PAGGISING ko sa umaga ay wala na sa tabi ko si Eric. Nakasuot na rin ako ng white t-shirt. Si Eric siguro ang nagsuot sakin. At ang laki mukhang kanya pa ata itong damit na sinuot sakin. Maya maya pa ay narinig kong tumunog ang cellphone ko na nakapatong sa tabi ng kama. Si Eric ang tumatawag.
["Baby!..."] Bungad nito ng marinig na sinagot ko na ang tawag nya. ["Hindi na kita ginising alam kong napagod na naman kita kagabi... Wag ka na pumasok sa trabaho ngayun magpahinga ka nalang muna!"]
"Salbahe ka hindi mo nanaman ako ginising para hindi ako makapasok!" Inis na sagot ko sa kanya. Narinig ko pang tumawa ito ng malakas sa kabilang linya.
["Mag asikaso ka na lang para mamaya, baka nakakalimutang birthday ni lesly ngayun!"] Paalala nya sakin na nagpatayo sakin sa higaan.
"Oo nga pala nakalimutan ko!" Nag aalalang sagot k lonsa kanya.
["Ganyan mo na ba talaga ako kamahal kaya pati ang babe mo nakakalimutan mo na?"] Panunuya nya sakin.
"Oo na!..." Malambing na sagot ko sa kanya. "Kapag kasama kasi kita ikaw lang ang nasa isip ko at wala ng iba!"
["Ibig sabihin kapag hindi mo ako kasama iba ang nasa isip mo?"] Halata sa boses nya ang galit kaya naman natawa na lang ako. ["Baby, dapat mas lalo mo akong iniisip kasi hindi mo ako kasama, ako nga lagi kitang naiisip ngayun dahil hindi kita kasama, at shit!, I miss you already baby!"]
"Sira ka talaga e no?" Gulat na sagot ko sa kanya. Nagalit agad sa kababawan ng loko. "Syempre naiisip kita kahit hindi tayo magkasama!"
["Talaga?"] Parang batang tanong nya sakin na ikinilig ko na naman. Hindi na yata ako masasanay sa ugali ng asawa ko pagdating sakin.
"Oo!..." Malambing na sagot ko sa kanya para hindi magtampo. "Bibili na lang ako ng panregalo kay lesly mamaya para pagpunta natin may regalo tayo."
["Okay!, Baby!"] Malambing na sagot nya sakin. ["Mag ingat ka okay!... Message mo ako kapag nasa mall kana!"]
"Okay po!... Ilove you!"
["I love you more baby!"] Yun lang at ibinaba na nya ang tawag. Ibinaba ko naman ang cellphone ko sa kama.
Papunta na sana ako ng banyo ng tumunog nanaman ang cellphone ko. Si Eric na naman sigurado at may pahabol na bilin siguro. Kaya naman dinampot ko ulit ang cellphone ko para basahin ang message nya pero nagtaka ako dahil unregistered number ang lumabas. Binuksan ang message.
['babawiin ko ang mahal ko sayo! Hindi ako papayag na ikaw ang makasama nya habang buhay gagawin ko ang lahat para mapunta ka sa impyerno at mapasakin na sya!']
Natakot ako sa message na yun kaya sa galit ko ay tinawagan ko ang number na yun. Pero hindi man lang ito nag ring. Nakapatay na agad.
ITINUON ko ang isip ko sa pagpili ng maireregalo kay lesly. Ayoko na muna isipin ang tungkol sa text message na natanggap ko. Nag paikot ikot ako sa mall hanggang sa makapili na ako. Mag lalunch na ng matapos ako kaya naisipan kong tawagan si Eric para ayain syang sabay na kumain.
["Sorry baby may lunch meeting ako e!"] Sagot nya sakin.
"Okay!" Laglag ang balikat ko ng marinig yun sa kanya.
["Ganito na lang kumain ka na dyan sa mall tapos dumiretso kana dito sa opisina para sabay na tayong dumiretso sa birthday ni lesly!"]
"Sige!" At ibinaba ko na ang tawag.
Diretso sana ako isang restaurant ng makit ko ang isang tindahan dun ng pang baby. Kaya naman naisipan kong pumasok loob.
Grabe!. Pakiramdam ko nasa paraiso ako. Ang daming cute na mga damit ng baby. Inisa isa ko yun tiningnan maigi. May mga medyas at sapatos din na ang ku cute. May pang babae at pang lalaki. Sa kabila naman ay mga feeding bottles. Iba't ibang klase at iba't ibang laki. Ang kucute. Hindi ko namalayan ang oras dahil sa libang na libang ako sa pagtingin ng mga gamit pambaby. Bumili ako ng isang sapatos na maliit. Kulay puti para pwede sa babae at sa lalaki.
BINABASA MO ANG
In Love To A Tomboy
RomanceAno gagawin mo kung bigla ka na lamang iwan ng lalaking pinakamamahal mo ng wala man lang sinasabi? Aasa ka pa rin ba kahit na wala namang kasiguruhan na tunay ka nga nyang mahal? Paano kung makalipas ang 7 na taon ay magkita kayon...