"Bye kids, uwi na agad kayo, ha. Wag nang maglakwartsa," sabi ng kanilang teacher.4:30 na kasi nang hapon at uwian na. Palabas na sana si Miranda sa kanilang room nang tawagin sya nang kanilang guro.
"Miranda Menduza"
"Yes ma'am?"
"I just want to say welcome here in St. Paul Academy." Nakangiting sabi nito.
"ahhh, thanks po,"bibo at cute na tugon ni Miranda
"Cge po mauna na po ako."
"Cge ingat sa daan." Pahabol na sabi ng kanilang guro. Tumango sya bilang tugon at mabilis nang tumakbo.
Siya nga pala si Miranda Menduza. Grade 5 student siya ngayon sa St. Paul Academy. Bagong lipat lang sila sa naturang lugar. At dahil malapit lang ang school na ito sa village na tinitirhan nila nagpasya ang mga magulang niya na doon na siya mag-aral.
Dahil sa bago pa sya sa school na ito, wala pa syang gaanong kaibigan. Na dahilan din para mag-isa siya ng naglalakad pauwi.
"Okay lang naman, eh. Astig kaya ako." wala sa sariling sabi ni miranda.
Habang naglalakad, napahinto sya dahil sa isang napagandang kahoy na nakita niya.Napakamagical kasi nitong tingnan.
"Wow, ang ganda."
Kaninang umaga nang mapadaan sya sa naturang lugar, nakita niyang unti-unting nahuhulog ang mga kulay pulang mga dahon nito. Ngayon naman na wala na ang mga pulang dahon which are the dried leaves at napalitan ng mga color pink na kumpol-kumpol na mga bulaklak..
One word to say..."AMAZING!!"
Masayang tiningnan ni Miranda ang mga ito at hinanap pa nga niya ng pinakacenter ng bulaklak." Saan kaya ang center nito, napakahirap naman nitong hanapin."
Nagpatuloy pa rin sya sa paghahanap nang may bumangga sa kanya sa bandang likod nya na naging dahilan nang pagkatumba niya.
"OOPS." narinig niyang sabi nang nakabangga sa kanya.