Trigger Warning : Contains emotional and physical abuse. Read at your own risk.
MALAKAS na napahiyaw sa sakit ang isang batang babae, habang sya'y hinahampas ng malaking tubo.Labis na iniinda nito ang sakit na nararamdaman,humagulgol ito sa iyak.
“Iniwan kana ng magulang mo! ayaw na nila sayo dahil isa kang salot,at ang impokrita mong Ina! In the first place,akin naman talaga ang daddy mo pero ang harot ng Ina mo Jaine!inagaw niya sakin si Vicenco.Ako sana ang naging asawa niya, hindi ang nanay mong malandi!”
Isang mestesang babaeng nakatayo sa harapan ng bata,patuloy parin ito sa paghampas.Halos wala ng makita ang paningin ng bata,dahil lumabo ito sa kakaiyak.Nanginginig ang buong katawan,at ang putla nito.Kahit anong pagmakaawa niya, hindi parin sya tinitigilan ng paghampas sakanya.
Hindi na makapagsalita ang bata, patuloy parin itong umiiyak sa takot.
Lakas na napatawa ang babae sakanya,tila parang nagustuhan niyang nahihirapan ang bata.Aliw na aliw ito habang tinitigan,malakas niya itong hinampas sa ulo ng paulit-ulit hanggang sa dumugo nga ito.“I felt so relaxed uh, anyways goodbye Jaine see you in hell sweetie.”
Malakas itong tumawa ng parang isang animoy demonyo.Hanggang sa pumikit na ang mata ng bata at nawalan ng hininga.Tumawa lang ito ng tumawa sa saya. Pakiramdam niya ay tapos na siya sa kanyang misyon ng malupit niyang paghihigante,sapat na sakanya na patayin ang bata.Sa pamamagitan nito,ay gusto niyang magdusa sa kalungkutan ang mag pamilyang Celeste.
“Itapon n'yo na ang bangkay nayan sa isang liblib na lugar, na walang sino man ang makakakita.” Lintayang saad ng babae.
Kaagad naman umaksyon ang mga tauhan niya,ibinalot lang nila ito ng puting tela at isinulod sa isang sako.
Pagkatapos, ay itinapon nila ito sa isang masukal na gubat.Humpay na walang hininga ang bata,lantang-lanta ang katawan nito. Madaming mga pasa ang kanyang natamo,at madaming dugo ang umaagos.
Umabot ng ilang mga buwan,bago nahanap ang katawan ng bata. Nadatnan nila itong hindi na humihinga, agad nilang dinala ito sa ospital.
NAPABALIKWAS akong nagising,nanlamig ang pawis ko.Ang lakas ng tibok ng aking puso,bakit ko ba napaginipan iyon? what a horrific nightmare.
Anong klaseng panaginip iyon?parte ba iyon ng aking nakaraan?bakit hindi ko man lang iyon maalala? ngayon lang ako nanaginip ng masama.Sa pagka-alala ko kanina,ay nahimatay ako at napa higa sa sahig pero ngayon narito na ako sa aking kama.