Trypophobia

6 2 4
                                    

—𝗧𝗿𝘆𝗽𝗼𝗽𝗵𝗼𝗯𝗶𝗮 —
𝗕𝘆: 𝙙𝙠²³

Isang masamang panaginip ang nagpagising sa kanyang diwa. Halos habulin  nya ang kanyang hininga.

Tanging natatandaan nya lang ay ang pagpunta nila sa disco bar at pag-uwi kasama ang mga kaibigan.

Naramdam nya ang pagsakit ng kanyang ulo sa may bandang likod—sobrang sakit.

Pero kilangan nya pang pumasok sa trabaho. Nagmadaling naligo at saka nagbihis ng uniform nila sa trabaho.

Habang nasa trabaho ay iniisip pa din kung anu bang nangyari sakanya.Hindi nya napansin ang paglapit sakanya ng malapit nyng katrabaho.

"Huy, Glen nawala ka kagabi. Saan ka pumunta? May nakausap ka lang na gwapong lalaki iniwan mo na kami," natatawang sabi nito.

Nagulat sya sa sinabi nito dahil wala syang natatandaan.

Kinabukasan, habol hiningang bumangon sya sa kama. Masamang panaginip na naman. Nakita nyang may babaeng halimaw na kinakain ang utak ng biktima nya. Sumasakit na naman ang ulo nya sa bandang likod.

Sinubukan nya uminom ng gamot pero lalo lang tong sumakit. Hindi nya napigilan na magpakonsulta sa doctor.

HAbang naghihintay sya para tawagin ng nars ay napanuod nya ang isang flash report. May pang singkwenta na daw na biktima ang isang halimaw o zombie dahil ang mga biktima nito lahat ay wala ng utak o nagkalat ang durog na utak na halatang pinagpyestihan ng halimaw.

Halos masuka sya dahil ganoon iyong napanaginipan nya.

"Maam, kayo na po",tawag ng nars.

Sinabi nya sa doctor ang lahat ng nararamdaman nya. After sya icheck ng doctor ay sinunod naman ang likod ng ulo nya para malaman kung bakit sumasakit ito.

Pero wala naman itong nakitang diperensya kaya sinubukan na lang nito e-examine sya sa xray.

Pero nagulat ito ng biglang nahati ang mukha ni glen. Kitang kita nito ang madami at nakakadiring maliliit na butas na halos naagnas na sugat. Sa bawat butas ay may makikitang maliliit na parang sinulid na gumagalaw-galaw ito.

Takot na napatili ang doctor pero bago pa sya makatakbo ay may lumabas sa bibig ni glen papunta sa ulo nya. Walang alinlangan na sinipsip ang utak ng doctor. Maya-maya lang ay sumabog ang ulo nito.

Nagkalat ang bawat parte sa silid ng kawawang doctor.

Pagkatapos noon ay tumayo si Glen na parang walang nangyari. At umalis sa clinic na yon.

Sa kabilang banda, ang nakitang nars ni glen ay nilawayan nya lang sa may bandang dibdib. Biglang itong bumangon at nahati ang parteng dibdib. Lumabas ang naglalaway na galamay ng halimaw.

-END

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 16, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Trypophobia Where stories live. Discover now