Jiro's Pov
Hindi maganda ang mangyayari, expected ko na iyon, alam kong kakarmahin ako sa mga ginagawa ko, lalo na ang nagawa ko kay Cassie.
"Nagpunta ako dito hindi para kay Renee" -blue
Ang kapal naman ng mukha neto para sabihin iyon sa harap namin, hindi lang ako makapagsalita dahil malaki ang naging kasalanan ko sa kanya at sa ate niya.
"Then why are you here?" -Taf
"I'm here for Jiro's responsibilities" napaigtad ako at napatayo sa kinauupuan ko nang marinig ko ang pangalan ko
"Anong kailangan mo saken Blue?" lumapit ako sa kanya.
"May anak kayo ni Ate Cassie" what?!
"Anong pinagsasabi mo?! Matagal kayong nawala dito tapos iyan ang ibubungad mo saken?"
"Do you really thought na guguluhin ko pa kayo dito kung alam kong hindi ikaw ang ama? She was pregnant nung araw na umalis kami dito!" nagtaas siya ng boses, halatang inis sakin.
"What? How was that possible? Nagpakalayo kayo tapos pagbalik niyo dito ganyan sasabihin niyo samin? Paano naman kayo nakakasiguro na kay Jiro yan?" salamat renee pero.. feeling ko di ko deserve na ipagtanggol pa.
Alam ko naman na kasalanan ko din, ilang beses na kami nagsisiping ni Cassie, at di malabong mabuntis siya dahil di naman din ako gumagamit ng proteksyon.
"Wala naman naging ibang lalaki si Ate Cassie kundi yang kaibigan mo, second of all, ano ba tingin mo sa mga kaibigan mo? Santo? Eh sinira nga nila yung buhay ng Ate ko" Di ako makapagsalita, may kutob na din ako na totoo sinasabi niya.
"Pa DNA natin yung bata kung totoo mga sinasabi niyo. Pwede ka nang umalis!" Aalis na sana si Renee pero hinila siya ni Blue.
"Ano ba sa tingin mo sinasabi ko? Nagsisinungaling ako?"
Renee's Pov
Binitiwan ko yung pagkakahawak niya sakin at pinagpag ko yung suot ko.
"Bakit sa tingin mo maniniwala pa ako sayo?sirang sira na tiwala ko sayo. Layas!" sabay turo ko sa pintuan namin.
"Bakit parang kasalanan ko pa? Bakit hindi itong mga kaibigan mo sisihin mo? Sila sumira sa Ate ko! Sila sumira sa pangarap nat—." Sinampal ko si Blue ng malakas
"Wala kang karapatan para pagsalitaan ang mga kaibigan ko, wala kang karapatan para magsalita ng kahit ano sa mga tao dito, pamamahay ko to Blue at kung kinakailangan ipakaladkad kita sa kanila, wala kang magagawa! Naiintindihan mo?!" Pasigaw na sabi ko sa kanya, gigil na gigil na talaga ako.
Lumapit naman sakin si Starr at hinila ako palayo.
"Kaya naman pala kampante ka kasi bumalik na yung bituin mo, kayo na magtuloy nung wedding natin" nginisian niya pa ako, nangiinis ba talaga to?
"Gago ka ba?! Ikaw sumira sa atin! Ikaw ang nawala! Lumayas ka kung ayaw mong ikaw ang kauna unahang dahilan kung bakit ako nakakulong, don't fucking test my patience Blue" nakakuyom na ang mga kamao ko at ready na ko manuntok any minute now.
Umalis na siya ng tuluyan, ako naman pinainom nila ng tubig at pilit na pinapakalma, this is my dark side, lalo pag galit na galit ako.
"Pasensya na Renee... nadamay ka nanaman" -jiro
"You have to take the responsibility Jiro" -taf
Nagtalo pa silang dalawa pero lumayo sila at nagpuntang garden para privacy, bumalik na din sina Mama at Tito zac sa dining area para magligpit, binalak namin ni Starr na tulungan sila magligpit pero nag-insist sila na huwag na at magpahinga nalang ako sa kwarto.
BINABASA MO ANG
Who Am I? (On Going)
Teen FictionA girl who lives in lies, how will she know the truth? Would anyone will tell her? Or she could figured it out herself? How can she escape? Or will she? What if she doesn't?