I'm still waiting...

11 1 0
                                    

Sabi ni kuya sa'kin, stop wasting your time on someone who'll not reciprocate your feelings. Tinandaan ko 'yung sinabi niya. Sinabi ko rin sa sarili ko na susundin ko na 'yung payo ni kuya. Pero anong nangyari? Andito na naman ako sa park kung saan tayo madalas tumambay. Ilang taon na ba ang lumipas simula noong umalis ka? Parang kahapon lang ang saya-saya natin. Naaalala mo pa ba noong una tayong magkakilala? We were 8 back then. Umiiyak ka noon sa swing. Pinapasyal ko naman si Snowy - 'yung aso ko - noon. I sat on the other swing beside you and handed you my handkerchief. Nag-alangan ka nung una but I insisted. Tinanong kita kung bakit pero hindi ka sumagot. Masyado pala akong FC noon. I broke the silence between us. Wag kang mag-aalala, everything will going to be okay. Kung ano man 'yung problema mo, kausapin mo Siya. I pointed upward which made you smile. I smiled back and left.

One day, sinabihan ako ni mama na ibigay 'yung pizza tsaka carbonara sa bagong lipat na kapit-bahay namin. Hindi ko inasahan na kayo pala 'yun. Doon na nagsimula 'yung friendship natin. Pareho tayo ng school. Lagi ka rin sa bahay namin. Minsan dun ka na rin kumakain at natutulog. Sobrang close na natin sa isa't isa. Hindi na mapaghiwalay. Tinutukso pa nga tayo nila mama mo na tayo na daw 'yung magkakatuluyan. Balae na nga ang tawag ng mama mo kay mama ko.

Naaalala mo rin ba nung high school tayo? Nag-check 'yung mga SC officers ng bags kasi may nagsumbong na may nagdala daw ng cellphone na student - bawal kasi magdala ng cellphone sa campus, Catholic School kaya masyadong mahigpit, except nalang kung may emergency call. May nakita silang napkin sa bag mo. Tinukso ka nila ng halos isang linggo. Tumigil lang sila nung sabihin kong para sa akin 'yun. Lagi ka kasing may dalang napkin at gamot para sa dysmenorrhea ko. Nakakalimutan kong magdala kaya may extra ka lagi.

Nung college tayo pareho pa rin tayo ng school. Magkaibang course pero iisang campus. Business Management ang kinuha ko, ikaw naman Culinary Arts. Magkalapit lang ang building natin, nasa gitna lang ang Accounting Department. Lagi tayong sabay mag-lunch noon. Kapag late na akong uuwi, hinihintay mo ako sa labas ng room namin para sabay tayong umuwi. Tinatanung na nga ako ng mga classmates ko kung tayo daw ba, sagot ko naman hindi. Tumatango sila pero may doubt pa rin yung tingin. Hindi ko nalang sila pinapansin noon.

One night, nadatnan ako ni kuya sa terrace. Nag-heart to heart talks kami. Ikakasal na siya kay ate Aiko next month. Half Japanese si ate Aiko. Ka-partner ko siya lagi sa panonood ng Anime. Mabuti pa si kuya nahanap na niya 'yung soul mate niya. Ako kaya kelan? Out of the blue, tinanong ko si kuya kung paano mo malalaman na mahal mo ang isang tao. Inasar niya pa muna ako bago niya sinagot.

Mahal mo na siya kapag wala siya, hinahanap mo. Lunch noon, wala ka sa canteen. Mag-isa tuloy akong kumain. Noong uwian, wala ka rin. Kinabukasan, ganun pa rin ang nangyari. Dalawang linggo din yata 'yun. Nagpunta ako sa bahay niyo pero wala ka. Nakakapanibago.

Kapag nakikita mo siya, bumibilis ang tibok ng puso mo. Feeling mo tumigil ang ikot ng mundo at wala kang napapansin na ibang tao sa paligid kung hindi kayo lang. After 2 weeks, nagpakita ka rin sa wakas. Kinawayan mo ako at naglakad palapit sa akin. Nakita ko na naman yung pamatay mong ngiti. Yung ngipin mong pang-commercial model ng Colgate. Idagdag mo pa yung manly na lakad mo, para kang nasa ramp stage. Aaminin ko, na-miss kita noon. Nabalik lang ako sa realidad when you snapped your fingers on my face.

Kapag may kasama siyang iba, gusto mo nang sugurin kung sino man yun. Noong lunch break, wala ka na naman kaya mag-isa akong pumunta sa canteen. Biglang nawala yung gutom ko noong nakita ko kayo ni Bria na masayang nagkukwentuhan habang kumakain. I felt like cheated that time. Gusto kong punatahan ka at hilahin palayo kay Bria pero natigilan ako noong hinawakan mo 'yung kamay niya. Tinalikuran ko kayo at naglakad papuntang library.

Kapag nasasaktan ka dahil sa kanya. Dahil sa nangyari, iniiwasan na kita. Kapag makakasalubong ko kayo ni Bria, lumilihis ako ng daan. Kapag nagpupunta ka sa bahay, nagpapanggap akong tulog, may tinatapos na assignment, nagre-review, etc. Kapag tumatawag ka, hindi ko sinasagot. Kapag naiisip ko yung itsura mo habang kasama mo si Bria, naiiyak ako. Mahal na kasi kita eh. Ako dapat yung nasa si lugar ni Bria eh. Ako dapat yung nagpapasaya sayo. Ako dapat yung kasama mo. Ako dapat yung mahal mo. Wala ka bang nararamdaman ni katiting na pagmamahal higit pa sa kaibigan sa akin? Bakit hindi nalang ako, Liam? Ako yung lagi mong kasama...yung laging nagpapatahan kapag umiiyak ka tuwing nag-aaway ang parents mo sa custody mo...yung nagpapangiti sayo kapag nalulungkot ka kasi mababa ang grades mo. Bakit, Liam? Hindi pa ba sapat yung pinagsamahan natin para mahalin mo ako? Ang sakit na kasi eh...selos na selos na ako.

Kapag okay lang sayo na masaktan ka, wag lang siya. Makita mo lang na masaya siya, masaya ka na kahit ang totoo ay nasasaktan ka. Hindi ko inaasahan na nasa labas ka pala ng room namin naghihintay...kasama si Bria habang magkahawak kayo ng kamay. Maglalakad na sana ako palayo kaso tinawag mo ako. I composed myself para hindi mo mahalatang naiiyak na naman ako. I took a deep breath bago ako lumingon sa inyo na nakangiti - pilit na ngiti. Pinakilala mo sa akin ang girlfriend mo. Sinabi mong sabayan ko kayong kumain kaso tumanggi ako. Dahil dakilang makulit ka, kinunsensya mo ako, napilitan nalang akong sumama. Nasa unahan ko kayo habang magkahawak ang kamay na naglalakad. Ang sakit nun, Liam, alam mo ba? Ang sweet niyo habang kumakain. Para ngang wala ako sa harapan niyo eh. May sarili kayong mundo ni Bria. Binilisan ko ang pagkain at nagpaalam na pupuntang CR. Ayoko na kasing makita kung gaano mo kamahal si Bria, kung paano mo siya tratuhin. Nagkulong lang ako sa isang cubicle at umiiyak. Siguro nga dapat tanggapin ko nalang yung katotohanan na siya talaga ang mahal mo. Na hindi mo ako kayang mahalin nang higit pa sa kaibigan. Sorry, nagmahal ako sa maling tao eh. Siguro hanggang bestfriend lang talaga ang role ko sa buhay mo.

Noong second year college tayo, pinapunta ka ng papa mo abroad. Sa papa mo pala napunta yung custody, hinayaan ka lang muna ng papa mo na makasama ang mama mo, at ngayon binabawi ka na niya. Balita ko noon break na kayo ni Bria, hindi daw niya kaya ang LDR. Simula noong umalis ka, wala na akong narinig na balita tungkol sayo. Yung mama mo kasi, umuwi na ng probinsya niyo. Hindi niya daw kasi kayang tumira sa bahay niyo kasi maalala at mamimiss ka lang niya. Nalungkot din ako sa pag-alis mo. Gabi-gabi akong umiiyak. Tuwing naman umaga, nagpupunta ako sa park kung saan tayo unang nagkita.

Liam, graduate na ako ngayon at may permanent job na. Kumusta ka na? Babalik ka pa ba dito? Miss na kasi kita eh. After how many years, ikaw pa rin ang mahal ko. Sinasabihan ako ni kuya na kalimutan na daw kita. Hindi ka na daw babalik kaya subukan ko naman daw buksan yung puso ko para sa iba. Hindi ko alam, Liam. Hindi ko talaga kaya. Nag-set si kuya ng blind date but it didn't work out. Tinapunan ko lang ng tubig yung mukha niya at nag-walk out. I tried, Liam. I really am. Pero everytime na may manliligaw sa akin, lagi ko kayong kino-compare at palagi kang angat sa kanila. Walang kagaya mo. Hinihintay ko pa rin ang pagbabalik mo, Liam.

I'm waiting for you even if it's in vain.


AYUN, TAPOS NA. AHAHAHA.

Waiting in VainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon