Chapter 18: Virtual Screen

109 21 0
                                    

Natalia's PoV

Pitong araw na ang nakalipas magmula noong napunta sa ibang mundo ang kapitolyo ng Aschewartz. Sa nakalipas na linggo, ngayon ko lang naisipang isulat ang lahat sa isang journal.

Mula sa mga kakaibang nilalang— goblins, elves, humans, slimes, wood maggots— hanggang sa mga kakaibang lugar at estruktura— Bloodmist forest, Slime at Goblin Caves, Thorned grass plains, Pinkmustard.

Puno ng mahika ang mundong 'to. Isang lugar na hindi ko kayang maintindihan. Bilang isang Victorian, agham at mga makina ang pinakamalapit sa ideya ko ng magic.

Noong unang araw kung saan nagbago ang mundong tinatayuan ng kinalakihan kong lugar, napuno ng kaguluhan ang mga kalye ng Quaintrelle. Nagkalat ang mga galit na mamamayang kinakalma ng ng mga sundalo.

Curious ako at hindi tulad ng iba, hindi ako galit. Naaalala ko pang nakangiti ako habang nakatanaw mula sa terrace ng mansyon namin.

Mahamog ang paligid, basa ang hangin at tanaw ko ang isang madilim na gubat sa hanganan lang ng syudad. Excited ako sa kung anong madidiskubri kaya ako tumakas mula kay Ilya na naglilinis ng kwarto ko.

Sumabay ako sa mga tao hanggang sa marating ang plaza. Habang todo angat ako sa bistidang sumasayad sa semento, unang beses kong nakita ang prinsipe.

Nakita ko ang kunot sa noo at mapupungay niyang mga mata. Mga ginintuang mata na nagliliwanag sa kabila ng obvious na disinteresante.

Nakatanaw siya sa mga tao nang may pagkaasiwa.

Hindi naging maganda ang araw na iyon dahil sa mga sumunod na nangyari.

Nagkagulo ang lahat at binato ang entrada ng noon ay maliit pang palasyo. Nakita ko kung paano mapangiwi ang prinsipe nang matamaan siya.

Hindi na napigilan ng mga sundalo ang dami ng mga galit na mamamayan.

Pagkarinig sa utos ng prinsipe...

"Shoot them!"

Walang ibang pumasok sa isip ko kundi ang sundin siya.

Lumapit ako sa isang sundalo at pasimpleng hiniram ang baril sa tagiliran nito.

Ang sunod ko nalang na napansin ay nakatutok na ang hawak kong baril pababa sa isang batang may hawak na bato.

Then I stopped.

And stared.

It took me all of my strength, itinaas ko ang baril sa kalangitan at kinalabit ang gatilyo.

Hindi ko alam kung anong nangyari. Sa kabutihang palad, narinig ko ang malamig at malalim na boses ng prinsipe na kumalma sa akin.

Iniabot ko sa kaniya ang baril at nang titigan ko ang mga mata niya, purong kumpyansa na ang mga nakita ko.

Sa sumunod na mga oras, puros sermon lang ang narinig ko. Hindi ko inintindi. Sa totoo lang, ako ang dapat na magalit sa pagkulong nila sa akin.

Habang nagtatago at papatakas, narinig ko ang usapan nina papa at ginoong Kristof Shostakovich tungkol sa pagpapapunta sa akin sa palasyo.

Sumaya ako para mapasimangot lang nang marinig na ikukulong ako sa mansyon nang isang linggo.

Handa na sana akong lumabas noong mga oras na yon nang may sundalong kumatok sa pintuan para sunduin ako. Walang hesitasyon akong nagpakita dahilan ng matagal-tagal nanamang sermon.

Wala na silang ibang magagawa kaya hinayaan ko nalang na marindi ang mga tenga ko.

Ikalawang araw, isinama ako sa isang ekspedisyon. Inis pa ako noon dahil sa ingay ni Nicollo pero madali din namang napawi dahil sa kalayaang natamo ko dahil sa biglaang ambush.

