Prologue

18 2 0
                                    

I could only dream about how we would have lasted if you stayed.

Reminder-This is a work of fiction. Names, places events and incidents are only fictitious along the author's imagination. Resemblance to actual people, living or dead or certain events is purely coincidental.

"Ang tagal naman magreply ni Alion." I've been waiting for his message eversince this morning. Tomorrow is Valentine's Day kaya nagplano na ako ng date namin.

Umuwi muna ako para makapagpahinga from work. Napalingon ako kay Ate Ivory na parang kinakabahan. Nasa trabaho pa yata si Alion, kawawa naman ang asawa ko. He must be tired.

I received a message from my husband. It was a voice mail so I decided to listen to it. Pinindot ko iyon at narinig ang boses ng asawa ko. "Mahal? I love you...until my last breath. Mahal na mahal kita."

Kinabahan ako sa sinabi niya kasi hindi naman siya vocal sa feelings niya eh pero nagsend ulit siya ng voice message. "The sunset is beautiful isn't it?" Napatingin naman ako sa labas. The sun is setting pero anong meron? Why...why is he sending me these?

Napatingin ako kay Ate Ivory na karga si Alona. Baby namin ni Alion. Nilapitan ko siya at tinanong kung anong nangyari kay Alion. I was so worried.

"Ate...nasan si Alion?" I asked.

"Klaui...huwag kang magugulat ah?"

"Bakit?" I asked. "Ate Ivory...anong meron?"

"Nasa hospital siya ngayon. He was found hanging himself." Sabi niya kaya natigilan ako. "He's still alive. Puntahan mo muna bago pa siya mamatay kasi sabi ng doctors ay critical na siya."

Dali-dali akong sumakay ng kotse at umalis. I arrived to the hospital and looked for him, nakita ko sina Mama Jenny at nilapitan sila. Iyak sila nang iyak. Sinabi nila ay nahihirapan na daw si Alion at ayaw pa daw bumitaw sa life support kahit pinipilit na siya nina Mama kasi ayaw nilang nahihirapan si Alion. Pinapasok ako nina Mama sa kuwarto at nakita na andon nga si Alion sa kama.

"Mahal..."

He looked at me and smiled. Signaling me to walk towards him and so I did. "Klaui...ang ganda mo."

"Hal naman eh! Bakit ba ganito ang madadatnan ko? Ayaw mo na ba sa amin ni Alona?" I asked while holding his hand.

"Gusto ko pa kayong makasama...pero nahihirapan na ako. Hindi ko na kinakaya. Ayaw kong mahihirapan ka dahil inaalagaan mo si Alona at kailangan mo din akong protektahan." Sabi niya kahit hirap na siyang umimik. "Gusto ko...humanap ka ng lalake na aalagaan ka at mamahalin ka ng higit pa sa ginawa ko."

"Walang ganon, Alion. Ikaw lang ang nagmahal sa akin ng ganito. Bakit mo ako iiwan?" I said.

"Meron...merong magmamahal sa'yo na higit pa sa kaya kong gawin." He said then slowly shut his eyes.

Tinitigan ko lang siya. Paano ako mabubuhay kung wala ka? I kissed his lips for the last time and called a doctor. Umiyak ako kay Mama Jenny. She said matatag daw ako kasi alam niyang kakayanin ko without Alion.

"Kaya ka minahal ng bunso namin eh." Sabi ni Papa. "Kasi malakas ang loob mo, alam niya na hindi ka basta sumusuko. Alam din niya na kaya mong alagaan si Alona...kaya sobra ang pagmamahal sa'yo ni Alion." Sana nga malakas ako.

"Mama...I will pay for the funeral funds. I'll take 2 weeks off from work na din para sa kaniya." I said. "And sa inyo po muna si Alona."

"Sige. Magiging ayos lang ang lahat, anak." Tumango na lang ako kay Mama. "Ngayon...gagabayan ka na ni Alion."

Umuwi muna ako at nakita na aalis na din si Ate Ivory. I cleaned the place after Alone went to sleep. Tumabi ako sa kaniya sa kama. "Sorry, anak ah? Hindi natin na-keep si Daddy. Hinayaan ko siyang bumitaw kasi ayon ang gusto niya. Sorry dahil sa aming dalawa ako lang ang gustong lumaban siya kaso mabilis siyang umalis eh." Iniwan niya ako dito...na walang alam sa dinaanan niyang problema.

"Condolence, Ate Klaudia." Napalingon ako kay Kyla, she's my sister. "Pinilit kong sumama sina Mami kaso ayaw talaga nila kay Kuya Ion."

"Maupo ka na, ahm andoon sa loob si Alona kung gusto mong laruin and if may kailangan ka magsabi ka kay Ate, okay?"

"Wala na talagang pag-asa na magbati kayo nina Dadi?" Hindi ko siya sinagot at tinitigan lang si Alion. "Okay. Hi, Kuya Ion." She said then left.

Akala ko kaya ko...hindi pala. Hanggang ngayon umiiyak pa din ako. Ayaw ko sanang ganito ako ngayon. Nahilo ako bigla kaya humingi ako kay Kyla ng tubig at ng vicks. Lumabas si Mama Jenny at nakita na namumutla daw ako.

"Maayos ka lang ba, Hija?" Tumango ako at sumandal. "Nakakain ka na ba ng maayos?"

"Ayos lang po talaga ako, Mama. Nahilo lang bigla." Sabi ni Mama ay hahanap daw siya ng gamot at iniwan kami ni Kyla.

"Ate...masaya ako at kay Tita Jenny ka napadpad. Mas mabuti na sila nga ang kasama mo ngayon kesa kina Mami."

"Anong meron kina Mami?" I asked, kahit galit ako ay magulang ko pa rin sila.

"Maraming masamang nangyari nung umalis ka." She said. "Madalas na silang mag-away dahil sinisisi nila ang isa't-isa na mas pinili mo si Kuya Ion. Nagsisisi na nga yata si Mami na hinayaan ka niyang umalis."

"Kyla, nanghihina ako. Pakibantay kay Kuya mo." Tumango siya at pumasok ako sa kuwarto ni Alona kung saan nagsistay si Ate Ivory. "Ate, ako na dito. Bantayan mo na muna si Alion."

"Sige, magpahinga ka muna." Lumabas si Ate at humiga na ako sa tabi ng anak ko.

I tried sleeping but I couldn't. Pumasok si Mama sa kuwarto at binigyan ako ng pregnancy test. Tinignan ko siya at nagkibit-balikat lang siya kaya ginamit ko na. I stared at it and kept reading the result. I looked over the sink and it's the same result as with what I was holding. Tinapon ko na ang ibang gamit at kinuha ang isa para ibigay kay Mama.

"Buntis ka." Umupo ako sa tabi ni Alona at tinitigan siya. "Tutulungan ka namin, Klaudia." Sabi ni Mama. "At isa pa...diba ito ang gusto niyo ni Alion? Ang mabigyan ng kapatid si Alona."

Ngumiti ako at pinunasan ang luha na pumapatak na pala. "Sinigurado po yata ni Alion na may anak ulit kami bago siya umalis." Hinalikan ko si Alona at nilabas na siya. Hawak ko siya habang nakatingin kami kay Daddy niya. "Hal...natupad ang pangarap natin. May kapatid na si Alona pero paano ka na? Paano kami?"

"Ate...uuwi na ako. I promised Mami I'd stay for a while." Tinignan ko si Kyla at tumango. "Sabi niya...she'll try to visit tomorrow."

Wala na lang akong sinabi at niyakap siya. "Mag-iingat ka ah? Gusto mo bang ipahatid na kita?"

"No need. Andiyan si Manong." Napatingin ako sa mga bisita at nakita si Manong kaya nginitian ko siya. "Babye Ate."

Bawal akong ma-stress. Para sa mga Baby ko. Paano ba kami nagsimula ni Alion? Oh yeah...

Heaven's CommunicationWhere stories live. Discover now