Prologue

11 0 0
                                    

Prologue

*3rd Person Point of View*




Napasigaw si Riva sa likod ng isang Gusali nang masundan siya ng mga lalaking nasa edad lang halos ni Leo.Halos tinakbo niya ang building nila hanggang sa building nila Leo ngunit nasundan nanaman siya ng mga lalaking ito.



Bakit nga ba siya hinahabol ng mga lalaking ito?Wala naman siyang ginawa—


"Sira ata ang ulo mong bata ka!Bakit mo sinabuyan ng sauce si Joana?!"




Nanlaki ang mga mata ni Riva.




"H-hindi ako yon!" agad niyang tanggi sa nauutal niyang boses.




"Sinungaling!" sigaw ng isa sa mga lalaki.





"Anong nangyayari dito?" isang matigas na boses ang namayani dahilan upang mangampante si Riva.



"Leo!" sigaw nilang lahat, kasama na si Riva.




Tumakbo palapit si Riva kay Leo at saka nag tago sa likod nito.




"Anong meron?" matigas pa sa bato ang boses ni Leo at tila naninigas na sa sobrang lamig.




"Eh pare, 'yang si Riva, tinapunan daw ng sauce si Joana—"




"H-hindi!Siya yon!Tinapunan niya yung sarili niya ng sauce—"




"Bakit ka naman tumakbo kung hindi ikaw ang may gawa?" agad na putol ng kasamahan ng mga lalaki.






"Dahil hinahabol niyo ko!" matapang na sabi ni Riva habang nakanguso at nakangunyabit kay Leo.






"Ang gara—"






"Nakita niyo bang siya ang may gawa kung ganon?"





Napawi ang kaba ni Riva nang mag-salita si Leo.Natigil ang grupo ng mga lalaki at napakamot sa ulo.





Nang lumingon si Leo kay Riva ay agad itong napa ayos ng tayo.





"Bumalik ka na sa building niyo.Hindi ba't may klase kayo ngayon?" seryoso ang boses niya na nagpatigil kay Riva.





"O-oo nga.Pero pinuntahan kita sa building niyo.Wala ka, itatanong ko lang sana kung pwede akong sumabay sa inyo ni kuya Caloy dahil wala si Daddy para sunduin ako." pagsisinungaling ni Riva.




Kinumbinsi niya ang ama niya na huwag siyang sunduin dahil nais niyang sumabay at makasama si Leo.




"Right.Fine.Bumalik ka na sa klase niyo." sang-ayon naman ni Leo at saka bumalik ang tingin sa mga lalaki. "Sundan niyo ko sa library." ani nito sa kanila.




Na alerto naman si Riva at saka bumaling sa mga lalaki.Nilabas niya ang kaniyang dila upang asarin ang mga ito ngunit tumalikod nang humarap si Leo.










"Sira ulo mo Riva!Bakit mo 'yon ginawa?!"






Napangisi si Riva sa naging reaksyon ng kaibigan niya.







"Ayos lang, Dara.Hindi naman kasi naniwala si Leo." ngumisi siya at saka naglabas ng papel.






"At paano naman kung may patunay na ginawa mo nga 'yon kay ate Joana?Anong mangyayari sa tiwala ni kuya Leo sayo, aber?At saka, Riva, senior natin si kuya Leo, second year highschool palang tayo, thirteen ka at seventeen na siya.Hindi kayo puwede!"








We Got Married!Where stories live. Discover now