PROLOGUE
Paano kung mabigla ka nalang paglabas mo ng bahay para lang magtapon ng basura ay makakita ka ng umiiyak na sanggol sa tapat ng bahay niyo?
Oo, mismong tapat ng gate ng bahay niyo.
Walang ibang tao kun'di ikaw at ang sanggol na nakalagay sa pulang basket.
Ano ang gagawin mo?
Kukuhanin ang sanggol?
o
Tatakbo?
Ano ang sagot ko?
Tumakbo.
Tumakbo ako pabalik sa apartment ko, hindi ko na nga naitapon ang dala kong garbage bag dahil sa sobrang takot.
Sobrang takot na baka....
na baka tiyanak yung sanggol na iyon at patayin ako.
Whaaa! Takot ako sa mga lamang-lupa o elemento!
Pero...
bumalik ako.
Bumalik ako sa labas ng apartment para balikan ang sanggol dahil nakarinig ako ng mahihinang patak ng tubig mula sa kalangitan.
Umaambon.
Umiiyak ang sanggol.
Nilamon ako ng awa dahil yung sanggol...
mauulanan.
Maaaring magkasakit.
Maaaring mamatay dahil sa lamig tapos sanggol pa siya na walang kamuwang-muwang.
Ako? Makokonsensya...
Makokonsenya dahil hindi ko man lang siya tinulungan.
Pagbukas ko ng gate. Yung sanggol...
Kinuha ko yung sanggol kasama ang basket na pinaghihigaan niya.
Tinago ko muna yung takot ko na baka isa siyang tiyanak at patayin ako sa gitna ng papaliwanag na umaga at sa lumalakas na ulan.
At noong oras na pinairal ko ang awa ko at kinuha ang sanggol at ipinasok sa bahay.
Doon...
Doon nag bago ang buhay ko.

YOU ARE READING
Baby Series #1: Cooler
RomanceSa edad na labing-limang taong gulang ay tuluyan ng naulilang lubos si Czarina Sandoval nang pumanaw ang kaniyang Ina dahil sa isang malubhang karamdaman. Napunta siya sa poder ng kaniyang Tiyahin kung saan siya nakaranas ng pagmamaltrato. Nang tumu...