HIS BURIED SECRET 7

395 33 5
                                    

I know I shouldn't be surprised but I am ng makita kong nagaabang si Grigor sa ibaba ng apartment ko. Napalunok ako sa kaba. Kailan pa siya dumating d'yan?

"Let me." dinig kong sabi ni Lance at bumaba ng driver seat para pagbuksan ako ng pinto.

Nagkatinginan kami ni Cire at nagtaka ako ng ngumiti siya ng makahulugan.

Don't tell me inutusan niya si Lance na gawin ito?

"A-ah, thank you." nahihiyang sabi ko pagkalabas ko ng kotse.

"Don't be." nakangiting tugon nito at hinawakan pa ako sa bewang. Hindi ko alam kung ano ang dapat na maramdaman. Hindi naman ako kasi dapat na alalayan lalo pa't walang masakit sa akin.

"A-ako na." sabi ko ng binalak nitong kunin ang gamit ko sa akin para siya ang magdala.

"Hon." napatingin ako sa nagsalita at kita ko kung paano titigan ni Grigor ng nakakamatay na titig si Lance at hilain ako palayo dito.

Pakiramdam ko umikot ang mga bagay sa paligid ko ng walang pakundangan akong halikan bigla sa labi ni Grigor sa harap ni Lance.

"Let's go?" nakangising sabi nito at naglakad na kami palayo.

Pagpasok namin ng apartment ko, nakatulala pa rin ako. Hindi ako makapaniwala sa ginawa ni Grigor. Hindi ba siya nahiya sa ginawa niya?

"Abi." tawag niya kasabay ang finger snap kaya bumalik ako sa realidad.

"Bakit mo ginawa iyon?" tanong ko.

"What do you mean?" takang tanong nito at nagsindi ng sigarilyo.

Psh. Ito na naman siya. Sinamaan ko siya ng tingin at napansin niya ito kaya agad niyang inupos ang sigarilyo at tinapon ito sa basurahan.

"Sorry."

"Bakit mo ako hinalikan kanina, Grigor? Sa harap pa ni Lance? Paano kung may ibang nakakita sa ginawa mo? Ano nalang sasabihin nila sa iyo? Sa akin? Sa atin?"

"So? Do you think I care? Besides, ano naman kung nakita ng gagong iyon ang ginawa kong paghalik sa iyo? Don't tell me you like that bastard? Saan mo nakilala iyon ha?" inis na tugon nito at lumakad palapit sa akin para cornerin ako sa kinauupuan ko.

"Anong pinagsasasabi mo d'yan? Nagaalala lang naman ako sa reputasyon mo kahit sira ulo ka. At saka, huwag mo ngang tawaging gago ang pinsan ni Cire. Tsk."

"Uhm-hmm? But do you like that bastard?" tiim bagang niyang tanong.

"Grigor! Ano ba?! Huwag mong tawaging gago or bastard si Lance, okay? At hindi at wala akong gusto sa kanya. Ayaw ko lang iyang tabas ng dila mo lalo na kung wala namang ginagawang masama sa iyo yung tao. H-he's just being a gentleman, okay? May problema ba duon?"

"Gentleman, my ass! Nantsa-tsansing lang iyon sa iyo." tugon nito at tinitigan ako mula ulo hanggang paa.

"Tsansing?! Nahihibang ka yata, Grigor! Bakit naman siya mantsa-tsansing? 'Yung mukhang iyon? Mukha bang papatol sa tulad ko? Sige nga! Isipin mo maigi."

"Yes. And I won't change my mind of what I think of him besides, bakit hindi ka sa akin sumabay ng pag uwi?"

"What? Grigor, nagkikita lang naman tayo kung kailan mo gusto. Kapag may ipaguutos ka sa akin or trip mo lang talaga na pagtripan ako. So? I don't think na may mali sa ginawa kong pagsabay sa kanila. Don't tell me pati iyon pinagbabawal mo na gawin ko? Ugh! You're being unreasonable, Grigor!"

"Yeah, maybe I am. I am being unreasonable when it comes to you but that is something I myself knows the reason why. But you? I don't know if you're dumb or what because you just can't seem to see why I'm being unreasonable and that what annoys me!"

HIS BURIED SECRET (TRANS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon