CHAPTER 35

108 2 0
                                    

Dumating ang araw ng kasal ni Cathy at Diego, maagang gumising ng araw na iyun ang binata. Excited si Diego dahil sa wakas ay dumating rin ang araw na pinakahihintay nya.

Tatlong araw bago ang kasal ng kanilang anak ay dumating ang Mommy at Daddy ng binata.

Naabutan ni Diego ang kanyang ina sa kusina ng kanyang condo na naghahanda ng kanilang umagahan.

"Ma, ang aga mo nmang nagising, hindi mo na kailangang gawin yan, pwede nman tayong mag order na lang, sayang yung oras, makakapag ready ka na sana.." wika ng binata saka ito lumapit sa kanyang ina

"Anak, hayaan mo na akong gawin ito, ngayun ko lang magagawa ang mga ganitong bagay sayo, aayawan mo pa.." sagot ng ina ni Diego

Lumapit ito kay Diego pagkatapos ay bahagyang hinawakan ng ina ni Diego ang magkabilang pisngi ng binata.

"Natutuwa lang ako dahil ikakasal ka na, para kasing kelan lang,.. yung dating Diego na puro kalokohan lang ang nasa isip, ngayun heto at ikakasal na, patawarin mo kami anak ng Daddy mo kung halos wala na kaming time sayo,... masaya ako dahil nakahanap ka ng babaeng mag aalaga sayo hanggang sa pagtanda nyo.."

Natouch ang binata sa sinabing iyun ng kanyang ina, hinalikan ni Diego ang noo nito saka nya ito niyakap ng mahigpit.

...........

Alas otso na ng umaga ay hindi pa rin bumabangon si Cathy, 10 am ang kasal nila ni Diego sa simbahan kaya dapat ng mga oras na iyun ay naghahanda na rin ito.

"Roberto, katukin mo nga si Cathy sa kanyang kwarto, tanghali na kasi, nakakahiya kong malalate tayo mamaya.." utos ni Aling Helen sa kumakaing si Mang Roberto

"Hay, ewan ko ba dyan sa anak mo, hindi ko alam kung bakit kahit ayaw nya, pinipilit nya pa ring magpakasal sa taong hindi nya mahal,.. Helen, hindi nman sa against ako kay Diego, alam mo nman na botong boto rin ako sa batang yun, pero nong makita ko si Sir Miguel ng gabing yun sa ospital, na halos hindi na makakain sa sobrang pag aalala kay Cathy,.. don ko lang napagtanto kong bakit simula noon si Sir Miguel ang nagustuhan ng anak natin. Hindi ko lang maintindihan kung bakit kailangan papunta sa ganito..." alalang paliwanag ng ama ni Cathy

Ibinaba ni Aling Helen ang basong kanyang hawak hawak saka sya tumingin ng diretso kay Mang Roberto.

"Alam mo kung bakit?,.. dahil ganun kamahal ni Sir Miguel si Cathy, kahit hindi natin alam ang dahilan kung bakit ito nangyayari, alam ko na kaya nagawa ito ni Sir Miguel dahil alam nyang mas mapapabuti si Cathy kay Diego,.. kapag mahal mo ang isang tao, kahit yung sarili mong kaligayahan ay kaya mong isakrispisyo para lang mapabuti yung taong mahal mo..."

"Kay Cathy nman, alam kong nagtiwala sya kay Sir Miguel kaya nya ginagawa ito, alam kong alam rin ni Cathy kung gaano sya kahalaga kay Sir Miguel, hindi man nya alam ang dahilan sa ngayun, alam kong maiintidihan rin iyun ng anak natin pagdating ng panahon.." seryusong sagot ni Aling Helen

Agad nmang napatitig si Mang Roberto sa asawa nito.

"Oh bakit ganyan ka makatingin?.." nakakunot noong tanong ni Aling Helen

"Ngayun ko lang napagtanto mahal, mas bagay pala sayo ang maging seryuso, nagmumuka kang matalino.." sagot ni Mang Roberto

Agad nmang napakunot ang noo ni Aling Helen sa sinabi ni Mang Roberto.

"Aba, ano palang tingin mo sa akin, bobo?,... Isang beses pa lang nman akong nagiging bobo sa buong buhay ko, alam mo kung kelan..?" seryusong tanong ni Aling Helen sa asawa nito

"Kelan?.."

Kinuha muna ulit ng ina ni Cathy ang basong inilapag nya kanina, saka ito uminom ulit dito bago sinagot ang tanong ni Mang Roberto.

417 Days With You - TAGALOGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon