["SA tingin mo aatend sya sa wedding nya bukas, babe?"] Si lesly iyon habang nasa cellphone. Gabi na nang makauwi ako galing sa trabaho. Kakatapos ko lang maligo nang tumawag sya. Nasa tapat ako ng bintana habang kausap sya sa kabilang linya at nakatingin sa malayo. Natuwa pa nga ako ng tumawag sya.
"For sure yun!" Walang emosyong sagot ko sa kanya. "Kahihiyan ng pamilya nya yun kung hindi sya sisipot!, Isa pa kung hindi nya itutuloy ang kasal dapat matagal na nyang kinansel ang wedding nila."
["Sa bagay!.. balita ko nga lahat ng employees nila invited sa wedding celebration bukas!"] May lungkot sa boses ni lesly ng marinig ko iyon.
"Inanounce yun kanina sa building. Kaya naman tuwang tuwa ang mga nagtatrabaho dun samin. Mga excited nga dahil first time daw nila aattend ng susyal na wedding." Masakit para sakin na sabihin ang mga iyon pero pinilit kong wag ipahalata sa boses ko.
["Okay ka naman ba?"] Halata sa boses ni lesly ang pag aalala sakin. ["Alam kong hindi!"] Nangiti na lang ako ng marinig ang sinabi nya sakin.
"Wala talaga akong malilihim sayo!" Malungkot na sagot ko. Na nasundan ko pa ng buntong hininga. "Don't worry about me, babe... I know i can move on... And this time I'll make sure na makakamove on na ako sa kanya!"
Saglit pa kaming nagusap ni lesly bago nya ibaba ang tawag. Masakit pa rin sakin na malaman na ikakasal na si eric kay Monique. Hindi ko na nga alam kung may iiiyak pa ba ako. Sa sakit na nararamdaman ko napagdesisyunan ko na dito na muna ako sa bahay namin. Malungkot na ngiti nga ang sinalubong sakin ng kuya mike ko nang makita akong dumating kanina. Siguro alam nya na rin ang balitang ikakasal na ang bayaw kuno nila sa ibang babae. In short, hindi na nila talaga matatawag na bayaw ang lalaking pinakamamahal ko.
Alam kong pati sila ay nasasaktan din dahil sa nangyari. Pero wala naman kasi kaming magagawa kundi ang tanggapin na lang ang katotohanang hindi sya magiging parte ng pamilya namin.
Hindi rin naman ako tinanong pa ng kuya ko nang kung anu ano. Kaya naman naging tahimik na lang kami.
Matagal na akong nakahiga sa kama ko pero hindi pa rin ako dalawin ng antok. Matagal pa akong tumitig sa kisame. Tumagilid ako ng higa para maabot ang cellphone ko na nakapatong sa maliit na lamesang nasa tabi ng kama ko. Binuksan ko para makita ang oras.
Ala una na pala ng madaling araw. Pero hindi pa rin ako nakakatulog. Kakaisip ko siguro ng dahilan kung bakit nangyari samin ni eric ang ganito. kung may mali ba akong ginawa para mangyari samin itong lahat. Nagagalit ako dahil hindi natupad ang minsang pinangarap ko na makasama sya habangbuhay.
Minsan ko na rin kasing pinangarap na ikasal at sya ang groom ko. Kahit na hindi ako nagsusuot ng dress pinangarap ko naman na makapagsuot ng wedding gown sa kasal namin ni eric. Yung kahit na simpleng gown lang at hindi mamahaling gown, kahit nga galing ukay ukay pa e, basta ba sa kanya ako ikakasal okay lang. Yung kasal na kahit na hindi engrande pero masaya pa rin dahil sa kanya ako ikakasal. Kahit na kami lang nang pamilya ko at pamilya nya, at mga kaibigan namin na malalapit lang nandun ay okay pa rin kasi alam kong magiging special pa rin kasi sa kanya ako ikakasal. Yung kahit na simple lang handa at hindi masyadong marami ang mga putahe, kahit ba isang putahe lang basta ba sa kanya ako ikinasal ay mabubusog na ako.
Minsan ko rin pinangarap na magkaroon ng maraming anak pero ang gusto ko sya ang ama. Mahilig ako sa bata kaya ang gusto ko talaga magkaroon ng malaking pamilya. Kahit siguro anakan nya ako ng isang dosena ay okay lang sakin basta ba sya ang ama. Volleyball team at basketball team sana ang mabuo namin sa dami ng anak namin ay magiging masaya ako at hindi ako mapapagod na mag alaga sa kanila. Plano ko pa nga ay hindi na ako magtatrabaho kapag nagkaanak na kami para ako na lang ang mag aasikaso sa mga migiging anak namin at sa asawa kong si eric.
BINABASA MO ANG
In Love To A Tomboy
RomanceAno gagawin mo kung bigla ka na lamang iwan ng lalaking pinakamamahal mo ng wala man lang sinasabi? Aasa ka pa rin ba kahit na wala namang kasiguruhan na tunay ka nga nyang mahal? Paano kung makalipas ang 7 na taon ay magkita kayon...