Kabanata 06
Okay Na 'Yon
Pampakalma at kasiguruhan. Hindi mawala-wala sa isip ko ang sinabi niyang iyon. I mean, why did he say that? What made him say that? Bakit ang rason niya sa paghawak sa kamay ko ay 'pampakalma'? Medyo naiintindihan ko ang rason niyang ito kasi baka siya naging playboy kasi pampakalma niya ang mga babae, hindi ba? Pero ang pangalawang rason niya, 'kasiguruhan' ay hindi ko maintindihan.
Tinitigan ko siya, "Anong 'kasiguruhan', Heeven? Saan?" tanong ko.
Mas hinigpitan niya ang hawak sa kamay ko bago ako nginisihan, "Kasiguruhan..." tumigil siya at mas lumaki ang ngisi, "...na pwede ko bang hawakan ang kamay mo." sinabayan pa niya ng kindat.
Napakurap-kurap ako ng ilang beses bago ngumuso. Padabog kong binawi ang kamay ko at nabawi ko naman agad.
"Playboy!" singhal ko at tinalikuran na siya.
Gaya ng palaging nangyayari, hindi pa nga ako nakakalayo ay napigilan na niya ako. Wala akong nagawa kun'di ang makipaglabanan ng titig sa kaniya nang makaharap na siya.
"You're really grumpy, 'no?" aniya at ngumisi ulit.
Sinamaan ko siya ng tingin at hinawi ang pagkakahawak niya sa akin, "And what if I am?" taas-kilay kong sambit.
Sumeryoso ang mukha niya, "I-di-date sana kita kaso mukhang palagi akong tiklop sa 'yo kaya 'wag na lang pala. Maghahanap na lang ako ng iba." ngumisi ulit siya.
Napairap ako bago nagkibit-balikat, "Okay. You have my support. Good luck na lang." sambit ko at tuluyan na siyang tinalikuran.
Mabilis lumipas ang mga araw at dumating ang finals ng basketball tournament. Alas-siete pa lang ng umaga ay sinabihan na ako ni kuya na dalian ko na. Wala akong nagawa kun'di ang sundin siya kaya wala pang alas otso ay narating na namin ang gymnasium.
Halos mapuno iyong gym dahil sa dami ng tao. Inilibot ko ang paningin sa paligid bago nagkagat-labi.
"Mr. Gomez, doon na po kayo." salubong sa amin ng isang babae na nakangiti.
Tumango agad si kuya at binalingan ako ng tingin.
"Let's go, baby." aniya at nauna nang maglakad.
Kagaya no'ng semi-finals ay isang mahabang table na may mga monoblock chairs ang inupoan namin. Sampu na ngayon ang mga upuan at ang apat na nasa gilid na lang ang available. May nakaupo na kasing mga seryosong matatanda doon.
Pinaghila ako ng upuan ni kuya kaya nginitian ko siya.
"Oy, Mr. Gomez! Ikaw pala," rinig kong sambit ng katabi ni kuya na naka-salamin sa mata. Mukhang nasa-50's na.
Umupo si kuya saka ngumiti sa lalaki.
"Opo, Mr. Jacinto. Kamusta na po kayo?"
"Ako? Siyempre ay okay pa rin! Malakas pa naman. Kamusta naman 'yong parents niyo? Si Boulevard at Janice?" tanong ng lalaki.
"Maayos naman po. Gano'n pa rin."
Habang nakikinig sa kanila ay humalukipkip ako at tinignan ang paligid. Wala pa 'yong mga players. 'Yong mga cheerleaders na mukhang kinakabahan lang ang nakita ko. Bukod sa mga taong may dala-dalang mga banners at hotdog balloons ay ang referee na lang 'yong nakita ko.
"Kapatid mo ba?"
Bumaling ako kay kuya nang maramdaman ko ang akbay niya sa akin.
BINABASA MO ANG
Never Say Never (Serie De Amor #2)
RomanceLove comes in an unexpected way, unexpected place, and unexpected scene. That's right. Fern Silver Gomez is still an infant in love industry that's why when she met her friend's cousin, she felt tons of foreign feelings. That's when she realized tha...