Renee's Pov
I was watching tv nang biglang may nagdoor bell sa labas, wala sila mama at tito zac, umalis sila ksama si Starr, maminili yata ng furnitures dahil nasira ung pinakamamahal ni mama na swivel chair.
Okay naman ang mood ko today, until...
"Anong ginagawa mo dito?" magbubunganga na sana ako nang harangin ako ni Jiro.
"Nandito ka na pala Blue, tuloy ka muna" I was shocked, as in naka nganga ako ngayon literal! Anong nangyayare???
"Wait.. uhm bakit siya nandito?" nakasimangot pa din ako dahil hindi ko talaga gusto ang pressence ni Blue.
"Oh Hey Ate Cass, usap muna kayo ni Jiro" dirediretso naman si Cassie sa bahay at lumapit kay Jiro. "Renee, can we leave them here? They needed some privacy."
Hindi ko alam bakit ako sumunod sa sinabi niya at nagpunta akong garden.
"And when did you started smoking?" napaigtad naman ako dahil biglang sumulpot si Blue sa tabi ko.
"Anong bang pake mo? Lumayas ka nga dito at hindi ko gusto nandidito sa pamamahay ko yang presensya mo" irita kong sabi sa kanya, pero hindi siya umalis.
"Pwede ba tayong magusap?"
"Para saan? Wala tayong dapat pagusapan. Ibang tao bwisitin mo pwede ba?!" I cussed then tinapon ko na ung cigarettes ko at paalis na sana pero hinatak niya ko pabalik ng garden.
"Ano ba?!" nakasimangot ako ngayon, pero ung mukha niya halatang kalmado.
"I didn't want to leave you Renee..." nakasimangot pa din ako pero nakatingin na ko sa ibang direksyon, hindi ko alam pero naguguluhan ang isipan ko, dapat nga ba na pakinggan ko ung explanations niya? I mean.. do I really needed it?
"I.. I always look out for you... *laughs* mukha akong stalker mo since we left.. and I've been hurting since I left you.. alam kong hindi mo deserve maiwan... ang sakit para sa akin pag nakikita kita from afar pero hindi manlang kita magawang lapitan, nung sinundan kita papuntang park kung saan madalas tayo tumatambay, the moment when you said na mahal mo ako... it cripples my chest and my heart breaks into pieces..."
Pinipigilan kong hindi maiyak sa mga sinasabi ni Blue. Pero hindi ko siya ininterrupt.
"Papunta na sana ako sayo noon, pagkalapag na pagkalapag mo ng singsing na binigay ko... pero tumakbo ka at doon mo nabunggo si Starr.." naiyak na ako.. hindi ko na mapigilan, totoo nga yung sinabi ni Starr, nasasaktan pa din ako, lalo na ngayon sa mga sinasabi ni Blue.. "Galit na galit ako sa kaibigan mo Renee... hindi lang dahil sa nasaktan niya ang ate ko, pero nang dahil sa kanya nawalan ako ng choice kundi piliin ang mga kapatid ko... Oo Renee... si ate ang nagsabi na layuan kita, kundi ipapalaglag niya ang pamangkin ko... at hindi kaya ng konsensya ko yun..you know how much I love children... kay vivi palang diba? Galit na galit ako sa sarili ko Renee dahil nasaktan kita.."
"So I'd like to take this opportunity to apologise to you... sa lahat Renee.."
Hinila ako ni Blue at niyakap ako nang mahigpit, hindi ko alam pero lalo lang ako naiyak sa ginawa niya, hinahagod niya lang ang likod ko at paulit ulit na humihingi ng sorry sa akin.
"H-hindi ko alam ang sasabihin ko... pero sana mapatawad mo na ang sarili mo dahil sa nangyari"
"I still love you.. it never changed.."
"Hindi na tayo pwede Blue.. sana makahanap ka ng ibang babaeng magmamahal din sayo"
Umalis na din ako sa wakas, habang papasok ako sa loob ay tuloy tuloy ang pagpatak ng mga luha ko, naguguluhan ang utak at puso ko..bakit kasi bumalik ka pa Blue?!
"Hey.. okay ka lang?" Di ko namalayang habang naglalakad pala ako papasok ng bahay ay nabunggo ako kay Starr.
Hindi ko na lang din siya pinansin at nilagpasan ko lang, dumiretso ako ng kwarto at nagkulong. I've never been so confused before, I felt some guilt dahil ang sabi ko sa sarili naka moved on na ako, sinabi ko na din sa lahat ng tao dito sa bahay, naka move forward na ko, pero iba pa rin pala talaga pag nagkita kayo ulit, lalo na kung wala naman kayong naging closure na dalawa... nakakalito... pero baka naman kaya ako nagkakaganito dahil matagal ko nang gusto malaman ang totoo?
Jiro's Pov
Maguusap kami ni Cassie ngayon, tungkol sa anak namin, oo tama kayo ng nabasa, it turns out positive ang DNA results.
"When can I visit her?" umpisa ko sa usapan namin.
"Dito siya every weekends, yun lang din ang free time ko, may work ako ng weekdays and if you don't mind —"
"Ano?" di na rin kasi ako masyadong komportable na nandito si Cassie, lalo na at nandiyan lang si Taf sa tabi tabi.
"I'll stay with my daughter here every weekends"
"What? Cassie you can—"
"Then fine, you can't be with her" she grinned.
"Kakausapin ko muna sila, hindi ako pwedeng basta magdesisyon dito, hindi naman sakin tong bahay" hindi ko rin naman alam kung ano plano nitong si Cassie.
"Okay.. hindi ko siya dadalhin dito hanggat wala kang desisyon, I'll give you a week to decide, pag hindi ka pa nagsabi sakin within a week, you'll never see her ever again" she smirked.
"Why are you doing this? Masyado mo akong pinepressure Cassie!" napagtaasan ko tuloy siya ng boses.
"What? This isn't enough Jiro! Sa ginawa mo sakin at sa anak ko! Hindi pa sapat yang ma pressure ka lang!"
"You hid the truth from me! Ni wala nga akong idea na buntis kana pala non"
"Because she doesn't deserve a father like you!" Napaiwas ako ng tingin, kahit anong argue ko kay cassie, siya parin ang mananalo dahil totoo naman na mas malaki ang naging kasalanan ko sa kanya.
"Are you done talking? Let's go Ate Cass." aya ni Blue saknya.
"Clock is ticking, time is running Jiro" bare faced siyang nakatingin sakin ng diretso saka tumalikod at naglakad papalabas ng bahay.
"Anong nangyari kay Renee?" napaigtad nalang ako nang magsalita si Starr.
"Si rens? Bakit? Nasaan ba siya??" nagalala din ako kasi nakita ko din na nagusap sila ni Blue.
Pumunta kami agad sa kwarto ni Renee, ilang beses namin kinakatok pero ayaw niyang sumagot.
"Renee.. open this door, ano bang problema? Ano ba napagusapan niyo?"
"Napagusap? With whom?" tanong sakin ni Starr. "With Blue?" follow up question nanan niya.
Hindi ko pinansin yung mga tanong ni Starr at hahaba lang ang usapan, kinuha ko nalang ung spare key sa kusina dahil kinakabahan na kami pareho baka kung ano na nangyari sa babaeng to.
"RENEE!"
BINABASA MO ANG
Who Am I? (On Going)
Fiksi RemajaA girl who lives in lies, how will she know the truth? Would anyone will tell her? Or she could figured it out herself? How can she escape? Or will she? What if she doesn't?