Chapter 6

1K 24 2
                                    


Chapter 6 - The Party

_______________________

Sapphire's POV

"Saph, are you okay now?" tanong ni Ruvanne sa kanya. Ngayon ay nandito siya sa sala, blanket is wrapped all over her. Nahuli na si Mang Rando, ang baliw na matanda slash pedophile asshole. Marami na rin daw ang nagkaproblema dito dahil nanghaharass ito ng mga dalagita which is more than half of his age. Ayon sa kanyang pakikinig ay aroung 60 na daw ito. Ang creepy daw nito sobra dahil kung hindi man nito niyayakap ang mga dalaga na target nito habang tulog ay ninanakaw nito lahat ng panties. Nahanap na din ng mga pulis kung saan nilagay ng matandang bulok ang mga underwear na ninakaw nito, sa loob sa brief na suot nito!

Nandidiri siya, sobrang diring diri siya. Hindi lang sa matanda kundi sa sarili din niya. It just brought back memories... again.

She just gave him a nod, as possible ayaw niya sanang makaharap muna ito, she just want to have time for herself to be collected. And fortunately, mukhang naintindihan naman nito. Iniwan siya nito at pumunta sa mga pulis na ngayon ay nasa labas ng mansyon, mukhang magbibigay ng statement on her behalf. She just thanked all heavens na may inihulog itong lalaki na katulad ni Ruvanne na magiging bestfriend pa niya.

Pumunta muna siya sa kitchen upang kumuha ng tubig, e sa nauuhaw siya eh!

Papasok na sana siya sa kusina ng may maulingan siyang nag-uusap. She peeked and saw Ruvanne's father and Delbert. Nakayuko ang ulo ni Delbert samantalang ang matanda ay halatang nagpupuyos sa galit at parang ilang sandali nalang ay ihahampas nito kay Delbert ang tungkod nito.

"Sinabi ko na sa'yo na ang gagawa sa trabahong ito ay 'yung tao na walang baggage! Pero ano ang nangyayari ngayon? Kinuha mo ang babaeng 'yan na walang silbi na hanggang ngayon ay hindi parin nagagawa ang kanyang trabaho! Akala ko ba expert 'yang puta na 'yan na kinuha mo?!

Kung 'di ka man sandamakmak na gago, bruhildo!..." At hinampas nito si Delbert sa kaliwa nitong braso gamit ang tungkod nito, agad na napasinghap siya. Mabuti nalang at hindi nito narinig. Because she wanted to hear more.

Halatang nasaktan si Delbert sa ginawa nito, gustong-gusto niya sanang daluhan ito ngunit hindi pwede dahil alam niya na pareho silang dalawa na madadamay, baka magalit na naman ito sa kanya. Sa totoo nga lang din ay nasasaktan siya sa sinabi nito, hindi siya isang puta and she swear na magkakamatayan muna sila ng demonyo bago niya ipamimigay ang kanyang katawan kapalit ang salapi. That's just gross.

"Ayokong dinidisturbo ako, alam mo iyan Delbert. Nagdala pa ng gulo 'yang babae mo. Ayusin mo ito..." Iyon lang at umalis ito na medyo huminahon na.

Umalis siya sa kanyang pinagtataguan at bumalik sa sala, mamaya nalang siya iinom ng tubig. Nasaktan siya na sinabihan siya ng puta ngunit ang mas masakit ay ipaalala sa kanya na ang lahat ay parang set up lang, ginawa ang lahat kapalit ang pera, ang pagkakaibigan nila Ruvanne ay mababahiran ng dahil sa pera. Nanghihina siyang umupo sa sofa, kahit bago lang sila nagkaibigan ni Ruvanne, ning hindi pa nga umabot ng linggo ay masaya siya na kasama ito at kung malaman nito na nakipagkaibigan lang siya dito para sa... Malakas siyang napabuntong-hininga, mamaya na niya uunawain ang magiging bunga sa kanyang ginawa.

"Okay ka lang ba?" Napatuwid siya ng upo at nilingon si Delbert. Lumapit ito sa kanya at umupo sa tabi niya bago nito pinunasan ang luha na dumadarausdos na sa kanyang mga pisngi. Umiiyak na pala siya. Bigla nalang siya nitong niyakap na lalong nagpahagulhol sa kanya.

"Bakit?"

"A-Ang sakit lang kasi isipin na panandalian lang pala ang pagkakaibigan namin ni Ruvanne at ang mas malala pa doon ay alam kong magagalit siya sa akin kapag nalaman niya." Hinahagod nito ang kanyang likod, pinapatahan siya nito. Sumiksik siya sa dindib nito. Ilang sandali pa ay nagsalita ulit ito.

Seducing a GayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon