Chapter 9: Initiation

140 11 1
                                    


I frowned, why does he sound like he's the great advantage here? Bukas na yung presentation namin tapos nakipag-partner pa siya, dalawa na tuloy kaming namomroblema. Eh, kakagaling niya lang ng disgrasya.

I'm not confident with public speaking, even in front of our classmates. I always get low scores in written works. Sa mga requirement ako matiyaga at masipag tapos sa leadership na lang ako nakakabawi.

30% ang written activities sa subject ni tita kaya medyo advantage na sa akin iyon. The SED subjects aren't that hard, it's more on requirements yet the term exam really matters the most like the written activities.

Bumuntong hininga ako at pinahinga ang mga mata.

"Huy!" Siniko ko si Don na masama ang tingin kay Yandiel na wala naman pakialam sa kanya at kumakain lang. Buti pa rito sa old market, walang maingay. Joke lang.

"Bakit mo ginawang partner yung pinsan ko, ano na namang balak mo?" tanong sa kanya ng suplado kong pinsan habang may hawak na tinidor.

"Mag-aral." Tumingin siya kay Don habang ngumunguya. Tumawa ito nang nakakaloko. "Bakit ka ba tingin nang tingin sa'kin? Nakakabusog ba 'kong tingnan?"

Sumubo ako ng kanin at pinanood lang sila na tahimik na nagbabangayan. If they end up fighting with each other, I'll kick the both of them.

Muli kong pinasadahan ng tingin si Yandiel, naroon pa rin ang mga galos sa mukha niya at malapit naman nang matuyo, mapula pa rin ang tuyong labi niya dahil sa mga sugat doon. Maayos naman na siyang nakakalakad, akala ko nga ay mapipilay na siya.

"Uy, Yandiel. Saglit lang," pigil ko sa kanya. Napatigil din si Don sa paglalakad papunta sa susunod na subject namin. Ibang direksyon na kasi ang subject niya siguro, kami ni Don ay halos pareho ang ni-take na subject.

"Hmm?"

"Bukas na kasi ang reporting. Meet tayo mamaya sa library para mapag-usapan natin yung gagawin." Napakagat ako sa labi, nakatingin lang siya nang diretso sa akin. "Papasok ka naman bukas, 'di ba? Prepared na yung presentation at visual aids. Reporting na lang ang kulang."

I smiled at him, hoping that he'll suggest doing the reporting alone. He looks like a confident man, he's quite courageous. He's very smart so I hope he'll do the rest for our own good.

"Mmm. Meet me, then. Sa library."

Lumawak ang ngiti nito at nakasukbit ang bag sa isang balikat. Pabiro siyang inambaan ng pinsan ko nang nakatalikod na siya. Itong lalaking 'to, ang hilig sa away bata.

"Sa gym na raw tayo dumiretso, sabi ni sir. Hindi ko alam kung ano ang gagawin doon kasi wala naman siya," pagsasalita ko habang sinusuot ang PE uniform namin.

"Baka katulad ng kahapon, magsasayang lang tayo ng oras at manonood ng basketball na wala naman tayong kaalam-alam," sabi ni Hail at tumawa ng mahina, kaklase ko siya sa section namin at katulad ni Don ay kasama ko sa halos lahat ng subject.

Umupo ako sa isa sa mga bench ng girl's comfort room matapos magbihis. She's busily applying makeup and fixing her curly hair. She's a kind person, based on what I observed.

"Hail! Antagal bes, ah!" sigaw ng isa sa mga kaibigan niya, napangisi ito sa sarili at napailing nalang. Mabilis akong nag-iwas nang tumingin siya sa akin.

"Uh, Deborah. Punta na 'ko, magpahinga ka muna d'yan."

Simpleng tango lang ang sinagot ko dahil nawawalan ako ng gana ngayong oras, ito na naman yung pinakaayaw kong pakiramdam ng pagod kahit wala naman ginagawa. I feel drained for no reason, literally. I stopped myself from overthinking yet I could still feel this unusual emptiness inside.

Covenant in the WildernessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon