[1] WEIRDOS

345 15 0
                                    

We met the mighty Draco Srigarda. Kinatatakutan pala siya sa AH kaya tumahimik ang cafeteria kanina. I wonder why? Dahil brutal ito? Pero law student ito. Hindi ba ito naturuan ng good manners at right conduct? May abogado bang mahilig mangbasag ng buto sa katawan? Napaismid ako.

Nasa klase na sila Yael, Faugh, Felix at Boa. Hinatid ko pa sila dahil kanina no'ng kaharap nila ang kanilang pinsan na si Draco ay tila nawalan ng kulay ang mukha nila. Masyadong emotionless.

Nakaalis na si Draco kasama ang mga alipores niya. Tinignan ko ang magkakapatid. Gano'n parin ang kanilang itsura. Gano'n din sila Felix at Boa. Tensyonado parin. Pinitik ko ang mga noo nila kaya napatingin ito sa akin habang hawak ang kanilang mga noo.

"It hurts," Inis na sabi ni Faughn.

"Bakit mo 'yon ginawa?" Tanong ni Felix.

Nanahimik sila Boa at Yael. Nagsalita ako. "Akala ko ba hindi kayo takot kay Draco?"

"Hindi naman talaga," Faughn nonchalantly said.

"Para kang aso na sumunod sa utos ng amo mo, Faughn. Huwag ako." Sabi ko. Namula naman ang kanyang tenga. Nahihiya ito.

"He is like that everytime we met, Ate Addie." Sabi ni Yael at niyakap ako. Aw, he is scared.

"Chuma-chansing kana kay Addison, Yael!" Sabi ni Boa at tumayo.

Hinala naman siya paupo ni Felix. "Tanga, hayaan mo na si Yael. Una silang nagkakilala kaysa sa'yo."

Parang batang sumunod si Boa sa sinabi ni Felix at umupo. Nakacross ang kanyang braso sa kanyang dibdib. Tumawa ako. Nilaro-laro ko ang buhok ni Yael. Gusto niya ang ginagawa ko sa buhok niya kasi umaakto itong parang bata kapag ginagawa ko ito.

Tinignan ko ang relo ko. "Malapit na magtime, tara hatid ko na kayo sa building niyo."

"No thanks, hindi na kami bata." Sagot ni Faughn.

"Sige!" Masayang sabi ni Boa. Tumawa si felix sa sinabi niya.

"Sige Ate Addie." Sagot ni Yael.

Kinuha ko na ang bag ko at naglakad kasama ang apat. Bumalik ulit ang bulungan na hindi naman bulong! Mga chismoso at chismosa. O ang right term ay mga ma-issue.

'Tignan mo, kasama niya na ang DX.'

'Narinig kong tinawag siya ni Yael ng Ate.'

'Hindi naman sila magkapatid! Sa looks palang, malayo na!'

'Dude, that chick is pretty.'

'She's cool asf.'

'Ang gwapo ni Felix!'

'Boaa~'

Gosh, this girls are smitten by them.

Medyo malayo ang SHS building. Kaya puro bulungan ang naririnig namin. Nang makarating kami ay niyakap muna ako ni Yael at ginulo ko naman ang kanyang buhok.

"Mamaya nalang, Ate Addie!" Masayang sabi ni Yael.

"Bye, salamat." Sabi ni Faughn.

"Salamat sa paghatid, Addie." Sabi ni Felix.

"Ang bait mo talaga, Addison. Salamat." Sabi ni Boa na akmang yayakapin ko ng hilahin siya ni Felix.

"Parang tanga, male-late na si Addie."

At tuluyan ng nakapasok ang apat. Natawa ako. Tumalikod na ako at sinimulan ng maglakad pabalik sa engineering department. May 30 minutes pa naman ako bago ang klase.

POSSESSIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon