⎯⎯𝚠𝚛𝚒𝚝𝚝𝚎𝚗 𝚋𝚢 : 𝚍𝚔23Si Asteria Wright ay isang sikat na model at artista sa panahon nya. Isang icon kung tawagin ang kanyang kagandahan dahil para sa karamihan isa syang perpektong gawa ng diyos. Madami ang naiinggit sakanya pero walang magawa. Higit itong nagniningning kapag tinimaan na ng ilaw1 at camera. Madami din ang humahanga sakanya kaya siya ang naging idolo ng madami.
Kinagabihan, nagtalik sila ng nobyo nya. Walang paglagyan ng labis na kaligayahan ang taong ito. Bukod sa sobrang ganda ng nobya, magaling pa ito sa larangan ng pagtatalik. Dahil sa pagod ay nakatulog sya.
Pumunta naman si Asteria sa banyo upang maligo. Binuksan nya ang shower at dahan-dahang dumaloy ang tubig sa mukha nya at katawan. Sinabon nya ang perpekto nyang dibdib na kahit sino at magnanais hawakan ito dahil sa pagnanasa. Pagkatapos nyang magshower, humarap sya ng salamin. Bumalik ang lahat ng nakaraan sakanya. Isang lihim na kahit sino ay magigimbal.
Ngumiti sya at sinimulan nyang hawakan ang gamit nyang mga pangpaganda katulad ng lipstick at makeup.
Sinimulan nyang pintahan ang mukha nyang walang mata, ilong ,kilay at bibig. Tinitigan nya ang perpektong sining sa mukha nya. Meron na uli syang isang magandang mukha. Lumapit sya sa isang bote na may lamang usok at hinigop anv natitirang usok dito.
"Ang sarap talaga ng kaluluwa ng mga babaeng bata at maganda",
Sa isang sulok ng kabinet, makikita ang isang lihim na pinto na patungo sa isang sikretong silid. Sa silid na iyon, ay ilang kalansay ang nakalagay doon. Sa gilid nito makikita ang kanyang magandang manager. Walang magawa kunde ang umiyak at hintayin ang kanyang kamatayan.
"Hi hon, iloveyou", saad ni Asteria sa nobyo nya habang may ngiti sa labi.
Yumakap sya dito at natulog kasama ito. Excited na sya para sa bagong endorsement nya.
-END
Dedicated to Asteria WrightAsteria WrightAsteria Wright
YOU ARE READING
BEHIND HER FACE
Mystery / ThrillerHanggang saan ang kaya mong gawin para manatili ang iyong ganda at kabataan para sa kasikatan at pera.