No. 10 vs. No. 11? Wild Fire Versus Blue Thunders

44 5 0
                                    

No. 10 vs. No. 11? Wild Fire Vs. Blue Thunders

Sa pangalawang pagkakataon, nagkaharap na naman ang dalawang kupunan ng dalawang nangungunang University sa lugar nina Kylie.

Masyadong kapansin-pansin ang tensyon sa magkabilang grupo at halata rin sa mga manonood..

Pumwesto na sa gitna ang Wild Fires at Blue Thunders. Itinaas na ng referee ang bola para ihagis pataas. Nakapwesto na silang lahat at hinihintay na lang ang hudyat ng referee. Tahimik lang ang mga audience.

Prrrrrrrrrrttttttttttt(Assume niyo na lang na yan yung pito ng referee ^_^ After i-jumble yung bola.)

Kyaaaaaaaaaaaaahhhhhhhhhhhhh

Nagsigawan halos lahat nang mai- tipped ni Christian ang bola papunta sa teammates niya.

Panay ang cheer ng mga MCU sa Blue Thunders kaya sobra na namang ingay sa court.

Si Kylie naman tahimik lang nanunuod.

Hindi naman sa boring panuorin hah, eh mas madaling kasing manuod kapag tahimik lang mas nakaka-concentrate ako..

“Oh diba Kylie sabi ko sayo eh ang galing ng Blue Thunders!! Bumabawi yan bumawi sila!!” sigaw ni Nyca sa kanya.

Napailing-iling na lang si Kylie habang niyuyugyog siya ng kaibigan.

Magaling nga yung Blue Tooths pero, pano sila natalo noon? Eh halos hawak ng team nila ang flow ng laban ah. Siguro nga dinaya sila.

“Kylie seryoso manuod ahh, yiee si Christian lang tinitingnan mo noh?”

“Ewan ko sayo Nyca! Manuod ka na nga lang.”

....

........

.............

..................

Mula First hanggang Third  Quarter ng laban, halos sa Blue Thunders lang umikot ang laban.. hindi nila gaanong pianahawak ang Wild Fires kaya medyo pressure ngayon ang kabilang kampo..

Nag-request ng Time Out ang Wild Fires..

“Bossing.. tinototoo mo ang sinabi mo ah. Umaayon sa tin ang laban ngayon.” Hinihingal na sabi ni Erwin.

“Wala pa yan, hindi na natin sila pahahawakin ng bola sa last quarter.” Singit naman ni Densel.

“Sabi na eh, iba talaga kapag seryoso na si Bossing.” Si Triegh.

Hinihingaldin si Christian noon pero nagawa pa rin niyang ngumiti ng nakakaloko.

“Hindi pa nga yun seryoso eh. Concentrated lang talaga. Ngayon palang tayo magseseryoso.”

Nagsimula na uling pumito ang referee.

Last Quarter na..

“Grabe kahit wala nang last Quarter talo na yung kalaban eh.” Si Nyca.

“Malay mo, makabawi sila ngayon.”

Binigyan ni Nyca ng makahulugang tingin si Kylie.

“Hoy Bruha ka. Kanino ka ba talaga kampi??”

“Hehehehe?” ayan na.

Christian’s POV

Last quarter. Nakakagana talaga paglaruan ang mga ‘to. Seryoso na sila samantalang kami. Pero, anong problema nila?

Bakit parang nag-iba ang laro nila? O masyado lang talaga kaming nagpabaya noon kaya ganoon ang nangyari?

Anyway, this is it. Tama si Densel, hindi na makakahawak ang Wild Fires ng bola. Makahawak man,

Fight At First Love?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon