†
[Christian's P.O.V.]
Hay nako naman, nandito lang kami sa loob ng library--nagugutom, nauuhaw, natatakot, at nagbabasa ng napakalumang mga libro at napakaduduming pahina na sinira na ng ulan. Umuulan ulit. What i mean is, hindi naman tumigil ang ulan. Pero hindi mapakali si Ryan at John Victor dahil sabi nila may nagplano ng lahat ng 'to. Baka naman sila yun? Nagkukunwari lang. But I don't know. Hindi naman ako pwedeng mambintang ng wala akong pruweba, 'di ba?
"Hay, gusto ko ng umalis dito." sabi ni Angel, naghahanap ng libro sa bookshelf.
"Hindi lang ikaw." sabi ko, nakatayo ako sa may tabi niya, naghahanap din ng libro sa mga twistable bookshelves namin.
"Argh, gusto ko ng umuwi. At makakain!" sabi ni John Victor, nakaupo siya sa isang lamesa katabi si Rogel at nililipat-lipat lamang ang pahina ng isang children's book.
"Kung makakalabas pa tayo ng buhay dito. Kala naman kasi natin makakalabas na tayo sa school kapag tumawid tayo sa gate na yun, hindi naman pala." sabi ni John.
Sumilip ako sa bintana. Nakita kong ang daming zombies sa paligid ng school. Maski sa labas tumpok silang lahat. May pag-asa pa ba kaming mabuhay dito? I don't think there is.
"We're trapped." sabi ko.
"Bakit?" tanong ni Rogel.
"Tignan niyo naman oh." sabi ko. Sumilip sila sa bintana at nagulat din, nawalan na rin sila ng pag-asa. Ang pag-asang makaligtas pa.
"Ayoko na talaga. I wanna die. But not because zombies had ate me." sabi ni Janvin, nakatayo siya sa likod ng mga curtain sheets--kapag nakita kami dito nako, patay kami.
Matapos sumilip, bumalik na sila sa mga upuan nila at pinagpatuloy ang pagbabasa. Bumalik na rin ako ng bigla akong madulas, nadulas ako dahil sa isang basahan na nakaharang sa daanan. Bakit naman magkakaroon ng basahan sa loob ng library eh wala naman tulo dito? Dapat nasa harapan 'yun ng pintuan ah?
"Aw!" sigaw ko. Napatingin silang lahat sa akin. May nakita akong isang pintuan na papunta sa ibaba.
"What's that?" tanong ni Angel. Agad silang lumapit sa pintuan at nagkumpulan.
"A-A-Ayan! Diyan kami nahulog kagabi!" sigaw ni John Victor.
"Oo! T-Tama! Diyan nga iyon!" sang-ayon naman ni Ryan.
"Oh?" tanong naming lahat.
"May.. May nagopen niyan! Ibig sabihin, isa sa atin. Isa talaga sa atin ang may pakana ng lahat ng 'to!" sabi niya. Nakakatakot na si JV. Nababaliw na siya. Hindi ko alam kung paano iinterpret ang mga sinasabi niya. Pero tama, dati ko pa nararamdaman to. Mukhang isa talaga sa amin ang mastermind ng zombie apocalypse na 'to. What. the. heck.
"12 lang tayo. 2 silang nakita namin, ibig sabihin, may tig-seseventeen percent chance tayo na isa tayo sa suspects." sabi ni Ryan.
"Sigurado ba kayong walang lumabas dito kanina?" tanong ni January.
"Wala talaga, promise. Wala. W-A-L-A." sagot ko.
"P-P-Paano yun?!" tanong ni John Victor.
"I dont know. Tama na ang mystery, lalabas at lalabas din ang totoo kung sino ba talaga ang killer." sabi ni Angel.
"Tama." sabi ni Anna Marie.
"Hindi ako matatahimik hangga't hindi ko napapatay ang dalawang yun." sabi ni John Victor.
"Duh? Hindi pa nga natin kilala kung sino e!" sabi ni Annie.
"Hahaha. Oo nga." sabi ni Rogel.
Pero I can sense, na parang siya / sila yun.
†