26

4.2K 111 4
                                    

Birth



Hindi naging madali para sa akin ang mag-cope up sa mga panibagong bagay na nasa paligid ko. Sa mga taong nakakasalamuha ko. Sa lengguwahe pa lang ay tagilid na ako dahil panay espayol ang halos nakakausap namin ni Sir Ion. Ginagamit naman nila ang universal language para makausap ako ngunit hindi naman palagi na ako ang pagbibigyan at mag a-adjust, hindi ba?


Dalawang buwan pa lang mula nang manirahan ako sa mansyon na pagma may-ari ng pamilya niya. Ng mga Montrejar. Ang buong akala ko ay hindi nila ako tatanggapin o kukuwestyunin nila ang presensya ko sa balwarte nila. Ngunit hindi nila ginawa. Hindi nila ipinaramdam na isa akong dayuhan.


Katunayan, binigyan nila ang sarili kong silid sa napaka gandang mansyon na ito. Sa modernong istilo at arkitektura ng Mediterranean, ipinaramdam nila sa akin ang pagiging prisesa. Na para bang parte ako ng pamilya. Tanggap na tanggap nila ako sa pamilya nila. Kahit alam nila na hindi kay Ion ang batang nasa sinapupunan ko.



Sa tuwing maiisip ko ang kabaitan nina Sir Camray at Madame Ystalyfera Montrejar, pinangingiliran ako ng luha. Napakabuti nilang tao gaya ng anak nila. Pakiramdam ko ay hindi para sa akin ang lahat ng katotohanang ito.



May minsan pa na kabuwanan ng check up ko at dahil wala si Doc Lauren para matingnan ang kalagayan ng bata sa sinapupunan ko, nagpapunta na lang ng oby gynecologist sina Madame at Sir para hindi na raw ako mapagod sa biyahe. Maging sila ay nag-aalala na baka mapano ako at makasama sa bata.


Ang nag-iisang anak nilang babae at kapatid ni Sir Ion na si Matrix Yrazen ay walang sawa akong binibilhan ng mga magagandang damit, sapatos, sandalyas at pati make ups. Kahit hindi ko naman kailangan ang ganoon karami ay hindi ko tinanggihan.


Gustong-gusto nila ako sa pamilya nila. Ang lahat ng tao sa mansyon ay hindi makapaghintay na isilang ko ang bata. Dalawang buwan na lang naman ang hihintayin bago mangyari iyon.


Hinaplos ko ang malaking umbok sa aking tiyan. Ngumiti ako sa harapan ng irregular-shaped na salamin sa aking silid. Sa kulay puti na bestidang suot ko, halatang-halata ang umbok. Kay sarap pagmasdan...


Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na matapos ang bagyo sa buhay ko, natatamasa ko ang marangyang buhay na gaya nito. Kahit kailan, ni isang araw, hindi ko naramdaman ang hiya para sa mga nagawa sa akin pagtulong ng pamilya Montrejar. Kaya't buong-buo ang desisyon ko na matapos kong maisilang ang bata, pagsisilbihan ko rin sila.


Tiningnan ko mula sa salamin ang taong pumasok sa silid matapos ang ilang magaan na katok. Ngumiti ako at mababaw na tumango kay Matrix.

"Come in,"

Isinarado nito ang pinto. Marahan siyang naglakad paupo sa kama ko. Tumingin siya sa tiyan ko. Nangingiti siya.

Nanuot sa pang amoy ko ang pambabae at mamahalin niyang pabango.


Hindi ako nakuntento na mula sa salamin ko lamang siya pinapanood. Naglakad ako patungo sa kama at tinabihan siya.


Dumampi ang init ng palad niya sa aking tiyan. Pinakiramdaman ko ang baby ko kung naiirita ba siya o hindi. Hindi naman iyon gumalaw o sumipa. Mukhang nagustuhan niya ang paghawak ni Matrix.


"I really like you for my brother, Zia. My family feels the same way..." panimula niya habang humapalos sa tiyan ko.

Hindi ako nakaimik. Tinatanya ko ang usapan. Hanggaʼt maaari ay ayoko magbitiw ng salita na maaaring makagulo sa maganda naming ugnayan lahat.

The Furious Fire (Variejo Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon