HE LOVES TO SURPRISE ME

21 2 0
                                    


"Please 'wag mong sasabihin 'to sa kaniya, okay?"

"Duly noted." Narinig ko naman ang mahina niyang pagtawa. "I'm hanging up now, bye."

"Bye."

Napangiti pa ako nang makitang tapos na ang ginawa kong cake. Talagang pinaghahandaan ko ng sobra ang araw na 'to.

Ngayong araw at balak kong surpresahin ang boyfriend kong halos dalawang taon ko nang hindi nakikita. At nag-uumapaw talaga ang saya sa puso ko sa 'twing naiisip na magkikita na ulit kaming dalawa.

Napaisip na naman tuloy ako sa mga ikinikilos niya nitong nagdaang mga araw. Madalang na siyang makipag-usap sa'kin pero palagi ay iniintindi ko naman siya dahil baka busy lang siya sa iba niyang gawain. O baka naman... busy na naman siyang maghanda para surpresahin ako.

Pinaalam ko naman na sa kapatid niya na bestfriend ko na 'wag sasabihin sa kaniyang nandito na ako sa Pilipinas, pero hindi ko mapigilang mapangiti kapag naiisip na malalaman niya 'yon saka siya maghahanda ng kung ano-ano na namang surpresa para sa'kin. Kinakailangan ko pang takpan ang mukha ko gamit ang dalawang kamay ko dahil sa kilig na nararamdaman ko.

Hindi naman bago sa'kin na lagi siyang may surpresa pero parati nalang siyang nagtatagumpay na gulatin ako sa mga ipinapakita niya.

Mahilig si Marco na surpresahin ako kahit pa na minsan siya ang dapat na surpresahin. Palagi ay hindi siya nabibigong pasayahin ako.

At sa wakas, ngayong tapos na ang kontrata ko sa ibang bansa ay pinaghahandaan ko naman ngayon ang birthday niya dahil sa pagkakataong ito, ako naman ang susurpresa sa kaniya. Ang araw na 'to ang magsisilbing pasasalamat ko sa kaniya dahil pinayagan niya akong malayo kahit pa hindi 'yon gano'n kadali para sa aming dalawa.

Wait for me, love.

——

Abot-abot ang kabang nararamdaman ko habang tinitingala ang mataas na bahay nila Marco. Mag 9pm na akong nakarating sa bahay niya dahil ang balak ko sana, kaming dalawa lang ang magcecelebrate ngayon. Sinadya ko talagang magpagabi para sana makauwi na rin ang mga bisita niya bago pa ako dumating.

Hawak ang cake at bulaklak, pawisan ang kamay kong binuksan ang gate. Buti nalang at bukas 'yon.

Huminga ako ng malalim saka taas noong lumakad papunta sa bahay niya. Pero halos lumaglag ang panga ko sa nakita sa bungad pa lang ng pintuan niya.

Sobrang lakas ng tibok ko dahil sa mga naiisip ko. Eto na naman. Eto na naman yung pakiramdam na nandiyan lang siya... hinihintay na malaman ko ang bago niyang surpresa.

Nagkalat ang mga petals ng rose sa sahig. May ilan ring lobo ang nakasabit sa kisame niya. Halos dim na rin ang ilaw sa paligid dahil tanging kandila nalang ang lumiliwanag rito.

Inilapag ko ang cake sa isang mesa saka mas iginala ang paningin sa paligid. Sa isipin palang na nag-effort talaga siya para rito, sobra-sobrang tuwa na ang nararamdaman ko.

Nangingilid ang luha at nakangiti akong nagpatuloy sa paglalakad. Sinundan ko ang mga petals ng bulaklak kung saan patungo iyon sa kwarto niya.

Dahan-dahan akong lumiko. Saka tumigil na naman ang paghinga ko dahil sa nakita.

Puro petals at kandilang may sindi ang nakaukit ng salitang "Will you marry me" ang nagpahinto sa'kin.

Napaawang ang labi ko dahil sa sobrang pagkagulat. Ilang beses pa akong napakurap-kurap na para bang hindi ako makapaniwala sa nakikita ko pero kahit pa na hampasin ko ng ilang beses ang ulo ko, alam kong totoo ang lahat nang nasasaksihan ko.

"Will you marry me?" Si Marco.

Nangilid ang mga luha ko. Natakpan ko pa ang bibig ko para pigilan ang emosyong gustong kumawala sa'kin, pero mas lalo lang tumitindi ang kagustuhan no'n na makawala dahil sa matinding pagpipigil ko.

"Yes."

Nag-uumapaw ang saya na niyakap ni Marco ang babaeng nakatayo sa harap niya. Hindi mo maipapaliwanag ang saya na nakaukit sa mukha niya, lalo na nang maisuot niya ang singsing sa babae.

Napatago ako. Pinipigilan ang sariling gumawa ng ingay dahil sa paghikbi. Buong buhay ko, hindi ko inakalang... ganitong surpresa ang sunod na mangyayari sa buhay ko.

Naduwag na akong lapitan sila dahil kitang-kita naman kung gaano sila kasaya sa isa't isa. Kahit mabigat sa dibdib, pinilit kong umalis sa bahay na 'yon kung saan ang lugar na minsan rin akong naging masaya.

Pagkatapos kong lisanin ang lugar na 'yon ay isinabay ko na rin ang huli kong mensahe para sa kaniya.

Kahit na kailan, hindi ka nabibigong surpresahin ako, mahal ko.

Work of Fiction
• NO MORE NEXT (ONESHOT STORY ONLY)

✍: @janessCious | Janess Manunulat

Photos are not mine.

ONESHOT TAGALOG STORIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon