi kong corrections

"sinong nagcheck ng papel mo?" tanong ni ma'm

Tinuro ko si Jannela na nasa likod ko lang "sya po ma'm" sabi ko

"ma'm nagkamali lang po," sabi nya

"anong pangalan mo?"

"Jannela po,"

"minus one ka ha," sabi ni ma'm

Nakita ko kung paano pinalitan ni ma'm yung records ni Jannela from seven to six, medyo nakonsensya ako kasi seven points yung passing grades o tinatawag na pasang awa pero dahil six na ang score nya, bagsak sya

Pagkatapos pinabalik na kami ni ma'm sa upuan namin pero binangga pa ako ni Jannela ng balikat nya yung balikat ko, yung parang nang-iinis ba, eh sa payat kong to, muntik pa akong matumba sa lakas

Dark

POV

Nakita ko nalang si Jazer na binangga sya ng babaeng nakaharap nya, kitang kita ko yun, ewan ko lang sa iba kasi medyo maingay na ang klase

Bumalik naman sa kinauupuan si Jazer ngayong tapos na ang napakaliit nyang problema, so curious ako sa nangyari kaya tinanong ko sya

"anyare?" tanong ko

"ayun." matipid nyang sagot

"tol babae yun ah haha,"

"uhm?" reaksyon nya at itinuloy yung dino-drawing nya kanina

"wala lang, eh ganda nun ah,"

"alin? sya? aanhin ko yun eh pamali-mali," sabi nya

Haha, hindi sya makatingin sa akin eh, parang nakonsensya din sya sa ginawa nya, para saan ba kasi yung one point na yun at kaylangan pang pagtalunan

"alam mo tol, tao lang din yung babae, nagkakamali rin," sabi ko sa kanya pero di naman yung over sa seryoso ah

"ikaw aminin mo, nagkakamali ka rin naman diba, walang perpektong tao kung meron man, pakidala dito haha," dagdag ko

"ok fine, di ko na ulitin yun," sabi nya

"haha, diba dapat magsorry ka,"

"eh anung sorry, sino bang mali diba sya,"

"haha yan ka nanaman eh,"

"anu ba dapat," sabi nya sa mababang tono

"anu, matuto kang maging mabait lalo na sa mga babae," sabi ko

Ewan ko kung tama ba yung mga advice ko sa kanya eh, pero ayos din itong si Jazer, ngayon palang kami nagkakilala pero ang dami ko ng nalalaman sa kanya, pero sana makakopya na ako sa kanya sa next quiz o kaya sa exam haha ^___^

Anyway, uwian na naman, sa wakas may sabado at linggo akong pahinga kaya excited na akong umuwi, pero syempre di pa rin mawawala ang mga problema ko, haha pero parang nasasanay na rin ako na makabasa ng isip ng iba, sa tingin ko kakayanin ko namang mamuhay ng normal kahit may abilidad akong ganito. Sana nga. . .

ITUTULOY . . .

Mystery Life: Hidden StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon