Chapter 10.💖

61 3 0
                                    

VINA POV.

Habang kuma kain, na a awkwardan ako sa dalawa.. kasi naman, habang kuma kain sila sakin sila naka tingin. At ang malala pa, nasa magkabilang side kolang sila, at kaharap namin sila Darren at Winston.

Nag patuloy lang ako sa pag kain at pilit na wag silang pansinin.. wag mo silang pansinin Vina, baka mainis kalang eh.. nag chi-chill nanga ako.

Subo, naka tingin parin, uminom naka tingin parin, subo naka tingin parin. napa higpit nalang ang kapit ko sa kutsara't tinidor ko..

" Guys.. Sabihin nyonga, may dume ba ang muka ko?." Timping tanong ko. naka tingin lang sina Darren at Winston sakin.

" Wala." Si Ej..

" Eh bat kayo naka titig sakin? Di tuloy ako makakain ng ayos, ano bang problema nyong dalawa ah!?." Tanong ko.

" Wala naman, Vina date tayo." Sabi ni Kevin. kaya nagulat ang dalawa, except kay Ej.

" No! Lalabas kami diba Vina? Napag kasunduan na natin yon?." Sabi ni Ej. Takang tiningnan ko naman sya..

" Huh? Pinag sasabi mo?."

" Oh.. so sakin sya sasama." Sabi ni Kevin..

" At sinong may sabi na sasama ako sayo para makipag date? Asa ka." Sabi ko, nag tawanan naman ang tatlo.

Napa simangot nalang si Kevin. At pilit parin akong kinukulit, pero I always answer is No.. besides, marami pang mas magagandang babae dyan na pedi nyang hatakin para i date..

" Please Vina.."

" Kevin.. wag pilitin ang ayaw."

" Psh.."

Ng matapos naman kaming kumain nag si alis narin kami sa cafeteria, sila Darren at Winston nag iba ng daan. habang tong dalawa kasama ko..

" Vina.. labas naman tayo, matagal narin simula ng lumabas tayong dalawa." Sabi nya..

" Huh? Eh kasi.. tina tamad ako mag gala ngayon eh, kung gusto mo. Si Kevin nalang tutal parehas naman kayong gustong lumabas, para naman mag kaayos na kayo, mag Bonding kayo together diba?." Ngiting Sabi ko.

" Yuck!." Nandidiring Sabi ni Ej.

" Hoy anong Yuck kadyan? Arte mo bro, kala mo naman gusto din kitang makasama, asa nalang." Naka cross arm na sabi ni Kevin..

" Ej.. may number kaba ni Tenchi?." Tanong ko, tumigil kami sa pag lalakad.

" Bakit?."

" Gusto kolang kasi syang kamustahin, tyaka miss kona sya eh.." Tumango naman si Ej at kinuha ang Cp nya..

" Oh.." Abot nya sakin ng phone, lumayo muna ako at inintay na sagutin ni tenchi ang call.

Pero nadismaya ako ng di nya sagutin, tinawagan ko ulit sya at nag ring lang pero di parin sinagot.. nakaka 20 missed call nako pero di parin nya sinasagot..

Ubos na pasensya ko, tinadtad kosya ng call, hanggang umabot ng 51, gusto konang ibato ang phone ni Ej sa sobrang inis, ano bang ginagawa ng ugok nayon ngayon?

Tinawagan ko ulit sya.. at halos sumabog nako na parang bulkan ng sagutin nya.

Calling to Tenchi..

Fr: Ano ba!? Bat ba tawag ka ng tawag!? May meeting kami eh!.

To: SORRY HU! HINDI KO ALAM EH!

Sigaw ko sa sobrang inis, di naman sya naka sagot agad sa kabilang linya, gusto kolang naman syang kausapin kasi miss na miss kona ang bestfriend ko.

The Handsome and famous guy, fall in love to the Ugly fat girl.Where stories live. Discover now