Chapter 25: Third Wheel

9 4 0
                                    

Kael's POV

"Kael, kanino sasabay si Xhia pauwi?" tanong ni Jersel saken pagkatapos ng lahat ng klase namin.

"Kay kuya ata."

"Ha? Nagtext saken si Ijan sabi nya magkasama na daw ngayon si Anj tsaka si Chael. Kaya panong isasabay nya si Xhia?" singit samin ni Ate Isa.

"Weyt tawagan ko sya." sabi ko sa dalawa, intayin nalang daw nila ko.

Calling Xhia....

"Babe?" tawag ko.

[Bakit?] para syang nag-aalala.

"Kanino ka sasabay pauwi?

[Wala na si Kuya kaya di ko alam. Weyt nagtext saken si Josh, sa kanya daw ako binilin ni Kuya tas ikaw kay Zild.]

"Ah okay. Ingat ka nalang, kita nalang tayo sa bahay. Bye."

[Ghe ikaw den.]

Lumapit na ko kina Ate Isa at Jersel para masabi na yung desisyon ni Kuya saming dalawa.

"Anong sabi?" bungad agad ni Jersel.

"Sainyo daw sabi ni Kuys. Ingatan mo yun ha." pagbibiro ko pa. Tumawa lang sya.

Napatingin kaming dalawa kay Ate Isa na parang stress na stress habang nakatingin sa selpon nya. Nang mapatingin sya samin ay gumaan ang tingin nya.

"Kael, nasa baba na daw si Zild, halika puntahan na natin. Sabay ka na rin Jersel." hinawakan nya kaming dalawa ni Jersel sa magkabilang braso para makasabay nya.

Nagkatinginan kami ni Jersel dahil sa inaakto ni Ate Isa, pero sabay din kaming nag-iwasan nang tignan kami nung nasa gitna. Pagdating namin sa baba ay lumiko na agad si Jersel dahil nakita na nya sina Ua at Xhia, kami nmang dalawa ni Ate ay dumaretsyo sa kulay gray na kotse.

"Finally." sabi ni Ijan pagkapasok namin.

"Makafinally naman to. Matagal ka bang nag-antay?" pambabara ko pa.

Habang nasa byahe kami ay hindi talaga sila nag-uusap dalawa. Ako nahihirapan sa ginagawa nila ih.

"Magkaaway ba kayo?"

"Ha? Ofcourse not." sabay pa nilang sagot.

"Sige, sabi nyo eh. Kunwari maniniwala ako."

Sa totoo lang, ayoko nento ih, kahit sabihin na libre lahat na kakainin ko. Ako magiging third wheel? Ni hindi nga ako sumasama sa date nila Kuya tapos napapayag ako ng dalawang to.

Huminto kami sa isang street food stools. Oo stools kasi maraming pagpipiliian dito na mga street foods, buti nalang dito sila pumunta. Mukang mag-eenjoy ako kahit pangthird wheel ako.

"Ano ba kasing away nyong dalawa ha? Bahala kayo hindi tayo mag-eenjoy sa gala natin." pangongonsensya ko pa.

"Hindi naman kami magkaaway Kael." sabi saken ni Ate Isa.

"Oh, hindi halata."

Hindi halata kasi sobrang halata. Hindi daw sila magkaaway pero magtabi nalang hindi pa nila magawa. Akala ko pa naman makakapagrelax ako sa galang to, hindi pala kasi maiistress ako sa magjowang to.

"Just eat what you want Kael. Don't mind us."

"Eh pano nga ko makakakain ng maayos kung alam kong magkaaway kayo ha? Gala to diba, hindi tampuhan."

"Ganto kasi yun Kael...." sa wakas magsasalita na rin si Ate Isa. Napabutong hininga nalang si Ijan.

So ayun nga, kaya naman nag-away sila ay dahil hindi agad ako pinagtanggol ni Ijan kahit alam pala nyang may balak na yung mga babae kanina na bulihin ako. Sinamaan ko tuloy ng tingin yung bespren ko. Walang nagawa si Ijan kung hindi magsorry saming dalawa ni Ate Isa, hindi naman sya natiis nitong isa kaya nagkabati na sila. Kulang nalang ay masuka ako sa nakikita ko sa harap ko.

"Sanaol nalang sainyo. Sa susunod, hindi na ko sasama sa mga gala nyo kapag tayong tatlo lang. Hindi porket ililibre nyo eh may karapatan na rin kayong gantuhin ako." pagkatapos kong sabihin lahat ng hihinakit ko sa kanilang dalawa ay tinawanan lang nila ko. Nandila pa ang magaling kong bespren, inambahan ko lang sya ng suntok.

"Bakit kasi hindi mo pa sagutin si Luke? Diba nanliligaw yun sayo?"

"I don't see that coming pangga. Si Kael sasagutin si Uke agad, no way."

"Pero bakit? Bagay naman kayo ah. Mabait tsaka mukang mahal na mahal ka nman ni Luke." nagsad face pa si Ate.

"Hindi naman kasi sapat yun Ate. Bakit nung nakita at nalaman mo bang nililigawan ka nitong si Zild alam mo na agad na sasagutin mo sya?"

"Hindi. Sa lahat nga nang nangliligaw saken sya ang hindi ko akalain na sasagutin ko eh."

Nagulat kami sa sa sinagot ni Ate Isa. Napabitaw pa nga si Zild sa holding hands nila at napatitig dito. Hindi ko na napigilan at napatawa na ko ng malakas.

Parang ngayon lang nagsink in kay Ate Isa yung sinabi nya dahil napatingin na din sya kay Ijan, gulat na gulat.

"Kasi sobrang sungit at suplado mo pa nun kaya di ko akalain na iintayin mo talagang sagutin kita, akala ko hihinto ka na nun. Hihihi...sorry na pangga."

"Dapat binasted mo nalang kasi yan Ate." sabi ko habang nagpipigil ng tawa dahil anytime ay sasabog na ng tuluyan si Ijan.

"Okay lang pangga. Ang importante ay ako yung sinagot mo. And you Kael, sana mapagod sayo si Uke para hindi ka na magkaboyfriend."

Nagpatuloy kami sa pag-iikot dito sa lugar na to para bumili pa nang mga pagkain. Meron pang mga pagkakataon na kapag tumigil kami sa isang lamesa para kumain ay inaasar naming dalawa ni Ate Isa si Ijan, ang daya lang kasi kapag si Ate Isa ung nang -aasar sa kanya okay lang pero pag ako, inaasar pa nya ko pabalik.

"Lagi ba kayo dito pumupunta kapag nagdedate kayo?" tanong ko nang maiwan kaming dalawa dahil nagCR si Ate.

"Isa can be happy even in this, it's simple how to make her happy. I never regret loving her but to answer your question, yes we date here.Because we love being here."

"Sana lahat ng babae katulad nya no? Yung madali lang paligayahin, hindi mo kailangan gumastos ng malaki para lang maging masaya sya." basta nalang yun lumabas sa bibig ko. Tumango-tango lang sya.

Kung makapag-usap kami parang hindi ako babae dahil ako pa mismo ang humihiling na sana ganun lahat ng babae. Hindi maarte at kayang dalhin kung saan-saan lang para maidate.

"You and Isa is so simple. Parehas kayo na kahit sa maliliit na bagay lang masaya na, ang pinagkaiba nyo lang ay si Isa nagiging totoo sya sa nararamdaman nya, like kung nasasaktan sya, nasasaktan talaga sya. Pero ikaw kahit nasasaktan ka na nagagawa mo pa ring itago. That was you good at, in pretending and hiding your true feelings."

"Alam mo minsan ayaw na kitang maging bestfriend, kasi masyado mo na kong kilala to the point na gusto na kitang ipatumba. Andami mo na kasing nalalaman ih."

Nagtawanan lang kami pagkatapos mag-asaran kaya pagkabalik ni Ate Isa ay nagtataka sya kung bakit tawa kami nang tawa.

Kasabay ng pagbalik ni Ate Isa ay ang pagbalik ng hinanakit ko sa kanilang dalawa dahil patuloy nila kong iniinggit sa lovelife nila. Well hindi naman sa wala akong lovelife, actually meron naman pero hindi pa ganyan, tsaka hindi rin ganyan yung iniimagine kung sakaling maging kami nga. Ang iniimagine ko kasi ay parang magtropa lang kami, walang sweet sweet na katulad sa kanila. Baka nga yung bonding namin ay suntukan nalang ih.

"Did you enjoy being with us?" tanong ni Ijan habang nanunuod kami ng sunset.

"Oum. Pero mas nakakaenjoy panoorin yung sunset kesa sainyo."

To be honest, nakakainggit yung relasyon nilang dalawa dahil parehas silang mature at maswerte sa isa't isa pero alam kong mas maswerte yung lovelife ko.

****************

Please Vote, comment and share poooo...salamatchhhhh sa mga nagbabasa.

Gangster And Nerd SiblingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon