Chapter 54

0 0 0
                                    

Chapter 54 Ending should be serve happily

Nakababa na ako ng taxi na ang driver ay isang pulis. May binigay siya sa aking baril just in case.

Naka suot na rin ako ng bulletproof.
Hawak hawak ang cellphone ko ay inilibot ko ang paningin ko.

I also brought the brown envelope.

Pansin ko agad ang ilang sniper na naka abang.

Tumunog ang cellphone ko kaya agad ko itong tinignan at binasa.

09*********

You know Kyle right? Sumakay ka sa minaniho niyang sasakyan he will lead you the right way.

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa kaba. Bigla akong nabalisa and the moment I looked straight I saw a black car. The car that used to be our service.

Funny how time changes so fast.

Papalapit siya ng papalapit sa akin at sakto namang huminto ang sasakyan sa harap ko.

I was shaking when I opened the car’s door.

Sa likod ako pumwesto. Aside sa natatakot ako sa kanya ay ayoko rin talaga siyang makatabi.

I don't know him anymore. Wait, I don't know him literally.

Hindi ako nagsasalita at ramdam ko na ang luha ko. The plan was gone wrong.

Hindi ito ang tamang meeting place. May pupuntahan pa kami.

Narinig ko siyang tumikhim. Nagtama ang mga mata namin sa rare view mirror.

“Give me your phone” Biglang sabi niya. The cool Kyle has gone. Nakakatakot na siya.

I was literally shaking out of nervous when I handed him my phone.

Hindi ako nagsalita. As much as I can I will avoid making conversation with him.

“Anong ginagawa mo?” Nagtataka kong tanong ng makita kong ginagalaw niya ang cellphone ko.

“I turned the GPS off” Sambit niya but what he did is opposite. Kumunot ang noo ko sa ginawa niya.

He was texting the police. What is he doing?

“Your mak—

“Malapit na kami” Biglang sabi niya sabay hawak sa isang earpiece sa kanyang tenga. Connected ang usapan namin sa mga Dela Torre.

I shouldn't make any moves that can put our lives in risk.

Si Kyle. Tinutulungan niya kami pero bakit? Guilty siya sa ginawa niya?

“Turning west” Sabi niya ulit sa kausap.

Napatingin lang ako sa paligid at wala na akong makitang mga sasakyan. Wala nang taong dumadaan.

Dumaan kami sa malawak na daan na obvious na walang dumadaang mga sasakyan.

After 15 minutes ng byahe ay huminto kami sa isang napakalaking building na hindi na halos makilala dah sa mga sunog na part.

“Naghihintay sila sayo” Sambit ni Kyle sa akin. Napalingon ako sa likod ko at inilibot ko ang paningin ko. I noticed Tito Jayson. Nakasunod siya.

Tumango ako at pumasok na sa loob.

Pansin ko ang pagtingin sa akin ni Kyle. I understand na hindi siya pwedeng magsalita dahil maririnig ito ng mga kalaban.

His face look worried at me. He held my hand kaya napatingin ako sa kanya.

Mary Madison (UNDER EDITING)Where stories live. Discover now