𝐊𝐀𝐁𝐀𝐍𝐀𝐓𝐀 𝟒

1 1 0
                                    

𝐀𝐍𝐆 𝐌𝐔𝐋𝐈𝐍𝐆 𝐏𝐀𝐆𝐋𝐀𝐋𝐀𝐊𝐁𝐀𝐘

Tahimik na naglalakad ang dyosa at ang lalaking nakamaskara, kasabay sa kanilang katahimikan ang ang preskong simoy ng hangin at mga naglalaglagang dahon ng puno sa kanilang dinadaanan. Ilang oras ang katahimikan nang hindi mapigilang tanungin ng lalaking nakamaskara ang dyosa kung meron ba itong nararamdaman na sakit o pagod, ngunit ang dyosa ay Wala man lang kibo sa sinabi ng lalaking nakamaskara, ulit bumalik ang katahimikan sa dinadaanan. Mga ilang oras din ang lumipas nang makarating na sila sa kanilang patutunguhan, sa kaharian ng mga diyos at dyosa. Agad naman silang pinapasok ng taga bantay sa tarangkahan na dahilan para sila ay mabilis makapasok. Ngunit nagtataka so Demeter kung bakit nakapasok ang lalaking nakamaskara, dahil ang alam niya tanging kapwa mga diyos at dyosa lamang ang makakapasok sa kaharian. Hindi nag aksaya ng oras si Demeter na tanungin ang lalaki kung isa rin ba itong diyos. Hindi naman nagsinungaling ang lalaki at sinagot niya ng tapat ang dyosa. Inaamin niyang isa rin siya sa mga diyos na naninirahan sa kaharian, siya ay naglakbay upang gawin ang kanyang misyon at nang matapos niyang gawin ang kaniyang misyon, hindi siya nag aksaya ng panahon na maglakbay pauwi sa kaharian. Ngunit ang lalaki ay may malaking problema at yun ay nakalimutan niya ang daan papauwi ngunit nang makita nya si Demeter ay batid niyang ito ay papauwi na rin sa kaharian. At sinabi naman ni Demeter na kung sa ganun maaari mo bang tanggalin ang iyong maskara upang makita niya ang kaniyang wangis. Agad naman sinunod ng lalaki ngunit laking gulat ni Demeter nang makita ang lalaking matagal na niyang iniibig, na si Apollo. Makikita mo sa mata ni Demeter ang nararamdamang kilig at saya nang hindi niya akalaing nakasama niya ang lalaking matagal na niyang iniibig at siya'y inalagaan nito noong siya'y nanghina.

𝘼𝙉𝙂 𝙋𝘼𝙂𝙈𝘼𝙈𝘼𝙃𝘼𝙇𝘼𝙉 𝙉𝙄𝙉𝘼 𝘿𝙀𝙈𝙀𝙏𝙀𝙍 𝘼𝙏 𝘼𝙋𝙊𝙇𝙇𝙊Where stories live. Discover now