DORF POV
Tatlong araw mula nang sumali ako sa music band ni Abcde, tuloy-tuloy pa rin ang pag-eensayo namin dito sa studio apartment nya.
Tila ba nagkaroon ng mas matingkad na kulay ang aking komposisyon nang ayusin ng aming band leader ang arrangement ng kanta. Hindi ako makapaniwalang mas may igaganda pa pala ito sa orihinal kong gawa.
Gayunpaman, mas kumpleto pa sana ang tunog kung may drums lang talaga. Problema pa rin kasi hanggang ngayon kung paano kukumbinsihin si Wyclef na maging drummer namin.
Napahinto ako sa paggigitara nang huminto din sa pagbe-bass si Abcde para sawayin si Roger, "Kapatid, ano ba, aayusin mo bang kumanta o aayusin mo?"
"Sorry time-out muna kapatid, kailangan kong replayan si Imelda eh. Naliligaw na daw sila ng kasama niya," pagpapaliwanang naman ng huli.
"Bakit ba hindi mo na lang tawagan para matapos na?" medyo napipikon nang sabi ni lead.
"Oo nga ano.." sabi naman ng hunghang.
Habang nagdidiskusyon ang dalawa ay may narinig akong kumatok sa pinto.
"May tao yata," sabi ko.
Sumagot si lead, "Baka yan na babae mo, Roger," aniya sa tubol.
"Hindi, nasa C5 pa daw sila," sagot naman ng isa habang nakatingin pa sa cellphone. "Eto, tatawagan ko na nga."
"Ano ba naman yan! Istorbo talaga babae," reklamo ni lead.
Muling kumatok ang nasa labas.
Tok. tok. tok.
"Pagbuksan ko na ba?" tanong ko sa kanila.
"Roger, ano ba aatupagin mo yung babae o practice natin?" napipikon nang tanong ni lead. "Anong petsa pa yan makakadating dito?"
"Abskie naman, alam mong crush na crush ko si Imelda. Huwag ka nang kumontra! Hehe," giit ng una.
"Sino ba naman kasi nagsabing dalhin mo dito ang babae mo? Secret place nga natin 'to, magdadala ka pa ng outsider?" reklamo ni lead. "Yan tuloy hindi tayo makapagpractice ng maayos."
"Anong outsider? We're talking about my future wife, pare. Hahahaha!" nakakalokong tawa ni Roger.
"Tangs ka ba," kontra naman si lead. "Eh halata namang sakin 'yun may gusto, hindi sayo. Bwahaha!"
"Anong sabi mo, lead? Gusto mo suntukan tayo?"
"Gago. Ha! Ha!" tawa pa din ang isa.
Napailing na lang ako. "Mga siraulo!"
Tok. tok. tok.
Hinayaan ko nang mag-away ang dalawa at saka binuksan ang pinto.
Tumambad sa akin ang isang binatilyong payat at nakasalamin. Nakaputi siyang sando at khaki na pantalon. Malinis ang gupit na may pailan-ilang uban sa buhok. Kitang-kita ko dahil nasa dalawang dangkal din siguro ang tangkad ko sa kanya.
"Sino ka?" tanong ko.
Matagal niya akong tinitigan bago nagsalita, "Uhmm..." at pinakita niya sa akin ang isang susi.
"Ano yan?" tanong ko.
"S-susi," nanginginig niyang sagot.
"Huh?" napaawang ang bibig ko. "Kita ko nga."
"Uhmmm..." lumingon siya sa likuran niya na para bang may tinuturo.
Sumilip naman ako sa labas ng apartment. Wala akong ibang nakita kundi ang garahe ni Abcde na puno ng mga vases ng iba't-ibang tanim niyang halamang nakahilera sa gilid ng gate. Sa gitna ay may gripo at nakatalpak doon ang garden hose. Sa kabilang gilid naman nakapark ang motor nyang bagong gawa at kumikintab sa kalinisan.
BINABASA MO ANG
My Amnesia Band: Two Worlds Season II
Romance"Basta bandista, heart-breaker! Chickboy! Manloloko! Hindi dapat pagkatiwalaan! Hinding-hindi na ako maiinlove sa isang drummer!" Meet Wren Micayla Reyes - a first year art student and musician wannabe. Gusto niya sa music, pero ayaw sa kanya ng mus...