Chapter 5 "Ang Mahiwagang Binibini"

639 19 2
                                    

(Last Shadow's Point of View)

"Isang Linggo"

"bibigyan kita ng isang linggo para makasama ang Ama mo,"

"pagkatapos ng isang linggo, babalik ako para tapusin ang buhay ninyong dalawa"

"At ako ang nagdesisyon noon,tandaan mo."

At ako ay nagpatihulog sa lawa..

Habang bumabagsak hindi maalis sa isip ko ang kanyang ngiti.

Paano nya nagawang ngumiti ng ganoon katotoo, sa kabila ng nagbabadyang katapusan ng kanyang buhay .

Naramdaman kung lumapat na ang katawan ko sa tubig, at lumangoy ako papalayo sa palasyo.

Pag-ahon ko sa tubig naupo ako sa ibabaw ng malaking bato, para magpatuyo.

"AAAAAAHHHHHHHHHH" sumigaw ako ng malakas 

"Umalis ka sa isipan ko" 

Mayruong hiwaga  sa babaeng yun, nakalapit sya sa akin ng hindi ko nararamdaman dahil

walang aura na lumalabas sa kanya, ang mga mata nya ay walang bahid ng pagkatakot.

Napakatapang nya at handa syang mamatay, nakuha nya pang ngumiti nang tatapusin ko na ang buhay nya. 

"BAKITTT" bakit di sya magmakaawa sa buhay nya tulad ng iba.

Ang kanyang ngiti hindi yun kasinungalingan yoon ay ngiti ng pagtanggap, paano nya natanggap ang kanyang patapusan nang walang pagaalinlangan? 

"Anong hiwaga ang bumabalot sayo Binibini......."

Pinanatag ko ang isip ko, walang sinumang humadlang sa aking misyon.

"Isang linggo Binibini" 

"At tandaan mo ako ang magdedesisyon kung kailan ka mamamatay"

---------------------------

(Jess Point of view)

Narinig kung parang may kausap yung anak ng chairman ng UPA 

Kaya dahan dahan kong tinungo ang kinatatayuan nya

At naabutan ko sya na parang tulala, 

"Binibini ayos kalang ba dyan?"

"Ha. OO ayos lang ako" sagot nya

Ayos lang daw sya pero hindi sya makakilos.

At narinig kung may bumagsak sa tubig

"ang Last Shadow"......

Dali-dali akong bumaba para sabihin sa pinuno

Pag dating ko sa kwarto ng chairman naadoon na silang lahat

"Pinuno ang Last Shadow....."

"OO nasabi na sa akin nila Zuji"

"Tumakas na sya papalayo....malamang napagisipan nya na hindi sya magtatagumpay"

"tagumpay ang ating misyon kung ganun"

"Maraming salamat sa inyo,.. bilang pasasalamat dito na kayo magpaumaga, ipaghahanda ko kayo ng makakain at maayos na matutulogan" paanyaya ng chairman.

"ano sa tingin nyo mga kasama" tanong ng pinuno, 

Tumango kaming lahat, kahit walang laban na nangyari para akong pagod na pagod marahil ay ganun din sila. Ang pangambang makakasagupa namin ang Last Shadow ay subrang nakakapagod kaysa iba naming mga laban, ibang klase.

"Sige tinatanggap namin ang iyong paanyaya"

Sinamahan kami ng chairman sa aming tutuloyan..

"sige maiwan ko na kayo dyan, magpahinga lang kayo dyan at ipapahanda ko na kayo makakain"

Nakita ko ang pinuno na parang balisa kaya nilapitan ko sya

"pinuno may napansin kabang kakaiba dun sa anak ng chairman?"

"Napansin mo rin pala Jess"

"Napansin kung walang aura ang kanyang katawan kaya hindi mo mararamdaman ang kanyang presensya, malamang may pumipigil sa paglabas nito" 

(Lahat ng may buhay ay naglalabas nang kani-kaniyang aura, subalit hindi ito nakikita ng ordinaryong tao lang, tanging ang mga taong bukas ang pang-anim na pangdama(six sense) ang makakakita nito. Upang magamit naman ang aurang ito sa pakikipaglaban kailangang munang maging dalubsa ang isang mandirigma sa pagkontrol dito., Dahil sa taas ng antas ng pagaaral  iilan lang ang nakakaabut dito. at ito ay isa sa kailangan upang makasali sa Death Guards.... Ang Last Shadow  ay nakilala din na pinakabatang nakabot sa pinakamataas na antas )

"at hindi lang yun napansin kong nararamdaman nya ang ating mga aura, hindi ito kayang gawin ng ordinaryong tao, nagreak sya nang maglabas ako ng pwersa kanina"

"Paano nangyari yun pinuno?"

"hindi ko rin alam, pero malamang hindi pa nya alam ang tungkol dun"

"Interesanteng Binibini......."

"Jess bibigyan kita ng solo misyon"

"Ha ano yun pinuno"

"Subaybayan mo ang anak ng Chairman" 

"May iba akung kutob sa pagalis ng Last Shadow" 

"Masusunod Pinuno...."

 Itutuloy>>>>>>>>>>>>>>

A/n

Abangan sa susunod kung anong gagawin ng mag-amang Neplim sa natitirang isang linggo ng buhay nila...

The Assassin's OathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon