Chapter 15 - Friendship Accepted

137 14 9
                                    

Hi guys! Musta na kayo? Long time no hear... hehe... Pasenxa na po ulit sa late update. But I'm still grateful dahil 1.67k reads na ang BENCH XXXL. Thank you sa pagsubaybay mo huh. 'Wag magsawang subaybayan ang istorya ni Bernard. Thank you po ulit. I dedicate this chapter to all my readers. Hope you enjoy it.

Read. Vote. Comment. Share.

"Ikaw? Bakit ka nandito?", ang pagtatakang tanong ni Bernard nang makita niya si Beatriz na pumasok sa kwarto kasama ang Lola niya.

"O maiwan ko na kayo diyan huh.", ang wika ng Lola ni Bernard matapos ipatong ang snacks sa lamesa.

"Teka, bakit ka nga nandito?"

"Ang tanga tanga mo! Sinabi ko ba sayong kunin mo 'tong mga 'to?!", ang sermon niya kay Bernard habang ipinapakita sa kanya ang plastic na bitbit pa rin niya hanggang ngayon.

"Ah... eh..."

"Nagkasakit ka tuloy nang dahil lang dito!"

Napakamot na lamang ako ng ulo. Hindi ko alam kung anong idadahilan ko sa kanya. Hindi ko rin talaga alam kung bakit ako nagpakabasa para lamang kunin ang mga manggang 'yun. Ibang klase talaga 'tong si Armalite girl. Imbis na magpasalamat e siya pa 'tong galit na galit. Pero teka, bakit ba siya nagagalit? Bakit siya nandito sa kwarto ko ngayon? Bakit pa siya nag-abalang dalawin ako?

"Huwag kang mag-isip ng kung ano. Hindi ako pumunta rito para dalawin ka. Pumunta ko rito para magpaturo.

"Ah ganon ba?"

"Oo gano'n na nga. Asyumerong Pig. 'Diba sa Friday na 'yung howework natin sa Filipino? 'Yung Tula? May nagawa ka na ba?"

Napansin niyang madaming nalukos na papel sa basurahan. Agad na lumapit si Armalite girl dito at kumuha ng isa. Bumaba ako sa kama para pigilan siya. Pilit niyang inilalayo ang papel sa'kin. Para kaming mga bata na naghahabulan. Hindi ko talaga siya matatalo pagdating sa mga ganito. Hindi niya talaga hinayaang maagaw ang papel hanggang sa nawalan kami ng balanse at bumagsak. Guess what? Nadaganan ko siya. Pinandilatan niya ko ng mata. Nagpapahiwatig na umalis ako sa pagkakadagan sa kanya. Hindi ako makagalaw at mas lalong hindi siya makagalaw sa bigat ko. We were frozen. We were stucked with each other. Hindi na siya nakatiis at itinulak niya 'ko.

"Hoy Taba! Wala sa bucket list ko ang makipag-wrestling sa'yo!", ang sigaw sa'kin ni Armalite girl na nakahiga pa rin sa mga panahong ito.

"Pasensya na."

"Anong pasensya?! E halos mamatay ako sa bigat mo!"

"Pasensya na talaga hindi na mauulit."

"Aba talagang hindi na mauulit! Ayoko pang mamatay!"

Napakamot na lamang ulit ako ng ulo. Nakakahiya talaga. Gusto ko ng lumubog sa kinatatayuan ko. Hindi ko natawag ang guardian angel ko. Panigurado, walang darating. Humina nang konti ang kabog ng aking dibdib kumpara kanina habang nasa ibabaw ako ni Beatriz. Hindi ko akalaing magkakadikit ang mga katawan namin nang gano'n. Dibdib sa dibdib, blank sa blank. Alam na. Censored.

"Nang una palang kitang makita ako'y nabighani na. Ayeeeee love at first sight ka pala kay Ruby huh."

"Ano ba? 'Wag mo ng basahin.", ang pigil ko sa kanya.

"Taglay mong ganda ay sadyang kakaiba. Well, maganda naman siya mataba nga lang. Bagay kayo.", ang patuloy na pang-aasar niya.

"Sa tuwing umaga na ika'y nariyan na. Ako'y sumisigla at di magkandarapa. Sa tanghalian nama'y busog na ako makita lang kita. Uy Taba! Ang galing mo rito sa line na'to. Panalo! Sino nga ba naman ang hindi mabubusog 'pag nakita si Ruby?"

OVERWEIGHT? Can LOVE Wait?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon