VINA POV.
Ng matapos kami kumain, bumili muna kami ng Cotton candy, ang galing nga eh, may mga hugis.
Rose yung binili ni Kevin, medyo malaki syang rose na Cotton candy, at mukang masarap.
" Here Vina.. Flower's for you." Ngiting Sabi nya, di ko naman mapigilan na di mapa ngiti at ng kunin ko ang Cotton candy, kumindat pasya.
May parang fire works na sumabog sa loob ko, sumabog ng kilig, at naka ngiti lang ako sa kanya.. at alam kong nag ba-blush din ako dahil nararamdaman ko ang init ng muka ko.
" Ayiieee kilig much!." Asar nya kaya mas namula ako at nag iwas ng tingin sa kanya habang nakangiti, hindi ko alam basta kusa nalang akong napapangiti kahit ayaw ko.
" P-psh.. saan na ba tayo sasakay? Aabutin tayo ng gabi kung lahat sasakyan natin, masyado kasing marami." Pag iiba ko ng topic. napa ngiti naman sya at tinuro ang wheel of fate.
" Yun na ang huling sasakyan natin, 5 na kasi eh. 6 pm may pupuntahan pa tayo." Ngiting sabi nya.. tumango nalang ako ng naka ngiti.
Pumila na kami at bumili ng ticket, sumakay na kami, mag katabi kaming dalawa, mas ok nayon kesa mag kaharap kami at titigan nanaman nya ako.
Nag simula ng umandar, mag kakapit lang ang kamay ko, napa tingin naman ako sa kamay nya na nasa hita nya, at naka tingin lang sya sa labas.
Ok.. aaminin kona, ayoko talaga ng kina kapitan ako, pero weird.. pag kina kapitan ako ni Kevin sa pulso ko bumibilis ang tibok ng puso ko at parang ayoko ng tanggalin ang kamay nya.
Minsan gusto kona rin syang kapitan, pero.. pinipigilan ko ang sarili ko baka kasi kung ano pa ang sabihin nya.
" Vina." Bahagya naman akong nagulat sa biglaang pag salita nya at tiningnan kosya.
" B-bakit?." Nauutal na sabi ko, Vina umayos ka, wag kang mautal.
" Liligawan kita." Sabi nya, hindi naman ako naka pag salita sa sinabi nya, at ilang beses kobang sasabihin na ayaw ko? Hinde pede?
" Vina please.. hayaan mong ipakita ko sayo, maniwala kaman o sa hindi.. mahal kita." Sabi nya.
Naka tingin lang ako sa kanya at di nag sasalita, ang bilis ng tibok ng puso ko..
" Vina.." Tawag nya, napa tungo nalang ako.
" Kevin.. iba nalang." Sabi ko.
" Totoo ang sinabi ko."
" Totoo man o hinde.. ayoko parin, hindi panga ako nakakamove on sa ex ko eh.."
" Edi hayaan mong tulungan kita mag move on." Sabi nya, napa tingin naman ako sa kanya.
" Hyys.. Ke___."
" Ayaw mo man o sa hinde.. liligawan kita." Sabi nya, napa buntong hininga nalang ako.
" Kevin, di kita mahal, aasa kalang.. masasaktan pag di kita sinagot, masasayang ang lahat." Sabi ko.. ngumiti naman sya ng pilit. kita ko sa mata nya ang lungkot.
" Ok lang, susubukan ko.. pero hayaan moko." Sabi nya..
" Sige.. ikaw bahala wag mokong sisisihin." Sabi ko, bigla naman syang napa ngiti ng malapad.
" TALAGA!? IBIG SABIHIN PEDE NA KITANG LIGAWA!!??." Sigaw nya. Grabe kabasag ng eardrum.
" Ikaw narin ang nag sabi, ayaw koman o sa gusto ko, liligawan moko." Sabi ko, nagulat naman ako ng yakapin nya ako ng mahigpit..
" Thank you Vina.." Sabi nya, mabilis ko naman syang nilayo at napa sandal nalang sya, hinde.. baka maramdaman nya na mabilis ang tibok ng puso ko..
" Bakit?."
YOU ARE READING
The Handsome and famous guy, fall in love to the Ugly fat girl.
Fiksi PenggemarIsang High school student, nakakilala ng mayaman at sikat na lalaki sa campus nila.. nag ka crush ang babae sa sikat at pinag kakaguluhan ng mga babae, pero unexpected lagi syang nilalapitan ng lalaki.. hanggang sa dumating na gusto ng manligaw ng l...