Bad Man Crying

86 3 0
                                    

BAD MAN CRYING

Original story by  Allysstasia

Copyrighted 2015

Side story of " IN YOUR DREAMS" by ALLYSSTASIA

——

Nuon akala ko ang mga BAD walang puso, walang pakialam sa nararamdaman ng iba, walang ginawa kundi gawin ang mga bagay na sadyang kinaiinisan ng marami.

Pero akala ko lang pala yun. Nagkamali ako. May puso rin pala sila kagaya natin. Tao rin sila. May karapatang umiyak at masaktan. May pakiramdam. Kaya rin nilang magpakabuti at magbago. Just give them a chance. A chance that you will never regret in the end.

Lahat ng yan ay narealize ni Cassandra May Lim ng makilala nya si Ivan. Si Ivan Ken Santos ang PRANK KING ng school na kakumpitensya ng school na pinapasukan ni May. Ang dakilang bully. Hindi natatapos ang buong araw na hindi sya napapatawag sa guidance office. Suki na sya roon.

"Ano pare musta sa luob? Ayos ba?" pabirong tanong ni Jason sa kalalabas lang na si Ivan mula sa guidance office

Pero imbis na sumagot ay nilampasan lang ito ni Ivan. Hindi na nya muli pang kinulit ito. Nahalata nya kasi na badtrip ang kaibigan nya. Nagtataka nga sya kung bakit muli itong ginawa ni Ivan, ang mam-bully ng schoolmates nila. Kilalalang-kilala ni Jason si Ivan dahil mula elementary ay magkaibigan na sila. Alam nya rin kung may problema ito at may pinagdaraanan.

"Nagbago si Ivan buhat ng makikilala nya ang babaeng yun. Siya rin kaya ang dahilan kung bakit nagkakaganito ngayon ang kabigan ko?" tanong ni Jason sa sarili nya habang pinagmamasdan si Ivan

"Pare anong nangyari dun? Badtrip?" tanong ni Marco. Ang tinutukoy nya ay si Ivan

"Hindi ko rin alam pare eh" sagot ni Tristan

"Siguro nag-away sila ni May?" - Jay

Nang araw ring yun ay napagpasyahan nyang puntahan ang babaeng tinutukoy nyang maaaring may kinalaman kung bakit bumalik ang dating Ivan na tinatawag ng karamihan na BAD MAN.

"Naistorbo ba kita?" tanong nya rito

"Hindi naman" sagot ni Cassandra kay Jason "May kailangan ka ba?" tanong pa nito

"May, nag-away ba kayo ni Ivan?" - Jason

"Break na kami ni Ivan" bigla nalang may tumulong luha sa mga mata ni May.

Nabigla naman si Jason sa nalaman nya

"Ano? Ba-bakit?" hindi makapaniwalang tanong ni Jason kay May

"Kaya siguro ganuon ang mga ikinikilos ni Ivan ngayon dahil break na sila ni May" bulong ni Jason

"Bakit kayo nag-break ni Ivan?" tanong ulit ni Jason

Pinunasan ni May ang pisnge nya na nabasa na ng mga luha nya. Huminga sya ng malalim bago nya ikinuwento ang nangyare

(May as in MAE pero most of her friends call her MY. Gets ba?)

MAY'S POV

|Flashback|

(Ito yung time na nasa Mall sina Allysson after ng exam nila)

*Riiiiiing... Riiiiing...*

Kinuha ko yung phone ko sa bulsa ko.

Allysson calling...

"Hello? Bebe bakit? Asan na kayo? 30 minutes nalang mag-i-start na yung movie" bungad ko kay Allysson

[Ahm... May asa 3rd floor ka diba?] tanong nya

Bad Man CryingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon