AIAH'S POV
"Ingat kayo" Bilin pa ni Mikha kay Jhoana at Stacey bago pa sila sumakay sa kotse ni Hunter. "Yes po, kayo rin" Halatang pagod na pagod ng sabi ni Stacey bago sumakay ng kotse ni Jhoana. Bumisina naman muna si Jhoana bago sila tuluyang umalis ni Stacey.
"Pahinga ka agad pag uwi ah" Bilin niya sa akin habang yakap yakap ako, mas hinigpitan ko naman ang yakap ko sa kaniya at siniksik ang mukha ko sa leeg niya. Ang bango bango ng amoy, kainis! sarap kagatin.
"Pagtapos ng flight mo, umuwi ka kaagad sa akin ah" Usap ko sa kaniya, tumango naman siya kaya ako na ang humiwalay sa pagkakayakap niya. Agad naman niyang hinalikan ang noo ko at binuksan na ang pinto ng passenger seat ng kotse ni Sheena. "Ingat kayo, magtratrabaho muna kami ni Mikha" Nakangiting usap ni Colet sa amin ni Sheena habang nasa kanilang pinto rin siya ng sasakyan. "Ingat din kayo, mas malaki imamaneho niyo" Bilin din ni Sheena sa dalawa.
"I love you" Bulong sa akin ni Mikha at mabilis na hinalikan ang labi ko tsaka ngumiti. Napangiti na lang naman din ako "I love you too" Sagot ko.
"Seatbelt, mga binibini" Paalala pa niya bago tuluyan isara ang pinto ng kotse. Bumusina naman muna si Sheena sa dalawang piloto bago tuluyang umalis.
Habang nasa biyahe pauwi ay hindi ko naman maiwasan na hindi huminga ng malalim dahil sa bigat na nararamdaman ko. Rinig ko naman na natawa si Sheena kaya napanguso na lang akong napatingin sa kaniya.
"Hindi naman siguro si Mikha ang dahilan niyang napakalalim na hinga mo no" Natatawa pa rin na sabi niya. "Si Gelo" Sagot ko, gulat naman siyang napatingin sa akin at agad din binalik ang mata sa kalsada. "Ano nanaman meron sa lalaking yon?" Naiinis na tanong niya. Aware ako na ayaw niya kay Gelo kahit noon pang hindi pa kami magkakilala ni Mikha. Nayayabangan kasi siya kay Gelo at hindi rin daw kagandahan ang ugali. Well, medyo true naman, ganon na yata talaga kapag galing sa may kayang pamilya, Well, hindi naman ganon si Mikha at ang mga kaibigan namin. Hindi rin naman kasi nalalayo ugali non ni Gelo sa mommy niya.
"Tinatanong niya ako kung kailan daw ba kami dadalaw sa kanila ron, sinabi niya rin na manliligaw siya kahit na ayaw ko" Kwento ko sa kaniya. "What?! Alam ba ni Mikha yan?" Tanong niya, tumango naman ako bilang sagot. "Yeah, narinig niya, inexplain ko na rin sa kaniya kung bakit hindi ko masabi sabi kay Gelo yung tungkol sa amin dalawa, ayoko kasing pangunahan kami ni Gelo pagdating kay mommy" Usap ko sa kaniya. Napailing na lang naman siya at nag focus na ulit sa pagdadrive.
Pagdating namin sa bahay nila Kuya Akira at Ate Gwen ay sumalubong na sa amin ang kambal at parehas kaming niyakap ni Sheena. "Usap tayong tatlo sa kwarto niyong dalawa ah" Seryosong usap ko sa dalawa, taka naman silang tumango at napatingin kay Sheena na nagtataka na rin. Agad naman akong naglakad papasok ng bahay para puntahan ang mommy ko at sakto naman na papalabas na rin siya kaya naman agad akong tumakbo papalapit sa kaniya para yakapin ito. "I miss you too" Natatawang sabi niya habang yakap yakap pa rin ako. Napangiti na lang din ako at mas hinigpitan lalo ang yakap sa kaniya.
"Hoy tabi, hindi lang ikaw yung anak" Usap sa akin ni Sheena tsaka ako tinulak ng bahagya, natatawa naman akong humiwalay kay mommy. "I miss you too" Natatawang usap ni mommy sa anak anakan niya na mas anak pa niyang ituring kaysa sa akin haha.
"Pasok na tayo sa loob at kanina pa nagugutom yang kambal kakahintay sa inyo" Masayang yaya sa amin ni Mommy at hinawakan ang kamay namin ni Sheena. "Pasalubong hinihintay ng mga yan mommy Amanda, hindi ho kami" Sagot ni Sheena, natawa naman sila mommy habang nakatanggap naman ako ng text galing kay Mikha na magtratrabaho na sila at alam kong ganon din si Sheena dahil napatingin na rin siya sa cellphone niya. Sabay naman kaming napa sad face kaya natawa na lang din kami pareho.
"Ayan napapala niyo kakagala, may mga sarili na kayong mundo" Napapailing ngunit nakangiting sabi ni mommy. Kabado naman kaming napangiti ni Sheena at tahimik na lang na naglakad papuntang dining area.
Pagtapos namin kumain ay sa sala na namin binigay na namin ang mga pasalubong namin sa kanila at gaya ng inaasahan ay tuwang tuwa naman si Mommy habang si Sheena naman ay kanina pang parang bubuyog sa tabi ko kakabulong. "Hindi alam ni mommy Amanda yung pasalubong mo galing talaga sa jowa mong piloto at hindi sayo" Natatawang bulong niya. Tinignan ko naman siya ng masama kaya awtomatiko din naman ng tumikom ang bibig niya.
"Tita Aiah tara na ho sa kwarto namin" Yaya sa akin ni Carter at Cooper habang dala dala ang pasalubong sa kanila ng Tita Mikha nila. Tumango na lang naman ako at nagpaalam na muna kami nila Ate Gwen at Mommy. "Sama ako syempre" Tuwang tuwa usap ni Sheena kaya inirapan ko siya at agad din naman niya akong binatukan. "Arte mo" Natatawang sabi niya kaya natawa na lang din ako. Siraulo talaga.
"Okay, bakit hindi niyo sinabi sa akin na mayroon kayong kilalang piloto ah?" Tanong ko sa kanila, taka naman napatingin sa akin Sheena ng mahiga siya sa higaan ni Carter. "Alam mo na pala?" Natatawang usap pa niya, hindi ko naman siya pinansin at nagfocus na lang sa kambal na kanina pa nakatingin sa isa't isa at hindi alam ang sasabihin.
"Pero tita Aiah, mabait naman po si Tita Mikha, hinahayaan niya nga po kami na laruin namin yung mga airplane po niya sa bahay niya e" Sagot ni Carter.
"Nakikipaglaro pa nga po siya sa amin e tas ang cool po niya sa suot suot niya, sobrang bait niya pa po, pogi pogi pa" Naaamaze na dagdag pa ni Cooper.
"Alam ko, girlfriend ko yon e" Nakangiting sabi ko. Parehas naman kaming natawa ni Sheena sa reaksyon ng kambal. Taka pa silang tumingin sa amin dalawa ni Sheena pero agad din nag seryoso ng magtitigan silang magkapatid."Kailangan natin kausapin si Tita Idol" Seryosong usap ni Cooper sa kapatid, tumango naman ang kambal nito. "Katulad ng pagkausap natin kay Tita Colet" Sagot ng isa pang kambal.
Naupo naman ako sa kama ni Cooper at hinila silang dalawa papalapit sa akin. "Secret lang po natin to ah, huwag na huwag niyo pong sasabihin sa daddy niyo lalong lalo na kay mommy" Usap ko sa kanila, tumango naman sila at ngumiti. "Lagot din po kami kapag nalaman nilang naglalaro kami ng airplane e" Natatawang sabi ni Cooper. "Gusto niyo raw magpiloto sabi ni Tita Mikha?" Tanong ko sa kanila. Tumango naman sila parehas kaya niyakap ko na lang sila parehas.
"Ang cool po kasi Tita Aiah, kayang kaya po nilang magpalipad ng Airplane" Manghang manghang sagot ni Carter.
"Tas makakasakay na po kami ng airplane tsaka makakapunta na po kaming disneyland" Dagdag pa ni Cooper.
"Don't worry, matagal tagal pa naman po yon, magiging pilot din po kayo kagaya ni Tita Colet at Tita Mikha niyo" Nakangiting usap ni Sheena sa dalawa. "At pagtapos ng tita Mikha niyong magdrive ng airplane, pupunta tayo sa bahay niya para makapaglaro kayo ulit ng airplane" Nakangiting usap ko sa kanila. "Miss na raw po niya kayo e" Dagdag ko pa at niyakap silang parehas.
BINABASA MO ANG
We Fell In love in October (MIKHAIAH)
RomancePapano na lamang kung nagtagpo ang dapat na hindi na lang nagtagpo? Papano na lamang kung mahagip ng camera ng isang travel vlogger na si Maraiah Queen Arceta ang pinaka iiwasan ng pamilya nila. Ang mga piloto. Ang piloto na malapit pa sa bestfriend...