Busy ang lahat kaya walang ibang nakapigil sa aking ipakita ang kakayahan ko sa espada. Ang matagal kong itinagong frustration, nailabas ko.

Nakita ko din ang husay ng prinsipe. Habang nasa loob kami ng kuweba upang tapusin ang trabaho, napansin ko nalang na nag-iinit ang mga pisngi ko sa pagmamasid sa labi niyang higit na mas malumanay ang pagsasalita.

Ikatlong araw, nalaman kong nawala ang prinsipe sa kakahayuan. Aligaga pa ako at wala sa sariling nayugyog si Ilya dahil sa pagkaburyong sa mansyon.

Gusto ko sanang lumabas at tumulong sa paghahanap ngunit nahuli akong papalabas sa terrace.

Nang sumapit ang dapit-hapon, balak ko na sanang suhulan si Ilya nang makita ang parada ng mga sundalo't karwahe sa labas.

Ikaapat na araw, wala akong ibang nabalitaan tungkol sa labas. Nakakulong din ako sa kuwarto. Mabuti nalang, dinalaw ako ni Nicollo para ipagyabang ang mangyayaring pagluslob sa Pinkmustard.

Nainggit ako kaya naman napagbantaan ko siya tungkol sa request niya tungkol kay Sia, isa sa mga babaeng sundalo ng bayan at natitipuhan niya.

Pagkatapos niyang magmakaawa nang nakaluhod, tumakas ako sa mansyon para pumuslit sa palasyo at pagmasdan ang prinsipeng abala sa mga papeles sa opisina.

Noong ikalimang araw, nakasimangot akong nakatingin kay papa habang ipinapaliwanag niya ang panganib ng pagiging isang sundalo lalo na at babae ako.

Handa na sana akong sumabat sa mga sinasabi niya pero nang marinig na pumapayag na siya sa akin at nakalista na ako sa mga sundalong nasa hanay ni ginoong Kristof, napatango nalang ako habang tinatago ang ngiti.

Noong gabi ng araw na iyon, sinamahan ako ni Nicollo sa palasyo para opisyal na maitalaga ng prinsipe.

Halos hindi ko na maitago ang saya ko noong mga oras na iyon. Pilit kong pinapanatili ang mukhang walang emosyon katulad ng ginagawa ng prinsipe pero paminsan-minsan parin akong nangingiti.

Makakasama ako sa paglusob sa Pinkmustard. Malaya akong makakahawak ng baril!

Naghihintay na sa akin ang kakaibang mundong puno ng paglalakbay at panganib.

Noong kalaunan ay makausap ang prinsipe, nadismaya lang ako at parang bulang nawala ang paghanga sa kaniya.

Quaintrelle, a woman who emphasizes a life of passion expressed through personal style, leisurely pastimes, and cultivation of life's pleasures.

My passion is adventure.

My style is unladylike love of danger.

My pastimes were swordfights and shooting.

I'm not simple and I accept that.

Ikaanim na araw, dismayado ako nang maiwan ng mga sundalong lulusob.

Syempre, tumakas ako.

Hindi ang laban ang tumatak sa akin noong araw na iyon kundi ang tanong ng isa sa mga nagapos naming elf noong hating-gabi.

"Anong naaalala mo bago ang unang araw?"

Namatay ang elf na iyon noong gabi ding iyon dahil sa kakulangan ng dugo.

Bago ang unang araw...

Habang iniintindi ang tanong niya, napagtanto kong wala akong naaalala.

"..."

Ikapitong araw. Ngayong araw.

"Kapitan Natalia Pale. Iniutos ng Prinsipe ang pagbabalik mo sa Quaintrelle mamayang gabi."

Nanliit ang mga mata ko hindi dahil sa sinabi niya kundi dahil sa mahikang lumabas sa harapan ko.

[You triggered a quest!]

-----
Peninsular War

Your king ordered you to return for the upcoming war.

>Accept         >Decline
-----


The Glitch Conqueror [Dropped]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon