CHAPTER TWO: THE CALL

96 2 0
                                    

CANE

Papauwi na ako sa bahay. Habang nagdadrive ako ay may nakita akong naglalakad na lalaki. Tss, yung secretary ko lang pala. Huminto ako sa gilid niya at bumusina. Binaba ko naman ang salamin ng bintana ng kotse ko.

Gulat naman itong napalingon sakin. "Hay! Grabe! Ikaw lang pala, Miss Stellar! Akala ko kidnapper! Tas ibebenta organ ko at pagsasamantalahan ak——"

"Ang ingay mo! Hindi ka babae, okay? Walang manre-rape sa isang bakla." Inis kong putol sa sasabihin niya.

"Malay mo meron" Kontra nito at pinaikot ang mata.

"Tss, sakay na!" Inis kong utos.

"Yes! May driver ako!" Masayang bulalas nito saka dali-daling pumasok sa kotse ko.

Sinamaan ko naman ito ng tingin kaya nag peace sign ito kaagad. Pinaandar ko na ang kotse at saka itinutok ang mga mata sa daan.

Tahimik lang ang byahe nang bigla itong nagsalita. "Miss Stellar pag may umagaw sa jowa mo. Anong gagawin mo?"

Napaka ingay talaga nito. Hindi ko alam kung bakit ko pa ito pinasakay.

"Wala akong jowa"

"Ay, hala siya kill joy. Kunyare lang naman. Bitter nito."

"Edi ibibigay ko sa kabit niya. Ipapakain ko pa." Seryoso kong tugon.

"Katakot! 'Di mo ba ipaglalaban?"

"Useless ipaglaban ang taong pinagtaksilan ka. He will do the same mistake again. Once is enough." Seryoso ko pa ring sagot.

"Ahh, paano naman kung ikaw talaga ang mahal niya?" Tanong ulit nito.

"Ba't ang dami mong tanong? Just shut up!" Inis kong singhal rito saka itinoon na naman ang isip ko sa pagmamaneho.

"Ang bitter talaga nitong si Miss Stellar. Ang suplada pa parang araw-araw may regla. Palibhasa walang jowa." Pagpaparinig nito.

"What did you say?"

"Ang sabi ko maganda ka." Sagot nito saka pekeng ngumiti.

"Tss!"

Tahimik muli ang byahe namin. Di na rin ito nagsalita.

"Why did you apply as my secretary?" Maya-mayang tanong ko.

"I don't know. Maybe gusto ko lang na asarin ka." Sinamaan ko naman agad ito ng tingin kaya napatawa ito.

Tss! Ang bakla ng tawa niya.

"Charot! I just want to try some new things. Gusto kong magtrabaho at kumita ng pera in my own."

Tumahimik uli ang paligid.

Maya-maya ay nagsalita ulit ito. "Ikaw? Ba't ang suplada mo? Tas cold pa."

"None of your business." Walang gana kong sagot.

"Do you mind if I will free your heart in coldness and make it mine?" Seryoso nitong tanong.

Napalingon naman kaagad ako sa kanya. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko na para bang nasa karera ito.

Pursuing My Gay Secretary (EDITING)Where stories live. Discover now