"DINNER?" Gulat at kabadong sagot ko kay eric nang sabihin nyang we have a dinner date with his parents!
"Yeah!" Parang hindi naman kabadong sagot nya sakin. Nandito kami sa opisina ko. Ang aga aga nandito na agad kolokoy na ito para sabihin ang tungkol sa dinner. "Baby!... Don't tell me you're not coming?"
"Kinakabahan ako!" Napahawak pa ako sa dibdib ko sa sobrang kaba.
"Baby!... Relax!..." Natatawang sagot nya sakin.
"Relax?... How?..." Nag panic na ako sa kaisipang magkikita kami ng parents nya. Paano kung bigla na lang akong murahin or saktan ng mommy nya. Diba nga galit yun sakin dahil mas bet nya si Monique?.
"Nandito lang ako sa tabi mo!.." malambing na sagot nya sakin. "Hindi kita pababayaan... Promise!"
"Wait!... Anong susuutin ko?" Natataranta na talaga ako. "Baka hindi nila ako magustuhan!"
"Baby!..." Tawag nya sakin na hinawakan pa ang kamay ko para pakalmahin ako. Pero hindi effective e. Hindi pa rin nawawala ang kaba ko. "Wear anything... Show them who you are... That's what I want you to do!"
"Sure ka?" Kabadong tanong ko. Tumango lang sya sakin na nakangiti. Nakakainis napakagwapo ng baby ko lalo na kapag nginingitian nya ako ng ganyan. Pakiramdam ko nahuhulog ang panty ko.
"Gwapong gwapo ka sakin?" Pangaasar nya sakin napansin nya sigurong nakatitig ako sa kanya ng matagal. "Don't worry baby ang gwapong to ay sayong sayo lang."
"Feeling ah!" Pambawi ko sa kanya. Pero ramdam ko ang pag init ng mukha ko. Nakakahiya. Pero bakit kapag sya ang nakatitig sakin hindi man lang sya nahihiya. Pero ako pakiramdam ko nahuli ako ng pulis sa kasalanang nagawa ko.
HUMINGA ako ng malalim bago ako bumaba ng sasakyan nya. Nandito kami ngayun sa restaurant kung saan magkikita kami ng mga parents nya. Hindi na ako nakapagpalit ng damit. Pero inassure naman sakin ni eric na okay lang naman ako. Pero nahihiya pa rin ako dahil hindi man lang ako nakapag ayos.
Pagpasok naman sa loob ay nandun na ang parents nya na nakaupo at hinihintay kami. Nangiti pa nga ang mommy nya ng makita kami. Pati ang daddy nya nakangiting tiningnan ako. Grabe naman kaya pala ang gwapo ni Eric e. Ang ganda ng mommy nya hindi mo aakalaing anak nya si Eric. Mukhang bata pa ito napakaputi, grabe. Ang daddy naman nya lalaking lalaki ang dating, tantya ko nga kahit na may edad na ito ay habulin pa rin ng mga babae.
"Hija!... Relax!" Malambing na sabi ng mommy nya sakin. Nakangiti itong nakatingin sakin. "My son is right!... You really are beautiful!"
"Told you mom!" Pagyayabang naman ni Eric sa mommy nya na lalong ikinapula ng pisngi ko.
"Oh my gosh!..." Kinikilig na sabi ng mommy nya. "You're so cute when you blush!"
"Eve!... Please don't mind your mommy!... Hindi lang sya makapaniwalang napakaganda mo!" Pag alo naman sakin ng daddy nya!. Wait! Mommy daw?. Mommy ko sya!"
"Yes call me mommy, Eve!" Nahihiyang napatingin ako sa kanya ng sabihin nya yun. Si Eric naman ay hinawakan ang kamay kong sobrang lamig na. "Ow!... My gosh!... For sure magiging maganda at gwapo ang magiging mga apo ko!"
"Po?" Gulat ako sa sinabi nyang yun. Si Eric naman ay tumawa lang ng malakas. Nainis naman ako sa pagtawa kaya nahampas ko sya braso nya. "Pinagtatawanan mo ako?"
"Ang pula pula kasi ng mukha mo baby!... Lalo na nung banggitin ni mommy ang tungkol sa mga apo!" Napahawak naman ako sa pisngi nang sabihin nya yun sakin. Kaya nahihiya akong napayuko na lang.
"Sweetheart!... Its okay!..." Natatawang alo sakin ng mommy nya.
Naging maayus ang dinner date namin with his parents. Masarap isiping napakagiliw nila sakin. Ang inaasahan kong masasakit na salita ay hindi ko narinig mula sa mommy nya.
BINABASA MO ANG
In Love To A Tomboy
RomanceAno gagawin mo kung bigla ka na lamang iwan ng lalaking pinakamamahal mo ng wala man lang sinasabi? Aasa ka pa rin ba kahit na wala namang kasiguruhan na tunay ka nga nyang mahal? Paano kung makalipas ang 7 na taon ay magkita kayon...