Chapter 7

1.2K 27 13
                                    

Chapter 7 - Awkward

___

Sapphire's POV

The kiss was intense, their tongue are fighting for domination like warriors determined to win. Ang isang kamay ay niya ay nasa batok habang ang isa ay sa nasa likuran nito, pulling him closer at parang ganoon rin ang gusto nito dahil ang isang kamay nito ay nasa likod habang ang isa naman ay nasa kaliwang dibdib niya. Hindi niya alam kung si Ruvanne ba talaga ang kahalikan niya sapagkat bakla ito at hindi siya makapaniwala na ganito ito kung humalik. Iniisip ba nito na lalaki siya?

Natigil lamang ang kanilang paghahalikan ng makarinig ng masigarbong palakpakan at isang nakakasilaw na liwanag. May spotlight na nakatutok sa kanilang dalawa ni Ruvanne, may ilaw na rin pero dim lang. "Wow, just wow! Grabe ka Mr. COO ha pinatunayan mo sa amin na hindi ka talaga bakla. Kung maghalikan kayo ay kulang nalang lamunin ninyo ang isa't-isa--" nagtawanan ang mga tao habang siya ay nakayuko pilit na itinatago ang sobrang pula na niyang mukha. Pesteng emcee, kailangan ba talagang ipalandrakan iyon?

"We could provide a bed for you two and in exchange you will give us a live show! Grabe, that was hot! Let us give Mr. COO and his date a round of applause again!" Siya lang ba o talagang parang nag-iinsulto ang emcee. Nabigla siya ng may humila sa kanyang kamay at kinaladkad patungong elevator. Nang makapasok kami ay hindi maramdaman ang hilo sa nakikita ko kay Ruvanne, sobrang galit siya habang may tinatawagan.

"Lia, pack Mr. Rodrigo's things first thing in the morning and make sure na bago siya umalis ay haharap siya sa akin. Ako na ang bahala kay Dad." sabi nito at agad ibinaba ang cellphone. Hindi niya maintindihan, kanina sobrang saya tapos naghahalikan tapos ganito? Medyo nalito na siya. Nakarating sila sa basement parking at dali-dali itong naglakad papunta sa kotse nito. Mabilis din siyang sumunod dito, at sumakay na rin.

Pinaharurot na nito ang sasakyan papunta sa mansyon nito ni halos hindi nga niya naramdaman na bumabyahe sila. Pagkarating nila sa mansyon ay agad silang bumaba at nagpunta sa kwarto nito. Tinanggal lang nito ang coat at necktie nito ng madalian habang nakatingin lang siya dito. Habang nakatingin siya dito ay isa lang ang nasa isip niya, pwede ito maging lalaki dahil sa kilos nito lalo na kapag galit. Unconsciously, hindi nito alam kung ano ang inaakta nito ngunit sa mata niya lalaking-lalaki ito.

Aalis na sana ito ng bumaling ito sa kanya. "I'm sorry sa nangyari ngayon best ha? I just ruined our night." Tapos ngumiti ito ng tipid ngunit malambot mukha nito bago ito lumabas sa kwarto. Napabuntong hininga na lamang siya.

___

Napamata siya sa sikat ng liwanag na tumatama sa kanyang mukha. Pagtingin niya sa kanyang tabi ay sakto din ang pagbangon ni Rubina. Tumingin ito sa kanya at umiwas agad ng makita na nakatingin siya dito. "K-kain na tayo." Sabi nito bago lumabas ng kwarto.

Nagkibit balikat nalamang siya at sumunod na dito sa hapagkainan. Nandoon na si Sir Vlad at parang naghihintay sa kanila. Binaba nito ang binabasang newspaper ng makita kami. "Nandito na pala kayo, manang ang mga pagkain." Agad tumalima ang mga katulong upang ihain ang mga pagkain sa mesa. Isa sa natandaan niya na sinabi sa kanya ni Delbert ay bawal pumasok sa kusina kundi ang mga pinagtitiwalaang katulong lamang nito. Kung may gusto kang kainin, sabihin mo lang sa isa sa mga katulong at sila na ang bahala.

Magkatapat sila ni Rubina at panay ang tingin nito sa kanya, nahalata niya at nang tingnan niya ito ay umiwas na naman ito ng tingin. Ano bang nangyayari sa baklang ito?

Mabilis nitong tinapos ang pagkain kaya nawalan na rin siya ng ganang kumain kaya tinapos na niya ito at nagpaalam kay Sir Vlad. Pumunta nalang siya sa sala at nanood ng tv. Hindi na naman niya nakita si Delbert, siguro ay busy na naman ito. Ilang minuto ang nakalipas ng makita niyang papuntang labas si Rubina na nakabusiness suit na naman. Oo nga pala, Lunes may trabaho. Naalala niya ang sinabi nito sa sekretarya na may ipapatanggal siyang trabahadot, yung emcee. Namula siya, naalala na naman niya ang halikan nila ni Rubina.

Seducing a GayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon