Sandra's POV:
"S-Sandra..."
Napalingon ako nang may magsalita sandali. Kung tama nga ang hula ko, siya iyon. Boses pa lamang niya, kilala ko na.
"Ang galing naman! Bakit kaya nandito 'yung kaibigan kong mang-iiwan?" sarkastiko, ngunit kalmado kong sabi.
Naiinis ako sa kan'ya. Inis na inis ako kay Shin. Ilang araw ba naman niya akong hindi pansinin! Pinagmumukha niya akong tanga sa tuwing hinahabol ko siya para kausapin.
Ngayong tumigil na ako, saka lang niya naisipan na lapitan ako? Ang galing! May kailangan lang kaya siya? O naisip niya lang na balikan ako at paglaru-laruan?
Tinalikuran ko siya at hindi pinansin. Bahala siya!
"Sorry..."
"Sorry mong mukha mo!" inis kong sabi. "Doon ka na sa crush mo, tutal siya naman lagi 'yung kasama mo, di'ba? Ano? Hindi mo siya kasama, kaya nandito ka ngayon at hihingi ng sorry?"
Ano sa tingin niya ang kan'yang ginagawa? Mag-sosorry siya sa kabila ng lahat-lahat ng ginawa niya? Mas masakit kaya ang ipagpalit ka ng kaibigan mo sa crush niya, kaysa sa ipagpalit ka ng jowa mo sa iba.
"Yun na nga, eh..." mahina niyang sabi. Napatingin naman ako sa kan'ya. "... Nilayuan ko na siya para hindi na siya patuloy pang umasa sa isang kasinungalingan..."
"Anong... anong ibig mong sabihin?" tanong ko.
"... Hindi ko kasi talaga siya gusto."
Nanahimik ako sandali dahil sa kan'yang sinabi. Paanong hindi niya magugustuhan iyon, eh napaka-perpekto niyang babae?
At kung gan'on nga, ano naman ang kan'yang rason para iwas-iwasan ako? Ano ba talaga ang nagawa ko sa kan'ya?
"Isang araw, natauhan na lang ako't nalaman na... nagamit ko siya at napa-asa. Hindi ko naman intensyon 'yun, eh. Sa una pa lang, kaibigan lang talaga ang tingin ko sa kan'ya." dagdag niya.
Napakagulo ni Shin. Ang hirap maintindihan kung ano ba talaga ang nais niyang iparating. Ano ba talaga ang puno't dulo nitong lahat para mangyari?
"Napagtanto ko na rin, sa wakas, ang dahilan kung bakit nga ako umiiwas. Akala ko, iyon ang solusyon para sa lahat, eh. Nahulog kasi ako dun sa taong hindi ko dapat mahalin..."
Iniwasan niya ako ng tingin.
"Kapag pala gusto mo ang isang tao, walang nagiging imposible sa'yo. Kaya mong gawin lahat para sa kan'ya..." Tumigil siya sandali sabay ngumisi sa sarili. "Pero ang pinaka-natutunan ko sa lahat, mahirap lumimot ng totoong damdamin. Magtago ka man sa likod ng isang maskara, hindi mo mababago kung ano talaga ang katotohanan."
Napaka-lalim ng kan'yang mga salita. Halatang seryoso nga siya sa kan'yang sinasabi.
"Sabihin mo mang may gusto kang iba, 'yung totoo mo pa ring mahal ang babalik-balikan mo. Dahil sa kabila ng lahat, ang kahulihang nalaman ko ay..."
Tiningnan niya ako— diretso sa aking mga mata.
"... mahal pa rin kita."
Nakatulala lang ako sa kan'ya sa sandaling ito.
"Anong sabi mo?" tanong ko. Napakahina kasi ng boses niya para marinig ko. Wala akong naintindihan.
Hindi na lamang siya sumagot. Basta niya akong niyakap.
BINABASA MO ANG
(FZLF) Friend Zone lang, Forever?
Teen FictionMinahal ko siya nang higit sa kaibigan. Minahal niya ako bilang kaibigan lamang. Ito ang istorya namin. Friend zone lang, forever. Note: COMPLETED. Credits to: the owner of the used photos from google. :) PS: Don't judge the book by its cover. (FZL...