Chapter 3 : Savani's Remarks
"Sana ay ligtas kayong makabalik," Iyon ang huling salitang binitawan ng ama ni Yelsey matapos nito kaming ihatid sa gate ng kanilang kastilyo upang umalis na papunta sa gubat ng lugar.
The whole family member of the Ivory was with the head to send us off to the forest. Unfortunately, they cannot go since the house is pretty busy. Kagabi ay plano rin ni Yelsey na sumama upang mag-hanap ng mga hayop ngunit natigil siya ngayong umaga dahil kailangan ng tulong ng kaniyang ina para ihanda ang tutuluyan na lugar ng mga hayop.
Their family sent us off. Ipinag handa kami ng mga ito ng komportableng kasuotan para sa malamig na klima. May mga paalala rin sila na sinabi sa amin upang maiwasan ang ano man na aksidente.
Suot suot ang winter coat na mula sa Ivory, humayon na kami patungo sa kagubatan upang mag-hanap ng mga hayop. May ilang Ivorian Vampires na nakasunod sa amin bukod sa Azurian dahil sa utos ni Tito Fenell. Habang kami ay nasa daan, kapansin-pansin ang nyebe na hindi pa rin tumitigil sa pag-patak.
Mayroon din kaming mga kulungan na dala upang doon pansamantala na ikulong ang mga hayop na aming makikita dahil hindi naman namin ito maaaring hulihin ng walang ibang dala.
Tahimik lamang akong nag-lalakad patungo sa kagubatan. Hindi kami dumaan sa kabahayan dahil makaka-agaw lamang kami ng atensyon ng mga mamamayan sa village. Ayaw naman namin na mangyari iyon dahil hanggang sa maaari ay mas nakakabuti na tahimik naming maisatupad ang kasunduan na ito.
Bukod sa hindi gaano mag-kakasundo ang apat na namumuno sa buong vampire region, malamang sa malamang ay nasusundan iyon ng mga bampira na nasa pangangalaga ng mga bahay. The silent war between the four household seemed to affect the vampires in our factor to have a hatred against each of us. Some Ivorian Vampires hates us and they will surely won't stay still if the news of the Ivory, asking help from us managed to leak out.
"Asra!"
Nagulat ako ng mayroong tumapik sa aking balikat. Nang lingunin ko iyon, tumambad sa akin si Darwin na tila nag-aalala. Kumunot ang aking noo, nag-tataka dahil sa kaniyang reaksyon.
"What is it?" I asked.
"Kanina pa kitang tinatawag. Anong problema?" Tanong nito sa akin, lumingon ako sa paligid upang tignan kung ano na ang nangyayari.
Ang mga kasamahan namin ay umalis na upang manghuli ng mga hayop. Nasa loob na kami ng kagubatan. Si Savani ay hindi ko na rin makita, kaming dalawa na lamang ni Darwin ang naiiwan. Marahil iyon ang dahilan kung bakit siya tila nag-aalala.
Ipinilig ko ang aking ulo upang alisin ang mga gumugulo sa aking isipan. Bumuntong hininga ako.
"I'm sorry. I spaced out."
"Anong problema? Mukhang hindi ka rin nakatulog ng maayos." Tanong niya sa akin.
Marahas akong bumuntong hininga. It's all because of the conversation Savani and I had last night. Her words kept me up 'til midnight. Patuloy na umuulit ang kaniyang mga salita sa aking isipan, nag-hahanap ng rason.
"Wala ito. Hindi lang ako nakatulog ng maayos dahil sa klima." Pag-dadahilan ko upang isipin ni Darwin na hindi lamang ako sanay sa biglang lamig ng klima dito sa hilaga kaya ako puyat.
"Sige. Mag-hahanap na rin ako ng mga hayop." Aniya.
"What are you guys slacking off? Hurry and do your jobs!" Hindi na namin napansin na muli na palang nakabalik si Savani mula sa gubat kaya pinagalitan nito kami.
Mayroon siyang hawak hawak na usa sa kaniyang kamay at ipinasok iyon sa kulungan na aming dala-dala. May nahuli na pala siya.
"Alright," I nodded before running off the woods to find animals too.
YOU ARE READING
Viridescent Blood
VampiriAs the peace on the Vampire Region continues after the four family rules the region, in one dark castle, there lies a vampire who lived her life full of hatred. Having her whole family killed when she's still a little, Verena Verde seeks for revenge...