Chapter5

35 4 1
                                    

Sammy's POV ~

Nakatitig pa rin siya ng masama sa akin. Siguro mga after 182 928 237 382 898 years ay nagsalita na rin siya.

"Hindi ko naman talaga gustong isama ka sa pagtatago dun sa mga manikang yun eh. May sasabihin lang naman ako sayo." Sabi niya habang nakatingin sa malayo.

"Eh bakit kelangan mo ako isama sa pagtakbo?" Tanong ko naman.

"Pssh. Baka nga kasi maka-alis ka na. Diba nga may sasabihin ako sayo." Sagot niya. Halatang naiirita na sa kin. Hehehe.

"Eh ano ba yun? What are you going to say ba?" Tanong ko sa kanya. Eh kasi puro siya say say, eh wala namang sinasabi.

"Your mother said na sumabay ka daw sa akin pag uwi, may pupuntahan daw tayo." Zachy.

"Wehh? Di nga?" Eh ba't agad ako maniniwala? Mamaya may balak tong masama sa beauty ko no!

"It's okay if you don't want to believe me. That's not my problem anymore." Zachy. Sabay roll eyes. Yuck! So gayyyy. Sige na nga. Mukha namang makaka-pagkatiwalaan naman ito eh.

"A-ah eh, edi sige. Saan ba daw?" Tanong ko sa kanya.

"Aish! Don't ask too many questions will you? Just follow me." Ay sunget! Hmmp!

Sinundan ko na lang siya hangang makapunta na kami sa kotse niya.

"Kotse?" Tanong ko.

"Ay hindi, motor yan nag-evolve lang." Sagot niya sabay roll eyes nanaman.

"Sasakay?" Malay ko ba kung anong gagawin.

"Hindi. Tititigan." Aiisssssh!

"Sabi mo eh." At inumpisahan ko nang titigan yung kotse. Masunurin kaya ako :)

"Hey!? Are you insane?! What are you doing?" Tanong niya sa akin habang nakakunot ang noo at magkasalubong ang kilay. Hohoho. Ansalap ashareyn.

"I'm just following instructions" sabay bigay ko sa kanya ng aking sweetest smile (^_^)v

Narrator's POV~

Bumilis ang tibok ng puso ni Ice when he saw the sweet smile of Sammy. Hindi niya alam ang nararamdaman niya dahil sa tuwing ngumingiti o tumatawa si Sammy, his heart will skip a beat.

Arghh! Here's that weird feeling again whenever she smiles and laugh. Pssh! Do I have a heart disease? Tanong ni Ice sa kanyang isipan.

"Hey? Yuhooo! Yuhoooo!" Hindi napansin ni Ice na kanina pa pala kaway ng kaway si Sammy sa mukha niya. Masyado kasi siyang nalubog sa pag-iisip.

Tinapik naman niya agad ang kamay ni Sammy.

"Just get in." Matabang na sabi ni Ice kay Sammy. Sa totoo nga lang, maswerte pa si Sammy na nakaka usap niya si Ice, dahil maliban sa mama ni Ice at sa mama ni Sammy, ay wala nang masyadong kinakausap si Ice, pero ibahin si Sammy.

~~~~~~~~~~

Pumunta naman agad sila Ice sa sinasabing resort ng mama ni Sammy at wala silang kaalam-alam na may pinaplano ang mga magulang nila sa kanila.

Sa resort:

"Hey mommy! Yuhoo? Where na you, dito na me ay este us pala." Sabi ni Sammy habang hinahanap ang mommy niya sa loob ng isang room na naka-reserve daw para sa kanila ayon sa receptionist ng lugar.

Ito namang si Ice ay tahimik lang habang sumusunod kay Sammy kung saan itong sulok susuot, tumitingin tingin lang siya sa buong room.

May refrigerator, kitchen, dining area, bathroom, bedroom, living room na may malaking flat screen na tv at balcony na nakatapat sa dagat.

Kung tutuusin ay para na itong isang condo unit.

Naistorbo si Ice sa pag-iisip ng biglang kausapin siya ni Samny.

"Zachy?" Tawag ni Sammy sa kanya. Tiningnan lang niya ito bilang sagot.

"Napasukan ko na lahat ng parte ng room na'to. Wala naman sila dito eh. Asan na kaya sila?" Nag-shrug lang si Ice, dahil di niya rin alam ang isasagot niya.

"Zachy?" Tawag nanaman ni Sammy sa kanya.

"What?" Matabang na sagot ni Ice.

"Labas na tayo. Tara na." Sabay hila ni Sammy sa braso ni Ice, at kasabay naman nito ang pagbilis ng tibok ng puso niya.

"H-hey, let go!" Nautal utal na sabi ni Ice, dahil iba ang nararamdaman niya sa tuwing magdidikit ang balat nila ng babaeng humuhila sa kanya ngayon.

Agad namang binitawan ni Sammy si Ice ng makarating na sila sa pintuan palabas ng kwarto.

"U-uh Zachy?" Sammy

"What now?!" Sagot ni Ice. Hindi naman talaga siya na-iirita sa pagiging madaldal ni Sammy, naiirita siya kasi tinatawag siya nitong Zachy.

"Na-naka lock y-yung pinto." Nauutal na sabi ni Sammy.

"Huh? How did that happen?" Sabay singit ni Ice sa pwesto ni Sammy at sinubukang buksan ang pinto. Pero katulad din ng napala ni Sammy. Hindi niya nabuksan ang pinto.

"Waahhhhh! Mama!" Sigaw ni Sammy mula sa likod ni Ice.

"Hey! Stop shouting!" Sabay takip ni Ice ng tenga niya.

"Ice di na tayo makaka-uwi!" Bumilis ang tibok ng puso ni Ice noong tinawag siya ni Sammy sa pangalan niya, at napadiretso siya sa kinatatayuan niya't di naka pag salita. Parang ansarap sarap pakinggan na si Sammy ang bumabanggit ng pangalan niya.

Nabigla naman siya sa ng biglang umupo si Sammy sa sahig.

"Gutom na ko." Mahinang sabi ni Sammy pero sapat na para marinig ni Ice.

Hindi maintindihan ni Ice pero parang may urge na nagtutulak sa kanyang ipagluto si Sammy.

"Hindi ka ba nag lunch?" Tanong ni Ice habang iniiwasang ipakita ang pag-aalala sa boses niya. Unang beses niya yata na mag-alala sa isang babaeng hindi niya kamag-anak. Wala kasi siyang kaibigang babae na ka-edad niya.

Umiling lang si Sammy dahil pakiramdam niya ay hinang hina na siya.

"What?! Are you insane?! Tara sa kitchen, magluto ka." Ice.

"Pero Zachy. . ."

"Pero ano?" Nagtatakang tanong ni Ice.

"I don't know how to cook."

"WHAT??!!" Gulat na sigaw ni Ice, dahil di niya inaasahang hindi marunong mag luto si Sammy dahil akala niya lahat ng babae marunong magluto.

"Eh?Wag ka namang sumigaw."

"Paano ka kakain nang di ka marunong magluto?" Ice tried to compose himself mula sa pagka gulat.

Tumayo si Sammy sa pagkaka upo sa sahig at nag puppy eyes, please sign and pout. Ang kanyang oh-so-famous paawa effect. Na walang makakatanggi, and unfortunately isa sa mga kaya niyang mabiktima ay si Ice. And I will repeat, ngayon lang siya naawa sa babaeng ka-edad niya na di niya kamag anak.

"Aish! Don't look at me like that." Sabay iwas ng tingin niya kay Sammy.

"Pretty pretty pretty pretty pleassseee?" Pagpupumilit ni Sammy.

"No." Mariin na sabi ni Ice habang iniiwas parin ang tingin sa babaeng nasa harapan niya.

Bumilis naman agad ang tibok ng puso ni Ice ng biglang naramdaman niya ang paghawak ni Sammy sa wrist niya, causing him to stare at her.

"Ipagluto mo na ako. Bilis na." Pagpupumilit pa rin ni Sammy habang hinihila hila ang braso ni Ice na hawak niya. Si Ice? Ayun nakatayo at nakatulala kay Sammy.

Opposite AttractsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon